d-t: 082805 ; 04.27pm [ next ] [ prev ]
yih
  first of all pagkagising ko kanina ay nakita ko sa dyaryo na wlang pasok bukas, so ayus un, pero medyo hassel ng konti, pinlano ko pa naman na nasa qc nko mmyang gabi. pero ok lang, cguro mam-move din ang mga exams na meron dis wk.

kahapon ay nagpunta sa town para tumambay. towncheer din ay kahapon ginwa. daming nakitang kilala at kakilala, pero ndi yata nanalo ang zobel kahapon. at pinalipas ang oras (magaling ang eLeS dyan) at pagdating ng mga 6pm ay pumuntang tower para panoorin ung mishka adams in-store performance. galing nung banda nya, jazz kasi ehh. galing din kumanta, chikk din. nagpasign ung mga iba sa kanya at nagpapic. tapos nun ay tambay tapus nagpuntang bahay nila ryan. mishka adams.click for full size

i do admire jazz musicians. parang pag sinabi mo sakin na tumutugtog ka ng jazz, angat na agad un. ang mga nagj-jazz, merong certain air sa kanila, unang una, nag-aral tlga ang mga ito ng musical theory pati ang notations alam nila, so bigyan mo silang piyesa kakayanin nila yan. tas pero for them it doesn't stop with knowing how to read and write music. after nila matutunan lahat ng theoretical at mga structured music, sisirain naman nila ang mga ideya at principles na ito, they stop following the rules and just plunge into whatever it is they're playing or singing. yun, ung napanood ko kagabi ay may mga sangkap na to, nagbabasa sila ng nota, pero most of the time it's just playing by feel, ndi nila minememorya, kase kusa nalang lalabas sa kanila ung mga melody na ginagawa nila. at un ung someday gus2 ko magawa rin.

"dein, nsa qc ehh" ; "ahh, edi nagaano ka dun??" ; "nde!" (after two seconds) "..oo"

enjoy din pala makinig sa math class. lalo na pag pinapakita ng prof pano naging ganun ung formula ng isang bagay, tulad ng sum of numbers in an arithmetic sequence mga ganung klaseng mga bagay. parang nung highschool kac tanggap lng ng tanggap ng formula pero ndi na tinatanong bakit ganun. astig din pla kac ang simple lang nung pagkuha ng formula. pero siguro nag actuarial sci ang prof namin, sira ulo un ehh kung anu-anong ginagawa sa mga equations.

hmm.. kung titignan natin ang math natin nung highschool, ang dali pala nito. cguro panahon na para baguhin ng zobel ung sistema ng pagturo nila ng math sa mga students. patay patay tlga karamihan pagdating ng kolehiyo ehh. sana ayusin nila lahat, para maging recognized naman ang zobel para sa academic excellence (ganun pla tlga ang tingin ng lipunan sa mga lasalyano.. mayaman lang) at ndi sa mga useless things tulad ng porma at kagaguhan na nangyayari sa loob. ndi naman sa pinipintasan ko ung sistema ng zobel, ganun lang tlga siguro pag nag-graduate ka, tinitignan mo ung nakaraan tapos matatanong mo "ba't nga ba ganun??" tyka im sure naman gingwa tlga ng admin kung ano pde.

"basta ang gawin mo lang i-drop mo na ung subjects mo kung babagsak ka para macancel! ... ay! onga pla highskul ka palang chong, wlang drop drop sa inyo no?" <--haha! ang yabang!
isa pa: "balita ko sinisita sa inyo un mga nagc-cut ng class ah!"

Mga pagbabati: tinatamad akong bumati, mga eLeS nalang kagabi, ung bago. mlapit na naman mag 2nd friday of the month. asteeg.
Sounds Eraserheads - Toyang
       
d-t: 082105 ; 07.21pm [ next ] [ prev ]
rockestra
  maganda ang mga nangyari netong linggo na ito. lam mo ung paminsan wla ngyareng tama, parang dis wk medyo kabaligtaran. ang napokusan ay mga good events, at marami-rami rin ang mga sablay pero ndi ko ito napansin. nung nirerebyu ko ang linggo ko tyka ko lang naalala ung mga iba. pero parang sakto tlga sa tyempo halos lahat. life has a way of doing it to people. kala mo kung kelan lalabo yung plano mo dapat, habang nangyayari na yung bagay na ginagawa mo lahat ay nagf-fall into place.

