d-t: 102205 ; 12.46am [ next ] [ prev ]
we repiar
  ayan, ayus, we repiar. hahayyyy.
barok! photo taken from highfibre

hehehe, laftrip dito ung "40 meter's away!" parang.. ah ulul? hehehe. ah ulul tlga.

ba't ganun. ung mga pinoy pinanindigan pa na nanggaya lang sila. narinig nyo na naman cguro ung tungkol sa kanta ng orange and lemons para sa pinoy big brotha, niripoff ang melody mula sa isang kantang maka-80s. ayun. sympre pinagmalaki pa tlga ehh. hahayy. may more news ako na link kaso nung tinest ko di gumagana ehh. badtrep. research nyo nalang

peesh tandaan nyo pa to?? astig to! ung fishing game, hahahaha, kulit tlga neto. naaliw ako kac nakakita kmi ni camille ng ganto sa may cubao, kinabukasan bumili ako. tapos day after nun, bumili uli ako. astig kse ehh, hahaha! ang saya pla neto pag matanda ka na. astig tlga, tas kelangan wlang dayaan. no, phoebe? hahaha! ginoogel ko lang to kya ndi to saktong ung mahahanap mo sa anson's aurora blvd.

anyway, sayang lang ang aking linggo. at ang aking sembreak na rin. san na ung makalumang sarili ko, na di tinatablan? cguro better na rin na ganto ngayon. pero nakakaasar lang talaga na wikend na nga lang ako umuuwi sa bahay pag pasukan, tapos naaasar pko when i do get here. ang problema kac, kala ko magiiba na ung mga sitwasyon, eh kaso ganun parin. and it's been that way for quite a long time. i digress.

nasa qc ako nung tues-thurs. sobrang uneventful. nalungkot pko nung wednesday night. pero astig ung araw, un nga lang, sobrang hassel pagdating ng gabi. tyka sayang tlga tong wyk na to! pero astig din.. ganun tlga ehh, isang magandang pangyayari, kapalit nya ay mabuburat ka lang the rest of the time. worth it naman eh;)

dalwang araw ako magkasunod nasa dlsu. astig din. laftrip tlga lagi pag andun. tyka stig tlga mga katambay ko. dami ko rin nakita nun thurs kahit sobrang aga ko nandun tapos umalis din agad. feeling ko nga nababakya nko sa um, eh ndi naman ako taga-dun. hehe!

Mga pagbabati: carla kachat ko ngaun, ate ko tyka onie (3 plus 3/4), lor, dino, ryan, diego isuza, rico, rd, jan, la, aries, moja, da girls (joyce, mel, lor, phoebe, maryka, lea), yama at wazer, april (salamat dun sa pagtambay hahaha!), nicco, alvin, ung mga kabatch ko sa zobel na nkita nung wed, ana, mio, carlos tyka javy, specially arlene, ung mga kaklase ko sa math last sem
Sounds Dicta License - Over the Edge
       
