d-t: 092405 ; 09.29pm [ next ] [ prev ]
falls alarm.. odd-yens.. annalee-sees
  ^naaliw lng ako sa pag iba ng mga spelling.. false alarm.. audience.. analysis. ahulul

ndi pa daw bukas ang finals ng PE namin, kya't umuwi ako kagabi. medyo mali ung desisyon ko na un kc nawalan ako ng pera sa pag-uwi, nahassel pa sa pila sa mrt (ang haabaaaa), tyka paguwi ko nagkasipon pko. tae. dapat di nko umuwi tlga eh, hindi pa sana ko sobrang badtrip ngyong wikend na to. kac naman eh, ung mga ayaw ko gawin pinipilit tlga sakin na gawin ko, tapos sympre maasar ako dun, tapos ako pa daw me kasalanan "wla ka respeto" amp! eh kung ako kya respetuhin muna

magsisimula magdeliver ng speech next wyk para sa comm3 class, public speaking. ang topic ko ay ang mga raket na gingwa ng mga companies para makakulekta ng extra na pera tyka imaximize ang kanilang kita. madami ko naresearch dito, astig nga eh. eto rin ang isang dahilan bakt kinailangang umuwi, para magawa ko to kac kulang na kulang ung gamit sa qc, nakakahilo pa magpc dun kac ang baba ng refresh rate nung old style monitor nagf-flicker sakit sa mata syet.

ibg sbihin nun ay namiss ko ang tugtog ng imago, sandwich, cambio, etc kagabi sa UP. ang pangit tlga ng end of da week.

tapos gus2 pa ng prof namin sa PE na sumali sa isang fun run un nalang ung finals. eh kung inorganize na nila ung 5k para sa lahat ng running classes edi ayus na sana lahat, wla ng hassel! eh ang tamad, hindi ginagawa ung trabaho, tuloy. ibig sbihin ng pagsali sa fun run ay kelangan magregister pa kmi isa-isa, bayad, kuha number. tapos ung takbo pa na un 5.30am, samantalang ang klase ay 7am. at sunday pa un, patay ang saturday night ko. tapos october 8 pa daw un! ang tagal pa, ang dami pang oras na pde isingit ung finals, dun pa tlga, eh un ung time na exams ng mga acads namin, mga oct8-11 so sinabay pa nila paimportante naman tong PE na to. tapos ung run na un sa quezon memorial circle pa, papasok pko UP at lalabas sa harap para lang makaattend. ang bano naman ng faculty

ilang linggo nalang ndi nko minor. nasa listahan ko ang sumusunod:
  > motor o kya auto
  > digicam
  > audio player
  > pc para sa dorm (kahit sapat lang pangtrabaho at dein nakakahilo)
  > UNO magazine subscription
  > bagong sapatos
  > collared shirt; long-sleeved polo
  > pang-porma (mga adidas shirts o caps o shoes)
  > electric fan para sa sarili (nakakahiya naman sa pc sa kwarto ko; inaagawan ko pa ng hangin)
  > sarili kong hard disk (nakakahiya naman sa hard disk ng pc sa kwarto ko; ang laki daw ng folder ko)
  > ground barako coffee beans, suka at toyo para sa dorm, electric stove para sa dorm, frying pan..
  > chocolates para sa dorm
  > mga bagay-bagay na astig

bat ganun ang tao kung may isang sitwasyon na kinalalagyan nya gus2 niya iba ung nangyayari sa knya, o kya naiisip nya ung mga bagay na dapat nya gawin, ung mga how to be a better person, o kya ung mga tamang gawi. tapos pagdating sa sitwasyon na un ang tlgang gingwa nya ung mga mali, ung iniisip nyang mga dapat nya itigil na gawain, or simply ayaw na nya sa sitwasyon na un. and he/she can't help it. kahit na cguro ayaw nya ung mga nangyayari at mga ginagawa niya, o kya later on ay magagalit sya sa sarili nya "ba't ako ganun?!" di parin niya mapigilan ung sarili nya at that moment. ibig sabihin ba nun ay we're bound to always want things to be different? ang miserable naman natin