ung feeling na ndi na importante ung nangyayari sa paligid mo. ung feeling na kahit ano mangyari ayus lang yan. ung feeling dati na kulang ang ginagawa mo, ung kakapusin ka sa pagkakataon na yun, wla na ngyon. at mas lalo na ung feeling na "ayus na" ang mga bagay kahit na wla naman nagbago since nuon, nung "ndi pa ayos" ang mga bagay. ano kya un, ung paa ko ay ndi nakasayad sa lupa?? ang lam ko lang may trabaho pa ko na ndi nagagawa at ndi ko ito ginagawa sa ngayun, heh, tamad.

nung tuesday ay nakasakay ako sa jip, tapos may sumabit, eh sinabi ng mmda na bawal ang sabit kundi huhulihin ung taong sumabit pati ung jip na nagpasabit. so un, nung may sumabit, galit ung drayber, sbi nya "bawal sabit!".. sabi naman nung sumabit "dyan lang ako sa may miriam" (di nya narinig ung sbi nun driver kase anglayo nya at ang ingay ng jip) pagtingin nung drayber taga-mmda ung sumabit. (nasa harap ako nakaupo) sbi nung drayber "mmda pala un, pambihira tlga".

nung wednesday ay nagkaroon ng picnic ang buong ie department, ndi ako nakilabo sa mga kablock kong malabo (as always), pero may nakilalang additional na mga tao. weh, kelangan ng mga kaibigan, at bgla ko rin pinapagisipan kung maga-apply nko sa isang org. anubayan, reho lang ang ugali sa dati, sasali bgla sa org dahil sa mga mababaw na dahilan tulad ng isang babae, o kya ng pera. ganun tlga ung mundo tyka minsan kelangan mo rin mag-play along. sasali tlga ko sa musikero org, pero ung isa ewan

ung isa kong ka-close, sbi nya sakin ilang months ago na miske na may blog ako, sobrang private parin na tao. parang wlang nabubunyag na personalities dito sa loob ng blog. binasa ko mga blog ko nuon, ewan, sa tingin ko pareho lang, di naman nagbabago ung blogging style ko at ung mga trips kong lagay sa entries ko. pero iguess medyo ganun na nga, kung pano ko sa harap-harapan ay ganun parin, di nga nagbabago. ewan

friday night aug19 ay rockestra. maganda yung nangyari. pagdating namin sa folk arts pinaikot ikot kmi sa lahat ng gate/entrance bago namin nahanap ung entrance ng yellow tickets (tix namin). at hiniwalay pa ng isang nagmamarunong na usher ung tix (dalawa magkadugtong pa for 2wks na un) at medyo naasar pa kmi. pagpasok namin sakto lang dahil nagnational anthem na. at dinala kmi sa seats namin, at ako'y nasurprise ng makita ko sa front row ng cello section ang isang taong nagngangalang gian gonzales, ung kabarkada ko sa zobel. lupit tae, alam kong nag st. scho sya at scholar siya sa conservatory of music, pero ndi ko alam na kinareer pla nya ng todo at full-fledged member na sya ng manila symphony orchestra.. hmmm, ibig sabhin pla ay member na cya ng manila junior orch nung high skul. lupit ah. later on, after nung concert nalaman namin na si la arquero din pla ay andun na sa mso, di lang namin nakita kc naka-hat. pero astig ng rockestra. pinakanasulit ko ay ang tugtog ng sandwich, pero as always maganda ang tugtog ng imago (akap eh) tyka ng sugarfree. galing galing. at after ng concert ay naghunting nung mga band members, nakapagpapirma lang sa dalwang myembro ng sandwich, at dalwa ng imago sayang. next tym nlg ayus. pero hanga tlga ko ke gian lupit

ung english teacher namin, matanda na, graduate na mga anak nun, o kya kolehyo na rin, pero parang lagi parin in-lab ung guro na un, makulit. ang mga paksa nya lagi sa assigned readings puro tungkol sa "passion", "attraction", mga ganun. tapos mga sample sentences (kunyari nagtuturo ng subj-verb agreement) ay mga puro in-lab din lagi. pero ayus lang, cguro teaching technique un kase ung mga kklase ko lagi lagi rin lang naman kinikilig. (average age nila ay 16 a�os, may kaklase pa nga ko na wla pang kinse eh!), parang interact with the students using what's important to them. pero minsan din parang sobra na eh.