d-t: 101605 ; 10.10pm [ next ] [ prev ]
pantay-pantay nga ba??
  i'd like to term people as "dynamic" individuals, tyka pde narin ung "magulo". kac ganun talaga tayong mga imperpektong tao. ndi naman matatanggal ang differences ng tao, kac bawa't isa unique nga ehh. and at the same time we're all the same, lahat tyo 23 pairs of chromosomes, lahat tyo humihinga ng parehong hangin, pula ung dugo, mabaho ung utot, etc. so ibig sabhin ba nun ay lahat tyo pantay pantay?? lahat nga ba ay "equals"? bakit sa tingin ng mga ibang tao ay hindi.
un actually ung malala dun ehh, kse ako i believe we should all be the same, equal, pantay-pantay. pero ang pagkakaiba natin ay ung tingin natin sa iba, at ung tingin ng iba sa atin. bakt sa iba ay mali ito, at sa iba ay tama? bakit sa iba ay dakila sya, pero sa iba ay kaaway? bakit sa iba ay mahirap sila, pero sa iba ay matapobre pla? these are things which we perceive, and based on our own experiences, make our own judgements. kac dyan tumatakbo ang pulitika, ang utang na loob, at ang tiwala: sa mga panghuhusga at pagsusukat na ginagawa natin sa kapwa natin. isa nang halimbawa ung gupit ng buhok mo. "mukha kang drug adik!".. adik ako sa musika, at sa photoshop, comics, mga bagay na ganun. tapos ang mga nagsabi pa nyan ay ung tlgang may kilala na sakin, ndi barkada kundi ang pamilya. labo. tas pag tinignan ang college pictures nila, mahaba rin naman pla buhok.
kawawa naman ung mga taong nahuhusgahan ng masama. ung tipong, kung sa ibang tao nangyari un ay kawawa naman at dapat tulungan, sa kanya ay tama lang at nararapat lang sa kanya ung nangyari na un. o kya kung may ginawang mali ung ibang tao ay madaling tinanggap pero nung sya ung nakagawa ay tinaboy na at pinuntirya para duon. bakit kelangan may ganun pa? ba't ung mga ibang tao ndi nalang pde magkaroon ng isang stand tungkol sa isang isyu o situation and not base their reactions on the person him/herself? bakt pag may nabuntis ay is-shun ng society at kahihiyan sa pamilya. ba't may ibang pamilya na sumusuporta, at may ibang pamilya na nagmamatigas at dinidisown na un? and note kahit sa loob ng same society pa nangyayari (i mean maiintindihan naman kung ibang bansa o culture pero ba't sa same upbringing ay may diversity pa?) pero un nga daw ang maganda sa mga tao. lahat may 23 pairs ng chromosomes, pero ung components nun ay may about 64billion (pa-verify? ortuoste??? sa totoo..) unique possibilities ayon sa genome proj. what happens kung naexhaust ung possibilities? pano kung nadoble na ung exact genetic code. wla lang, malabo naman un mgyare
pero hayyup din, ndi natin mapigilan manghusga ng tao ayon sa itsura nila, sa mga kaibigan nila, history at ugali. it holds alot of truth pero it doesn't necessarily define their moral standards. malay mo matino naman pla ung isang tao pero just because ung pamilya ay mafia o kya jueteng lord ay ang sama na ng sukat nila. kya un, misjudgement.. masakit un na bagay, kaht di mapigilan, un ung reality natin. it's more a matter of how much you understand everything (kung paano tumatakbo ang buhay).

very vague ung digression ko kac nakakailang magbigay ng concrete na halimbawa, basta't napag-isip ko un, kac naisip ko rin kung may nagawa ung iba mapapatawad ehh, pero kung ako ung gumwa nun parang hindi yata mangyayari un ehh. at tyka may mga bagay na "i get away with", un na nga tlga ung differences.

weee, new theme! naadik ako sa photoshop kac namiss ko tlga ehh. "morbid" ang unang reaction na nakuha ko dito(galing sa utol ko), ganumba?? di naman ahh. wla kyang explicit na mga bagay. memorial nga ehh. gumagawa din new chicpic, upload by tom hopefully. nako, parang bumagal ung time ko ahh. ambagal ko pla makagawa ng simpleng theme na gan2. ayus lang! di naman racing to..

fernando alonso.renault congratulations to champion fernando alonso and renault for a tremendous f1 season dis yr. galing din nila kimi raikkonen, jp montoya at jenson button, and the others.

Mga pagbabati: carla (kagabi pa dapat to eh), ry (ano nangyare?), arlene (bc bc hahaha), joyce (preview na ndi alam para san gagamitin), melon (galing naman ng "solo pic"), ung mga nakasama nung fri (sa rp tyka makukulit tungkol sa sinangag), markgo (mamatay na ung crs pc tae!), mm (classmate), mga taga 305 (san ba ung lugar na un talaga?), mga nakasabay sa bus nung friday (dale jan rd ij scott moja), specially utol ko stig
Sounds U2 - Sunday Bloody Sunday
       
d-t: 101205 ; 10.39pm [ next ] [ prev ]
changes, dyis-otso, first sem over
  sa ngayon ay maraming pagbabago na naranasan, marami ring kwento, marami ring pwede ng gawin ngaun, parang nabunutan ng tinik sa lalamunan, sabay napansin na marami pala ung tinik na un na natanggal sabay sabay ahulul. pero stig nga tlga, dami parin kelangan gawin at gampanan, pero sus lahat naman ng tao eh. eto muna mga kwento:
nagkaroon ng bagong mouse ang aking humble na pc sa aking kwarto. wireless optical mouse by a4tech. ang astig dito ay wlang battery ung mouse mismo, ndi sya gumagamit ng infrared, kya sobrang gaang nung mismong mouse. at kumukuha sya ng power sa special mouse pad na nakakabit sa usb.
ngyon nawala daw ung point ng pagiging wireless kac nakakabit parin ung mousepad, tyka dun ka lang pde gumamit nung mouse, ewan, ang labo nga ehh, pero stig rin cya kase ganda rin ng movement. napalitan na rin ang keyboard at monitor. so halos lahat tlga bago.