nakita nyo na ba lumabas ang materialistic side ng ibang tao na todo todo, inuuna nila ang ilang mga bagay kesa sa mga tao. madalas din ito mangyari, at paminsan miski tayo minsan nagiging ganito. pero talaga isa to sa pinakamalalang bagay na pde mo magawa, inuna mo pa ung isang bagay sa kapakanan ng isang tao. kunyari, pinagpalit mo ung buhay ng daan-daang mga inosenteng tao, kasama dun mga babae at mga bata, para lang sa pera, or more accurately, sa langis hehehe. o kya naman comfort ng isang tao ang pinagpalit, sbihin mo "sumakay ka nalang!" imbis na ipadala mo ung sasakyan kac accdg to u "umuulan, baka tumirik pa" eh wla naman plang baha. o kya ang init init sa kwarto dahil wlang bintana sabay ung kaisa-isang fan ay tinapat mo pa sa computer tae yan. paminsan ang mga tao tlga ang labo eh. ndi naman matutuwa sayo ung bagay na un dahil inuna mo sya eh, tapos nasaktan mo pa ung mga ilang tao na (hopefully) may halaga sayo. umayos ka!

Mga pagbabati: nicco, royce, josh, warren, kajo, ryan, dale, rd, jax, moja, scott, august, edgar, diego, camil, ceej, sandra, icy, bogs, mark, harold, jin, utol, joyce, yama, wazer, onie, nancy, others
Sounds The Cure - Friday I'm in Love
       
d-t: 091805 ; 07.04pm [ next ] [ prev ]
ayus na
  finally, after a long wait, nagkaroon ng upgrade sa aking pc. ibabalik ko na lahat ng files ko sa pc na to pag-uwi ko next tym, at sa sembreak naman ay may oras na ako para gumwa ng mga bagong bagay para sa site ko (kac di kaya ng previous configuration ang adobe photoshop, ngyon pde na uli). n'tagal ko rin ndi makapagtrabaho dito sa site na to, tyka busy rin ako sa aking acads, kya welcome ang aking break next month (limang linggo ito).

pansin ko lang, ngyon ay tumama sa mga smart users.. 0918 ngyon ehh. panahon ng selpon (kung naalala nyo pa ay last yr ko binigyan halaga ung panahon ng selpon every september, simula sa 15 hanggang sa 22.. at meron uli ng 27 at 28. hehehe. it also means na isang taon na ako nagboblog, at dahil ang site ko ay nabisita mostly kapag may finals tyo sa zobel, ok narin na after isang taon ay buhay parin ang aking site at binibisita pa ng ilan. ayus.

the years go by so fast, parang gus2 mo i-standstill muna ung panahon, pero di tlga pde, alam mo na lilipas ang kahit ano. kya kung may problema ka, isipin mo nalang na malulutas din yan in good time. at kung may magandang pangyayari, mas lalo nang dapat ito lasapin.

choices ay may malaking effect sa ating lahat. kac obviously pag may choice ka ibig sabihin may bagay na gagawin mo, at ung iba ay ndi mo na magagawa. kya minsan naiisip natin na may ibang mga realities which exist, those realities ay equally possible lang or totally impossible, depending on how you view your ability to choose. "pano kya ang buhay kung ganto ang ginwa ko, imbis na un?"

pumunta ko party ni treeya kagabe, ayus, nagkitakita nanaman ang mga 05, pero parang sama ng timpla ng pakiramdam ko kagabi. astig, pero bitin. masaya, pero may kelangan isipin. owell, maligayang kaarawan kay treeya, at astig tlga cya, diba?

ilang panahon nalang, balik nanaman sa qc, isa nanamang linggo ng paglalako. hindi nga ko uuwi next weekend ehh, may mga gagawin ako sa weekend. finals pa sa PE, isang 5k na takbo na ewan ko ba kung kakayanin ng 28mins (medyo rusty na sa track performance)..

sana maganda ang kalalabasan ng uaap season para sa dlsu. un lang.

