DESKRIPSYON

Sa lahat ng mga nakakaintindi at nakakatugon sa tunay na kagandahan ay nararapat lamang na makita ang SM Mall of Asia. Ito’y nabuo na rin dahil sa mahigit P 7 Bilyong bilang puhunan nito-hindi nakapagtatakang puntahan din ito ng turismo dahil sa maganda nitong “view” dahil na rin sa tubig-dagat na nasa likuran nito.

Ating pag-usapan ang sa kung anong meron pa ang Mall of Asia. Una na rito ay ang pagkakabuo nito sa itaas ng isang 60-hectare property. Biruin ninyo, 40 jumbo jets ang maaaring magkasya rito at 40 football field ang maaaring paglaruan gamit ang naturang laki ng espasyo. Ayon nga kay G. Henry Sy Sr., ang malaking espasyo ay pinasadya niyang mangyari talaga at itp’y hindi niya na pinalampas at tinuloy ang naturang plano. Sinabi rin ng naturang ginoo na maaari niya rin sanang ipinagawa ang MOA bilang isang mataas na Mall katulad ng iba, ngunit kanyang napagtanto na mawawalan ito ng karakter at simbolismo at tila, magiging katulad na lang rin ito ng mga nagsisisulputang Mall sa kasalukuyang panahon.

Ang Mall of Asia ay isang istraktura na tunay ngang nakaka-bighani ng mga tao at mamimili at bilang sukli ay patuloy ang kanilang pagpunta rito. Isa pang halimbawa ng isang tanyag na puntahan ng mga tao rito ay ang IMAX Theater na siyang mayroong “3d effect” sa tuwing ika’y manonood sa naturang sinehan. 560 na tao ang maaaring maka-okupa ng mga upuan ng naturang sinehan, at tila iisipin mong ika’y nasa ibang lugar sapagkat tila ibang Pilipinas ang inyong natutunghayan kapag kayo’y nasa IMAX Theater.

Dagdag pa ni G. Sy, na nais niya ang pinaka-maganda at ang pinaka-pakipakinabang para sa mga Pilipino, kaya naman kanyang ipinatayo ang MOA. Isa raw itong alas ng Pilipinas kung tayo’y nagigipit sa gitna ng mapanghusgang mundo ng ekonomiya.

Kaya naman, ikumpara natin ang China sa Pilipinas. Noon, ang China ay lubog na lubog, at tila nasa karimlang at estado ng pagiging kawatan, ngunit ngayon, halos sila na ang namumuno sa mundo ng ekonomiya at industriya. Ang Pilipinas, sa ating prinsipyo, ay mayroon pang pag-asa, pag-asa na siyang bubuhay sa natutulog na disiplina at responsibilidad ng mga Pilipino.

Hosted by www.Geocities.ws

1