Project Naratib

 

Project Overview

1. Deskripsyon ng aming Komunidad

Sa pananalitang pangkalupaan, ang SM Mall of Asia, na nakatayo sa “reclamation area”, ay binuo o ginawa sa kanluran ng Roxas Boulevard at timog ng Epifanio de los Santos o EDSA sa Lungsod ng Pasay, na kilala bilang “Bay City”, ay kasama sa labing-apat na siyudad sa Metro Manila. Ito’y napapaligiran sa hilaga ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas, Lungsod ng Makati sa hilagang-silangan, Lungsod ng Taguig sa silangan, at Lungsod ng Parañaque sa timog. Kaya itinawag na “reclamation area” ang isang parte ng Manila de Bay dahil ito’y tinabunan ng lupa upang magkaroon ng mas malawak na kalupaan. Ang ilan sa mga gusali na nakatayo sa “reclamation area” ay ang CCP Complex, Star City, Westin Philippine Plaza at marami pang iba.
Ang mall na ito’y mayroong napakalaking tansong globo na halos kamukha ng sa Universal Studios sa Estados Unidos, na makikita sa pinakaharapan ng mall. Ang SM Mall of Asia ay binubuo ng apat na gusali na ipinagdurugtong ng mga tulay-pantao, ito’y ang: Main Mall, North at South Wings at ang Entertainment Mall, kung saan makikita ang mga sinehan, ang IMAX Cinema, at ang napakagandang Manila de Bay.
Ang Mall of Asia ay pagmamay-ari at nasa pamamahala ng SM Prime Holdings. Ang SM Prime Holdings ay nasa ilalim ng pamamahala ng isang Tsino-Pilipinong mangangalakal, si G. Henry Sy. Ang SM Prime Holdings ay mayroong lagpas 25 na malls dito sa Pilipinas at lagpas labindalawa pang magbubukas sa loob ng taong 2007. Ang SM Prime Holdings ay mayroon ding dalawang malls at isa pang magbubukas sa Tsina.
Ang SM Mall of Asia ay kilala sa napakagandang lugar upang mamili ng mga iba’t ibang produkto, masasarap na pagkain, lugar kung saan Pwede magtrabaho, lugar kung saan ka makakaranas ng kasiyahan at higit sa lahat ay itong lugar na ito ang nagbibigay ngiti sa bawat Pilipino sa kadahilanang mayroon ang Pilipinas na tulad ng SM Mall of Asia.


2. Buod ng aming Proyekto


Ang pinakanais at punto ng proyektong ito ay upang makapagbigay ng impormasyon sa bawat indibidwal na babasa tungkol sa ikatlong pinakamalaking mall sa buong mundo. Ngunit, ano naman ngayon? Ito’y sa kadahilanang nais naming makatulong, kahit ito’y simple lamang, sa turismo at ekonomiya ng Pilipinas.
Kung titingnan natin sa kasalukuyang panahon, ang ating ekonomiya ay umuusbong ng paunti-unti. Kaya nga namin pinlano na gawin ang proyektong ito upang makita ng buong mundo kung ano ang maibibigay ng Pilipinas sa kanilang lahat.


3. Ang aming Komputer at Internet Access


A. Pursyento ng mga estudyante na gumagamit ng internet sa kanilang bahay: 90%

B. Bilang ng mga lugar na paggagawaan na gumagamit ng internet sa silid-aralan: 45
C. Koneksyon na ginagamit sa silid-aralan: DSL Connection
D. Bilang ng taon na nakasali ang grupo at konektado sa internet: 3-4 taon.