cympre nagpasalamat ako sa dad ko para d2 kac pde ko na ayusin ung nilalangaw ko na site at gumawa nanaman ng kalokohan sa adobe photoshop, at mga iba ibang program na tin-tryout ko. sakto pa kac kakasimula lang ng bakasyon sa up at ateneo (sembreak namin).

at medyo pumangit din ang birthday celebrations ko dahil exam wyk namin nung tym na un. pero ok lang, 18th birthday?? it's just a normal day. salamat nga pla sa mga bumati! tyka astig din kac bukas ko palang makukuha cake ko, parang ang haba ng birthday ko, since nung time na un pa. badtrip nga lang, ok lang ung mismong birthday kaso un ung araw na nagchampion feu ehh. pero astig naman, di nmn dapat makakaapekto ang basketbol sa daloy ng araw natin dba?
photo from greenarcher.net
speaking of basketbol, ayun, yare ang lasalle. dami nadistress na lasalyano ahh. pero isipin nyo rin, basketball lang ba ang dahilan na proud ka maging lasalyano? kung oo, eh medyo malabo yatang dahilan un. ang importante ay andyan ung facts tyka kung titignan mo tlga ung binalita ng mga tao, eh tama lang tlga na ginawa ng lasalle un. pero dami parin speculation, ganyan tlga d2 sa mundo natin hehehehe.

ung math test namin sobrang hirap. as in. sabi nga nung isang prof "pang take-home itong mga tanong dito ahh!" kac sobrang argh tlga, di mo magagawa in an exam environment, kelangan mapagisipan mo ng matagal tagal ung sagot. ung iba nga nasagot nung mga kaklase ko nung gabi na, ako ndi ko na matandaan ung mga tanung ehh hehehe tyka tamad ako. pero olats, nakakakaba baka sobrang sabit lang ng grades namin. as in hirap tlga. kahit nag-aral hanggang madaling araw ay ndi namin na-foresee na ganun ung mga tanung kya wla rin yun magagawa. egh, c'est la vie.

pero sembreak na! whooo! dami ko na magagawa tulad nga ng mga sinabi ko kanina. new theme coming up, at masasabi na ngaun, tama ang timing nun, pero ndi cya ung inaasahan ng mga ibang tao. tyka new chicpic in the works, magaaral narin ako magflash. sigh. dami ko pla gus2 gawin dpat nag computer application nalang ako.

kac badtrip ndi ako umabot sa first enlistment processing, kya eto, ung mga classes na may magagandang timeslots ay puno na. hayy, shyet talaga. ayoko naman magdusa ng isang buong sem para lang sa kagagawan ng computerized registration dep. ng up. hayayy. ambagal kac nila mag-activate ng mga accounts ng mga freshmen, nung umayos ay isang araw nalang natitira bago magstart magprocess ng reg, eh un ndi nko nakapagnet. tae!

friday ay balik qc para sa ilang mga classcards at patambay tambay lang. ayus.

Mga pagbabati: math "study group" (sa totoo ay lakwatsa group) ung mga babaeng zobel-up na kasama ko nun, mga kaklase kong stig last sem, mga kablock na nakilala ko, mga taga-leyson, mga kabarkada ng utol ko, at cympre eLeS pati 1o8. mga bumati sakn! mga housemates sa sunrise. most specially pamilya ko.
Sounds The Rippingtons - Northern Lights
       
d-t: 100405 ; 09.28pm [ next ] [ prev ]
da final.. finals week
  ayun tapus na ang september. ibig sabihin karapat-dapat lang na ndi narin uso ang kanta ng greenday. kse, gasgas tlga eh. sabagay, cliche naman na ganyan ang nangyayari sa song. (kya nga tinawag na cliche, they work, that's why they happen alot ahulul)

ngyon ay finals week na namin sa diliman. mga iba napansin siguro na ndi nko nakauwi sa pque ngyong weekend, in effect ndi nakadalaw sa rgm paparty ni moja, mga iba napansin ang absence ko duon. pero ok lang din, naka-26mins ako sa finals ko sa PE, 5k un. partida rin kc ndi ako makatulog sabado ng gabi, kya ok na cguro ung tym na un.