Mga pagbabati: dino, utol, mga tao kagabi, eLeS, 1o8, galing galing. ung song of the moment? aba, sa bulong: habi ng dila yan ah! sumi-sinyor ep ehh
Sounds Head Automatica - Brooklyn is Burning
       
d-t: 091105 ; 03.27pm [ next ] [ prev ]
spesyal mensyon
  wow, 3000 hits. parang ilang buwan din ung libong un ahh. haha. sa totoo ay nakakaasar tlga ndi makapagblog lagi, ung tipong wkends lang?! kelangan ko ng net sa aming lugar. pero stig, may spesyal mention naman ako nung thursday.

napansin nyo ba kulang ang pagmamahal ng pilipino sa kanilang bansa? un lang tlga ung dahilan bkt ang mga pulitiko natin ay corrupt. un din ang dahilan bakt dumudura ka nlg sa tabi tabi, at nagkakalat ng iyong upos na yosi dyan dyan lang. un din dahilan bkt ang mga pinapaupo ng mga tao sa posisyon ay mga sikat sa halip na mga edukado. tapos pagatapos magsalita ng mga tao tungkol sa gan'to, wla, tuloy lng sa inom, nakalimutan na ung fact na to.

mayron palang such thing as "first-class" na motel. kala ko ang mga motel ay "makeshift hotel", ehh kung meron mga economy class na hotel dapat mas mataas pa level nun kesa sa pinakamagarbong motel, diba? pero ndi pala ganun un..

ba't pag may inaantay ka ndi tlga dadating ito sa kasalukuyan (malamang kya ka nga nagaantay parin ehh), tapos pagdating ng such time na ok na, when it doesn't matter anymore kung ano maging result ng inaantay mo, tyka lang dadating ung sagot na gus2 mo dati. ganun tlga no? sana nuon pa dumating ung sagot na un, kung kelan it mattered to you the most. kya ngayon, di mo tuloy lam kung ang gagawin mo ay maasar dahil ndi mo na ma-feel ung ligaya na dapat maf-feel mo kung dati pa ganto ung sitwasyon, o kya pilitin mo nalang sarili mo matuwa na naintay mo hanggang dulo.

"fighting away the demons, but u invite them into our home"

ba't paminsan ung tulog ko parang ang babaw, parang aware ako na natutulog ako, ung sobrang weird, pag nagkamalay ka bigla feeling mo may malay ka the whole time, at hindi ka pa tlga natutulog, pero sinsabi ng katawan mo na well-rested ka, parang gising na gising ka bigla. ba't ganun, ung tipong tulog na ganun mas effective pa kesa sa mga sobrang hihimbing na tulog na paggising mo ang sakit naman ng katawan mo. labo, parang nag-dip ka sa kabilang mundo, tapos naiwan ung katawan mo para makapahinga ng todo, kac feeling ko ung mga thoughts and dreams lang natin ang nagc-cause ng stress sa sarili natin.

ang kulit pala ng adidas_1 na sapatos. may computer. egh?? sapatos lang yan ehh!

gus2 ko uli magsulat. pero ok sana tlga kung makagawa muna ko ng tono para mas madali isukat ang mga words ehh. sabagay, lapit na ang aking sembreak na isang buwan, (pero ang ibig sabihin lng nun ay mas malapit na magfinals. yih)

nanalo kim clijsters sa us open 2005, belgian, sobrang galing ng season nya sa hardcourt netong taon na ito ah. nakakapagtaka, tagal na rin to naglalaro, pero parang nagp-peak palang kac first grandslam nya ang napanalunan nya netong us open. on a side note, tinalo din nya si sharapova sa semis.

Mga pagbabati: dino, dale, moja, jax, nicco, janina, faline, migs, dana, jo, bianca, iya, camille, harold, onie, josh, ferdz, royce, alvin, warren, kajo, basket-boys, up people, gaille, ryan, joyce, melon, arlene;)
Sounds Artist - Song Title
       
d-t: 090405 ; 05.01pm [ next ] [ prev ]
tulog muna ko
  gisingin nyo ko sa sept. 30, mga 11.59pm. nge baduy. (di nyo gets?? para wake me up when september ends) hehehe ah ulul.

grabe, miss ko na magjam. gus2 ko tumugtog, kac magf-5months nko di nkakahawak ng drumstix, at pumapalo sabay sa mga gitara at bayo at boses ng mga kabanda. miss ko na rin, kaso sa UP tlgang aral kelangan, bumagsak nga ako sa math ehh! by 0.5 pt or 1%... tae. badtrip un, pero ayus lang, kaya kaya pa naman. pero un ung una kong bagsak sa kolehiyo.. ang aga.