 

4. Mga Problemang Kakaharapin

Kagipitan sa oras ang pinakaproblema ng grupo. Kaya nga kailangan ng mga estudyante na maging mapaghalaga sa oras, pagbibigay ng kooperasyon, dedikasyon at determinasyon habang ginagawa ang proyekto.
Dahil sa kagipitan sa oras at sa mga kasabay na proyekto sa iba’t ibang sabjek, hindi namin agad-agad natapos at napaganda ang aming mga sulatin. Sa kabutihang-palad, ang aming guro sa Inggles na si G. Patrick Cordero ay naglaan ng dalawang araw sa kanyang oras para lamang matapos namin ang mga naratibo at ilang mga gawain. Magbibigay ng matinding kahirapan para sa mga estudyante na sila’y nararapat na ipagsama-sama ang lahat ng kanilang mga kakailanganin sa proyekto. Masusubok din kaming lahat sa pagpapaganda ng aming website bagamat limitado pa lamang ang aming nalalaman sa HTML. Sa kabutihang-palad, ang aming guro sa Kompyuter, na si G. Roxan Cosico ay nagbigay ng tulong sa amin upang mas maging maayos ang aming website. Binigyan niya rin kame ng oras tuwing oras ng Kompyuter upang matapos namin agad ang aming proyekto. Bukod pa riyan, siya ang kumausap sa aming mga guro sa Inggles at Filipino upang sila ang magwawasto sa mga pangungusap na nakasulat sa mga naratibo. Kung wala ang kanilang suporta, itong proyektong ito ay hindi magiging possible.


5. Ang "Sound Bite" ng aming proyekto


Unang-una, bakit Mall of Asia? Ito’y sa kadahilanang nakapagdag-dag ng turismo sa Pilipinas ang mall na ito. Kaya ang nais namin ay ang makapagbigay ng importansya sa Pilipinas, na nawa’y maging positibo ang kunganuman. Kaya namin pinili ang Mall of Asia, dahil ito’y bagong gawa lamang at naniniwala kami na malaki ang matutulong namin sa turismo at ekonomiya ng Pilipinas, gaya nga ng lagi naming sinasabi. Dahil ito ang pangatlong pinakamalaking mall sa buong mundo, ito ang dapat nating alalahanin upang mas maging maayos ang takbo ng Pilipinas.


6. Sa papaanong paraan ang mga gawain at pananaliksik na siyang binabanghay ng inyong grupo mailalahad o maipakikita ang pagsuporta nito sa istandard ng proyekto, mga esensyal o kinakailangnang requirements, maging sa kurikyulum standards nito?


Ang proyektong ito ay nahahati sa tatlong aralin sa aming paaralan, na ang Filipino, Inggles at Kompyuter. Ang mga pangangailangan ay natanto naman, bagamat ang nais ng proyektong ito ay makagawa ng bersyong Inggles at Filipno. Ang isa pang nais ng proyektong ito ay upang mas mapalawak pa ang aming kaisipan ukol sa paggamit ng internet. Natutunan naming gamitin ang HTML (Hypertext Transfer Protocol), Macromedia Dreamweaver MX, Macromedia Flash MX at pati na rin ang Adobe Photoshop. Natutunan namin na iwasto ang aming mga kamalian ukol sa mga gawain kasama ang tulong ng aming mga guro. Ang naging teknikal na problema namin ay ang paggamit ng HTML, na kinakailangan namin na magkaroon ng kaalaman ukol nga rito. Ang mga gawaing kinakailangan ay inihati at ibinigay sa bawat miyembro ng grupo. Ang iba sa amin ay ang mga sasagot ng mga tanong habang ang iba naman ay ang gagawa ng website mismo. Sa kabuuan, ang pinakapita ng proyektong ito ang ang pagbibigay KOMUNIKASYON. Ang proyektong ito ay talagang nagbigay sa amin ng masaya, kahit na may kahirapan, na karanasan.

Elemento ng Proyekto

1) Anu-anong mga teknolohiya o kagamitan ang inyong mga ginamit upang maisakatuparan ang pagbanghay sa proyekto ng Cyberfair?