ang dami kong libreng oras dis wyk, kac simula ng finals ay sa friday pa, english un. sabado math, at monday history. kelangan ko rin imanage ang oras kac for sure ndi ako makakapagaral kung and2 lang ako sa bf, kya't balak kong bumalik sa loyola heights bukas, wednesday.

at come thursday, ndi na ako minor (pronounced tagalog.. minor). parang pag nakakita ka ng tao at nagdyis-otso na, ssbihin mo "ano pakiramdam ng pagiging legal?" o kya (kung barok) "how's da feel of being 18?" (hahaha, nakasulat pa sa liham). pero sa totoo, kahit kelan mo tanungin yang tanung na yan ("kamusta pagiging 50?" "how's da feel of being 32?!") ay ndi naman tlga nagiiba ung pakiramdam pag nag-birthday ehh. diba? parang sarap sagutin "........edi ganun parin!" kse di naman spesyal diba. pero astig din, di nko minor? may responsibilidad nko at pde nang mahold liable sa mga problema ng mundo..

balita ko ayus tlga ung painum ni moja sa rgm ah. naasar pa nga ko nung tapos na un ehh. pero ok lang, mas maganda lng sana tlga kung nakapunta ko kaht papano (actually sabado ng gabi ay nasa makati ako ehh. pero di-hamak na mas madaling makarating sa qc mula makati kesa sa mula para�aque no! may EDSA kac dun ehh, sa south wla). pero may mga kwento rin na astig tlga ung mga pangyayari. ang alam ko lang banduria un eh

"sometimes a view from sinless eyes centers our perspective and pacifies our cries.. sometimes the anguish we survive and the mysteries we nurture are the fabrics of our lives"

ang dami tlga nagb-birthday end of sept anggang start of october.. eto ung panahon na daming naglitawan ahh, atleast as far as ung mga kakilala ko ay concerned. dami tlga.

sometimes we come across an instructor o professor, na ang galing tlga, as in nagampanan nya tlga ung trabaho nya (alam naman nya na anggang dyan nalang tlga sya, tagapass-on ng kaalaman), tapos parang after nun wla lang, di naman tyo nagpapasalamat kac okupado tyo ng mga higher subjects natin. pero ung huling long exam sa math, parang naramdaman ko na gus2 ko tlga maka-perfect kahit papano, kc gawa un nung prof namin ehh (ung last exam nya para samin, kac ung finals di naman cya ung gumawa eh). naturo nya tlga lahat, tas sobrang ayus matuto ng math sa klase namin, in the words ng isa ko ngang kaklase "it's what he deserves" (referring to the perfect skor, un ung deserve nung guro mula samin), kya galing tlga. wla, napaisip ako dahil pinasa sakin ung pilosopiya na un tapos pati ako tuloy naapektohan.

so un, yan na muna, iba pang balita? ung speech ko sabug lumabas. umulan pa nung ako na nagdedeliver eh ang hina pa naman ng boses ko tapos todo todo pa ung buhos, hayyay. at dahil sembreak na, at malakas na ang pc ko, may bagong themes na parating (kasama na rin ang mga bagong chikkpic!), kac antagal ko na to di nagalaw. puro nalang barya. ayus!

Mga pagbabati: mga nakasama last wyk, specially nung sabado ng gabi, isa muling happy bday kela moja, erpat ko, ako (haha, mali pla ung nakalagay sa friendster ko october1.. dami nga bumati ehh hahaha halatang di alam kaarawan ko!), si phoebe at un mga iba pa. bati rin sa mga bagong kebigan at nakilala (nung sabado, linggo, at lunes). yung matulungin na conductor sa isang aircon bus na bumi-biyahe ng edsa at dumadaan sa cubao at bumibiyahe pa ng ala-una ng madaling araw sa linggo. eLeS, sensya na, yoko umulit ng PE (alasyete ng umaga pasok?! ulul!) at mga astig na kausap tulad ni ger. hahaha!
Sounds Dream Theatre - Burning My Soul

Hosted by www.Geocities.ws

1