ang eastwood pala ay magandang lugar kapag gabi (sori, di ako sosyal na tao, last wk ko lang nakita ang lugar na un), maayus, malinis. ganun na rin ang trend sa mga mall ngyon eh: may roads din syempre pero malaki ang pedestrian spaces, pde ka maglakad nalang, mahangin naman ung lugar tyka maganda tlga ung paligid, ung scenery. malinis din. nagsimula ung ganyan sa the fort, malalaking complex, tapos ung inayos na greenbelt ganyan din. astig nga ehh, parang nasa the sims (ung hot date yata), pde mo design tlga ung commercial center para sa mga ganyan ganyan, steady.

in about a month, birthday ko na. ayus. sana magkapera uli! tyka sana may magbigay sakn ng mga bagay na kelangan ko! tapos syempre ung mga gus2 ko rin. let's face it, receiving gifts is a really nice thing that will happen to all of us. kahit ganong kasimple, when someone gives you something parang ndi mo nakikita ung mismong bagay. mat-touch ka na naisip ka nung taong nagbigay at nagbuhos sya ng oras para sayo. totoo un. tas after nun pupunahin mo na ung mismong gift hehehehe! sana naman may magbigay sakn ng subscription ng UNO magazine!

speaking of magasin, ung debut ni dana delacruz kagabe, may libreng mga magasin. libre FHM (ung isyu ng maraming showgirls, libre cosmo (bianca araneta), libre seventeen (camil cruz issue hehehe), tyka mga iba pa di ko maalala. bawa't isang tao may magazine astig ah! tapos sarap ng pagkain, tyka may open bar. pag ganun napapagsamantalahan mo ung mamahaling mga cocktail drinx na halu-halo ng mga kung anong sangkap tapos pagsip mo kakaiba lasa ("egh? mas masarap pa tubig eh") tapos kelangan sbihin mo either "masarap/excellent" o kya "matapang/could use a little more gin" para kunyare astig ka hehehe at alam mo ang iyong drinx. hmmm. pero pag sumobra patay ka, un ung ngyare sa isa kong kaibigan ehh, napasuka pa nga. hahayyy. pero saya ng debut ni dana, not ur usual tambay gimik, ma-class tlga.

nung wed ay nagpunta ko taft dahil course cards day nila at wla naman ako pasok nung wednesday kya since wla ko magawa nakitambay nlg ako ksama ang ilang mga kaibigan ko dun. lagi saya sa taft pag pumunta ko naiiba ang mga pangyayari lagi. pero napapalakas ung ilang gawi, napapalakas ang gastos, at ung masama dun ay may consent ng sarili ko, kontrolado ko ung mga pangyayaring yon. so kasalanan ko. hahaha. pero enjoy tlga neks tym uli.

sa UP pag bumagsak ka ng test kahit halos pasado ka (see first paragraph) ay nakakahiya.

nakapasok nko sa skul ng wlang tulog since the other night (bale tulog ko wed night tapos fri night na ang sunod) ehh maiksi pa naman tulog ko lagi, bitin lagi(normal na un) tapos nag PE pa ako nung morning na ndi pko natutulog. ayus lang pala, mas malala naman ung sumobra sa tulog at napilitan na pumasok ng wlang ligo (di pa nangyayari). much better na insomniac kesa bato (takaw sa tulog). kaso lng minsan sama tlga kakadrain lalo na kung may PE. yko na mag pe.

eto para kay jc: kah-BOOM! (naalog pa ung paligid). hahaha, umayos na pare.

Mga pagbabati: mga zobel sa qc, lagi nakakasama. special mention camille nicco jo dana jax. si christian ayus sa states tagumpay dyan ahh! mga nakita sa taf ang ate ko si onie at ang daboys tyka kada ng ate ko. tapos mga eLeS si aries jan rd ryan moja. jc congrats sa dl, sori lack of enth. kada ko dati mga tao kagabi. note: ang dameng mga cheeks sa ponticelo kagabe, solid. mga di namin kilala, ung mga tagadun naman na nagclub lang. dame! hahayyy. busog ehh. anyway, bati rin sa mga tga dlsu na iba, nice one sa inyo, aral pa! hehehe. ayus ingat.
Sounds Acoustic Alchemy - Playing for Time

Hosted by www.Geocities.ws

1