Ang grupo’y gumamit ng iba’t ibang softwares gaya ng Microsoft Office programs at Adobe Photoshop 7.01. Ginamit din namin ang Yahoo Genocities sa paggawa ng website at ibang programs na naroroon sa aming kompyuter.
Ang mga ginamit naming programs at websites na ang nais ay ang paggagawa ng website o pag-eedit ay libre lamang. Gumamit din kami ng mga internet programs na magbibigay ng kaisipan at pananaw tungkol sa aming paksa, gaya na lamang ng e-mail at instant messaging gaya na lamang ng Yahoo/Windows Messenger at Yahoo Mail.
Gumamit din kami ng iba’t ibang uri ng magasin para sa mga reaksyon at kumpletong detalye para sa proyekto, gaya na lamang ng Mr. and Ms. Magazine, Star Studio Magazine, Biz News Asia Magazine, mga pahayagan na tulad ng Philippine Daily Inquirer at Philippine Star.
Malaki ang tulong ng mga kompyuter para magawa ang proyektong ito. Gumamit kami ng iba’t ibang gadgets tulad ng digital camera na hiniram namin sa aming mga magulang, gayun na rin ang mga kamera ng aming mga cellphones. Mas ginamit namin ang digital camera habang kami-kami, bilang isang grupo, ay magkakasama. Kuha kami ng kuha ng litrato sa Mall of Asia upang makita ng mga tao ang kagandahan ng mall at ang komunidad doon. Itong proyektong ito ay para sa katuwaan ng isang pamilya.
Para sa kumpletong listahan ng mga impormasyon at teknolohiyang aming ginamit, pumunta lamang kayo sa aming bibliography.

2) Sa papaanong mga paraan ninyo naisakatuparan ang pagiging "ambassadors" at spokespersons para sa proyekto ninyo sa CyberFair maging sa on-line at sa mismong mga tao?


Ang aming guro sa Inggles na si G. Patrick Ian Cordero, ang pinakaunang taong aming kinausap ukol sa paghihingi nga mungkahi sa aming kategorya. Iminungkahi niya sa amin na pumili kami ng lugar kung saan madaling mapupuntahan ng isang ordinaryong mamamayan at gayun na rin sa pagkampanya ng turismo ng Pilipinas. Kaya aming napagdesisyunan ang pagpili sa SM Mall of Asia sa Diosdadao Macapagal Avenue sa Lunsod ng Pasay. S G. Cordero mismo ang nagsabi sa amin na magiging positibo ang resulta ng aming proyekto. Lagi niya kaming binibigyan ng mga papuri at mga kumento na magiging maayos ang kalalabasan ng aming piniling lugar para sa aming proyekto.

3) Ano ang naging kagandahang dulot ng inyong proyekto sa inyong komunidad?


Ang proyektong ito ay isinagawa upang malaman at malinang ang kapasidad ng bawat mag-aaral sa kung anong kategorya ang iniatang sa kanila ng punong guro. Samakatuwid, ang proyektong ito, sa pamamagitan ng Internet, ay naisakatuparan na mabigyan ng ugnayan sa ibang grupo sa iba’t-ibang katauhan sa kanilang lokal na komunidad.
Noong ika-25 ng Agosto, ang aming guro sa Computer na si Ginoong Roxan Cosico ay ipinakilala ang unang local Cyberfair competition sa aming paaralan. Siya, kasama ang aming punong guro sa larangan ng Ingles na si G. Cordero ay nagbigay ng instruksyon para sa kung ano ang kumpetisyong ito. Hinayaan rin kami ng aming guro sa Computer na masulyapan ang naging proyekto ng ibang pangkat upang kami ay mahulma sa mga bagay na maaaring maganap o makita sa kumpetisyong ito. Nagkaroon rin ng pagpupulong sa aming silid-aralan upang mahati ang mga gawain para sa bawat indibidwal. Sa tulong ng aming mga guro ,ang paghahanda namin para sa proyektong ito ay nagbigay ng inspirasyon at determinasyon. Kasama nito ay ang pagkakatuto namin ng makabagong paraan upang makagawa ng isang website.
Hindi ang aming pangunahing layunin sa proyektong ito ay upang makamit at mamutawi ang mataas na grado. Ang sa amin lamang, ang higit na makabuluhan ay ang makapaghatid ng wasto impormasyon upang mabasa ng mga tao ang aming proyekto. Sa kasabihan, “ang karapatn ng kliente ang siyang masusunod.” Sa gayun, ang aming proyekto ay para makapagpundar ng matinding alaala sa mga kliente ukol sa kailangang impormasyon. Sa makatuwid, ang aming proyekto ay kakaiba sapagkat sa lahat ng impormasyon ay nakasentro sa tunay na kahulugan ng bansang Pilipinas at maging sa ekonomiya nito. Ang isa pang dahilan kung bakit kakaiba ang aming proyekto ay dahil sa mga makabagong kagamitan at programa na aming ginamit upang matuwa at mahalina ang mga tao sa pagbisita sa aming website. Ang aming proyekto, sa pagdaan ng panahon, ay patuloy na maglilingkod sa sambayanan at maghahatid ng makabagong impormasyon ukol sa bansang Pilipinas.