paminsan.. sobrang lamig ng panahon na ang hirap maligo solido, as in mangangatog ka. paminsan naman ay gabi na pero patay ang hangin, wla ko maisip kundi tumalon sa isang swimming pool. n'labo hayy. sa totoo ay ang normal na weather para sa pilipinas, dapat maulan dito lagi ehh. (natutunan ko sa geology1, pero sobrang technical tulad ng permanent low pressure area, trade winds, etc ah ulul). eh, bakt ang init ngyon??!

nakabawi ako sa math midterms. as usual, nung kinwento ko sa erpat ko "2.25? mababa un!" amp! heh. ang nakakataka pa dito ay ndi naman nag math17 ung erpat ko nung kolehyo sya.

huwaaw. number 5 na sa wta (women's tennis assn.) si justine henin-hardenne. whoo, by middle of next yr, kaya na cguro nya mag number1 uli, (kung lahat ng mangyari ay astig), ang lupit tlga nun! tyka recently ko lang nalaman ang tamang pronunciation ng pangalan nya (belgian un kya french ang salita). idol yun babaeng un tlga. US open na by end of the month..

Mga pagbabati: nicco camille ryan carla jax jo dana bianca andrea anjuli dino rd choi moja neil edgar gian la joey, etc etc
Sounds Jack's Mannequin - Dark Blue
       
d-t: 081405 ; 03.57pm [ next ] [ prev ]
lanta
  nagreinstall na ng windows, ayus na uli ang pc ko, pero bumagal ang system kac sira na ang ilang mga hardware ko. no new themes/chikkpix, hanggang sa ndi ko pa napapalitan vidcard at processor ko, ndi kaya ang adobe photoshop sa ngaun.

it was the second friday of august last friday. at nung thursday ay 18th bday sana ng pinsan ko.

mababa ang nakuha ko 3rd long exam sa math, pero nakabawi (yata) sa midterms.

may hay fever ako. namana ko yta sa dad ko ung kundisyon. hassel cya solido.

magpapaparty ang isa naming kasama sa building namin sa qc mamayang gabi. pagatapos nito, tigil na muna.

may mga hindi marunong magbalik ng gamit. usual suspect, see july blogs

astig ng english1, basic tlga. cguro para na rin sa mababang level ng english ng mga highschools sa pilipinas. at wla ko pasok next friday astig, at sa gabing iyon, rockestra na!

astig tlga sa maynila, un nga lang ang dumi

Mga pagbabati: belated happy birthday to bea, kita mo naman kmi lahat dyan sa kung nasaan ka eh..it's been nearly a year na. cla yama onie wazer, cla joyce, lor, ate ko; eLeS-taft, eLeS-di ko naabutan sa taft, nicco, dana jo iya bianca, jax, migs, marco, ferdz josh royce alvin kajo.
Sounds Green Day - Wake Me Up When September Ends
       
d-t: 080705 ; 11.47pm [ next ] [ prev ]
naia87 o kya talahib master?
  sinagad ang blogging powers ngyon, etong entry na ito ay ginawa sa qc, kulit nga ehh, medyo ang hirap magblog d2 kac ndi ko pc ang ginagamit.. ayus lang naman, may sira ung pc ko sa kwarto kya napilitan din akong d2 gawin sa apartment.

"ma, bayad ho.." [nagshi-shift gear, ndi nakuha ung bayad agad]; [kala ng pasahero ndi lang nadinig]; "ma, bayad ho oh" "teka lang kumakambyo ako eh ndi ka ba makahintay?!!"

dis wk, may nasakyan akong jip tapos ang init ng ulo nung drayber solido, nakakaasar nga eh, merong mga tao na mas sira pa cguro araw nila kesa sa driver na un pero tahimik lang cla, di nila dinadamay ung mga ibang tao sa paligid nila. as in, ung mga tao parang they just want to get thru the day tapos ung drayber naman ndi tumutulong sa pagka-normal ng araw, pde naman gawin lang nya ung trabaho niya the way it was intended. lam nyo un? parang isyu sa control. cguro may dahilan naman tlga cya, pero dapat pagpasok mo sa trabaho ayus ka na, para ndi madamay ung trabaho mo sa personal mong problema. pero makulit din ung pagkasabi nya ng "kumakambyo ako eh!" isisingit ko sa gitna ng bawa't paksa un mga ginwa nung masungit na drayber sa loob ng less than 4km na pamamasada.

