Ang lalaking hindi marunong magpahalaga

Kakauwi ko lang from school. Pag uwi sobrang pagod. Binaba ko ang bag ko at nahiga sa sofa. Sarap ng pakiramdam ng makapahinga. Matagal akong nakahiga nang di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Biglang nag-vibrate ang celfon ko. I checked kung sino. I opened my inbox--- minsan akala mo nasasayo na ang lahat, pagnasayo na ang taong mahal mo. Pro lahat na nga ba? Gano ka kasigurado na iyo na sya? Habang buhay? Kaya ngayon palang alagaan mo na Habang nandyan pa! Sender: BaBy koW It�s a usual quote coming from my girlfriend. Dahil sa antok ko, di ko na nireplayan. Again my cell vibrated. 1 message received--- nVr hold in2 smtnG too TyT.. Cz smWer N d MiddLe U MyT Lus heR. Dnt put UrseLf in2 smTng U knW U cnT Let Go.. Sender: BaBy koW Naku naman pagod na pagod ako so tinuloy ko na ang pagtulog ko. Hindi ko na maintindihan ang sense ng message niya dahil sa antok so pano pa ako magrereply? Again nag-vibrate nanaman celfon ko pero di ko na pinansin pero ayan nanaman. 2 messages received--- First message: I jst wnt u to knw dt I love u & even GOD takes me away from you It won't change. You own my heart Till d very last breath I'll take. Sender: BaBy koW Pinatay ko na ang cel ko ng hindi binabasa ang isa pang message. Kaya natulog na lang ako ulit. Pag-gising ko wala na kong battery so I charged my cell and I tried calling her with my landline. I tried 5x kakatawag pero wala talagang sumasagot. After 30 minutes my landline rang. Sister ni Maila(baby kow), so I asked her bakit walang tao sa bahay niyo? Di siya sumagot. Umiiyak siya. So I asked: bakit? Ano nangyari? Biglang may naghello, ang dad nila ni Maila pala, so I asked Tito ano po nangyayari? Sinabi niya sakin ng walang pag-aalinlangan Umalis kami kagabi nanood kami ng sine. Nagpaiwan si Maila dahil ang sabi niya pupunta ka daw dito sa bahay. Hihintayin ka daw niya. Dahil sa sinabi niya iniwan namin siya... Nagulat ako sa sinabi ni tito. Ngayon ko lang naalala na pupuntahan ko nga pala siya. Hindi ako nakapagsalita dahil bigla na akong kinabahan. Tinuloy ni tito ang pagsasalita... Pagdating namin nakita nalang namin siya na patay na. Sinaksak siya ng mga nanloob sa bahay Nagblanko ang paningin ko pati na rin ang pagiisip ko. Di'ka kasi pumunta. Inuna mo ang kung anu-anong mga bagay. Di mo man lang siya naisip. Di ko alam kung sino ang nagsasalita konsensya ko ba to o ang daddy niya?! Di ko na alam ang nangyayari sa akin. !!!!nawala na sakin ang mahal ko!!!! Di ko alam kung sa anong dahilan pero binuksan ko ang cellphone ko na 5 oras na palang naka-charge. Ang message nya na hindi ko binasa nandun pa rin. Hindi ko alam kung bubuksan ko pa o hindi but still binuksan ko na rin. B TULUNGAN MO AKO! PAPATAYIN NILA KO!!! Sender: BaBy koW Di ako makapunta sa bahay nila dahil sa hiya. Di ko man lang madalaw siya dahil di ko matanggap sa sarili ko na makita ko siyang nakahiga na. Di ko maisip na wala na ang taong pinakamamahal ko. Di ko matanggap na dahil sakin kaya nagkaganon siya. Ano pang silbi ng mga sinabi ko sa kanya noon na hinding-hindi ko siya iiwan... Na hindi ko siya pababayaan... Na hinding-hindi siya mag-iisa... Ano na nangyari sa mga sinabi ko sa kanya??... Wala na siya. Wala na ang taong bumuo ng buhay ko. Wala na.

1 2 3 4




home| profiles| gallery| video| footprints| love story| message| guestbook|
Hosted by www.Geocities.ws

1