4) Sa anong paraan ninyo mailalahad ang pagkakasali ng ilang mga indibidwal sa inyong naturang komunidad?


Masasabi namin na ang proyektong ito ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa Poong Maykapal. Nais namin Siyang pasalamatan para sa lahat ng Kanyang mga gabay sa pagtahak namin sa daan ng paggawa ng proyektong ito. Nais din namin pasalamatan si G. Jemome Paul Garcia-Ariño sa pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman ukol sa kanyang pinagtatrabahuan sa amin.
Mapagkumbaba naming magsasabi na napakalaking tulong ang aming kaalaman upang matapos ang proyektong ito. Ngunit saan nga ba namin nakuha nag kaalamang ito? Ito na ang panahon kung kalian namin dapat pasalamatan ang aming mga guro. Nais naming pasalamatan si G. Roxan Cosico sa kanyang pagpapakilala sa amin sa CyberFair Competition, sa pagturo niya ng mga aralin upang mas mapabuti ang aming website, sa pagbabahagi niya ng kanyang mga karanasan ukol sa kompetisyong ito at dahil sa kanyang determinasyon na ang aming paaralan ay manalo muli sa local na lebel at maging pang-internasyunal. Nais naming pasalamatan si G. Patrick Cordero, guro sa Inggles, sa pagbibigay niya ng mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang kategorya ng kompetisyong ito, sa kanyang walang-kamatayang suporta sa amin at siyempre sa kanyang pagwawasto sa gramatikang aming ginamit. Bilang panghuli, nais din naming pasalamatan si Bb. Roselyn Abancia, guro sa Filipino, isang responsableng tagapayo ng gobyerno ng mga estudyante at gayun na rin, ang aming tagapayo sa silid-aralan, para sa kanyang pagwasto sa aming gramatika sa aming naratib.
Bilang panghuli, nais namin pasalamatan ang mga awtor ng mga pinanggamitan naming materyales na ginamit namin sa mga impormasyon ukol sa SM Mall of Asia.


5) Mga Bagong kaalaman,natutunan at mga karanasan (Opsyonal)


Nadiskubre namin ang paggagawa ng webpage na sadyang napakahirap. Ngunit, tuwing iisipin namin na marami naman ang makikinabang sa aming proyekto, nagbibigay pa ito na mas matinding determinasyon na ipagpatuloy ang aming proyekto.
Ang pinakaaral sa proyektong ito ay ang pagkakaroon ng TEAMWORK, na hindi namin magagawa ang lahat sa sarili lamang namin. Natutunan din namin ang kahalagahan ng oras. Ngunit, bilang buod, ang karanasang ito’y masaya at hinding-hindi namin makakalimutan.

 



Hosted by www.Geocities.ws

1