"para ho" [tuloy parin] "ma, tabi lang" "teka nasa gitna pa ko eh ndi mo ba makita?!!"

may natutunan akong UP lore nung wk na ito. alam nyo ba na ang original base of operations ng KKK ni Andres Bonifacio ay nasa UP Diliman campus? ang official record nitong lugar na ito, ndi actually nakasabi ung mismong place na UP Diliman kac malamang ndi pa naman UP ung place na un ng panahon ng mga katipunero ehh. pero ang sabi sa papeles na nahanap ng historians, ang base ng KKK ay isang madamo at maburol (hilly) na bukiran sa gitna ng baryo krus na ligas tyka ng lungsod ng balara. so un, ang krus na ligas nadadaanan parin ng UP ikot jeeps hanggang ngaun, at ang balara naman mapupuntahan mo kung dirediretsohin ang katipunan ave. so un, astig, parang ung place kung san ako nagaaral dun nagplano si Bonifacio ng rebolusyon. wla lang, un ung unang beses na naaliw ako o napakinig talaga sa diskusyon namin sa kasaysayan subject ko. at habang dun tyo nababanda, ayus sana ang mga kaibigan kong nagtake ng UPCAT (dis wkend un). last yr 7 at 8 ung atin dba? basta, pagpalain sana ng diyos ang mga skor nyo.

"sa tabi lang ho" [hindi narinig] "para" "para daw!" [di parin narinig] [may mga kumatok na sa bubong at mga sumipol] "ano ba yan.." [pumara na ung driver] pagkababa nung mga pumara, humarurot ung driver ng jeep, nagdadabog. n'labo neto ah, naisip ko. nakaupo kc ko dun sa mismong likod nung driver kya naobserbahan ko tlga lahat

nung friday ay nagpaalam kmi sa dalwa naming kabarkada (ung lunch barkada ko nung highschool) si masa at si kenzo. naisip ko lang, ung barkadang un, naubos na tlga ung mga tao, andaming umalis na ng bansa. egh. pero wla naman cguro limutan kahit san lugar na madestino ang isa't isa.

sa last stop ako bumaba, sa may malapit sa gym/ROTC lugar ng UPD. ako nalang ung natira sa jeep, at nung half-out palang ako nag-go na cya, buti ndi ako nadapa sa kalye. galit sa mundo amp!

at nung sabado naman ay debut ni bea robles. masarap ung pagkain pero di ko nasulit sinara na ng hotel ung mga dish. hahaha. nung gabing iyon ay nakita ang bahay nila dino este 2nd bahay ko na binagyo last wk, nakalabas lahat ng gamit nung dalwang room, kya magulo. nakakahiya bumisita.. tapos sa debut ay nakasama ang ibang mga ndi ko nakita ng medyo matagal, tyka nagbayad ng tiket sa rockestra kay ryan. at cympre nagcelebrate ng bday ni bea robles. actually ngyong aug7 ung bday (pasok pa ung blog by 13mins). at pagatapos ay napatagal sa hotel dahil wlang magawa o mapuntahan (ika nga ni neil "ang hirap maging eLeS!") kac may hadlang sa gimik ehh. at nung nalaman na ang mangyayari at hahantungan ng aming gabi ay nagpaalam na kela dale at moja at nagtuloy magroadtrip (ndi namin plano talaga magwaldas ng gasolina, napilitan lang ng sitwasyon namin).. basta't may dahilan bakit naia87 ang naisip na tawag sa gabing ito. ang kulit pa tlga basta stig.

midterms ko sa math dis wk. waaahh, panic. tae, naiwan ko pa kalahating notes ko sa bahay. argh.

Mga pagbabati: ang limang ksama kong talahib masters (rico, ryan, neil, rd at jan.. ay, si jan lang pla ung talahib master!), si dale at moja ayus!, ung barkada (dana sunod na bday), si gaille (bakt ka nawala agad?? bigyan pa naman sana kta), si bea robles (maligayang kaarawan sau), si adrao at si dino, bleh
Sounds Sandwich - Thanks to the Moon

Hosted by www.Geocities.ws

1