J216 banner
Children
Journey Through the Sullen Wards of PGH

Crime
NBI Busts Internet
Porn Ring

Education
High Blood
GMA's Directive: Use English as Medium of Instruction

Energy
British Energy scraps plan...

Governance
Musings

Health
Ordinaryong Dahon Panlaban sa Bato at iba pa!
Have a Healthy
Lifestyle

Information Technology
Me and My Ipaq 3870
TRON Man Behind Mobile Success
Nokia 6510
Poll Computerization Program Hits Snag
Possible Call Center locations seen outside NCR

Population and Development
Mang Pampilo's World
More Than Numbers

Property
Home...One of the Basic Needs
Ate Diding's Lucky Star

HOME

An online publication of UP Diliman Journalism 216 students

Ordinaryong Dahon Panlaban sa Bato at iba pa!
By Judith Estrada

Maaaring narinig nyo na ang halamang ito. Maaaring nabanggit na ito sa isa sa mga medicinal healing sessions nyo. Pero napag-isipan nyo na ba at napagtanto ang malaking tulong ng isa sa mga halamang-gamot na ito lalo na sa inyong mga may diperensya sa bato at hypertension?

SAMBONG, Ngai Campor o Blumea camphor o may scientific name na Blumea Balsamifera. Isa lamang ito sa mga ordinaryong dahon na posibleng nasa likod lamang ng ating bahay o bahagi ng ating hardin. Ang sambong ay nagtataglay ng essential oils partikular ng camphor oils. Dahil dito, kinumpirma ng Department of Science and Technology o DOST ang pagiging ligtas at epektibo ng sambong para gamutin ang hypertension, sakit sa bato at iba pang karamdaman.

Sa kaniyang librong "Medicinal Plants of the Philippines", isinulat ni Dr. Eduardo Quisumbing, isang medicinal doctor ang mga pakinabang na maibibigay ng sambong. Kabilang dito ang ugat ng sambong na gamot sa sipon at ubo, ang tsaa mula sa nilagang dahon nito ay makapag-aalis ng sakit sa tiyan, sakit ng ulo at makakagaang ng katawan ng mga may rayuma kung ipapaligo.

Napatunayan ito ni Quisumbing sa maraming mga pasyenteng nagpatotoo sa ginhawang dulot ng naturang halamang gamot.

Opps huwag magtaka dahil hindi lamang sa mga isla at probinsiya sa Northern Luzon, Palawan at Mindanao maaaring matagpuan at magamit ng sambong. Ayon pa kay Quisumbing, ginagamit ng mga Javanese at Chinese ang tsaa ng sambong bilang gamot sa ubo, ang Europeans naman ay ginagamit ang sambong sa mga impeksyon bunsod ng katarata samantalang gamot sa galis ang sambong sa bansang Cambodia. Ipinabatid din ni Quisumbing ang aniya'y iba pang gamit ng sambong sa ibang bahagi ng mundo bilang gamot sa dysentery, chronis uterine discharges, beri-beri at lumbago.

Lumalabas sa mga pag-aaral na ginagamit ang tsaa ng sambong bilang herbal ingredient sa sponge bath para sa mga bagong panganak samantalang ang mga Agtas sa Bicol region ay nakakagawa ng inuming tinatawag nalakadbulan.

Huwag mamoroblema kung wala mang tanim na sambong sa inyong hardin, sa mga kapitbahay, sa mga palengke o sa paligid kaya dahil tagumpay ang mga otoridad na mailipat ang technology para makapag-produce ng sambong tablets. Nagtulungan ang DOST at Philippine Council for Health Research and Development o PCHRD sa pamamagitan ng National Integrated Research Program on Medicinal Plants para maipakilala ang sambong tablets na anila'y apat napu hanggang siyam napu't dalawang porsyentong mas mura kaysa mga gamot para sa sakit sa bato, hypertension at iba pang karamdaman.

Sa mga panahong ito, ipinabatid ng DOST at PCHRD na ang sambong tablets ay pupuwede ng panggamot sa mga hirap umihi o mayruong tinatawag na UTI O Urinary Tract Infection gayundin yung mga may sakit sa puso.

Itinuturing na pinakamalaking pakinabang ng sambong tablets ay maaari itong maging tigapagligtas ng mga pasyente para hindi na sumailalim pa sa lithotripsy, isang mahal na medical procedure para sa mga may sakit sa bato.

Ang SAMBONG - ordinaryong dahong epektibong gamot sa mga karamdaman. Tunay ngang hindi matatawaran ang mga pakinabang ng halamang gamot na ito. Meron ka bang kakaibang nararamdaman sa ngayon? Huwag ng humanap ng ibang gamot, SAMBONG lang ang katapat niyan.


About the Author

Judith Estrada is a Jill-of-all-trades in her workplace - acting as Production Assistant, Newswriter, Newsreader and sometimes pinch hitter for some DWIZ anchors!

 

Copyright © J216 students, 2nd Sem, 2002-2003
University of the Philippines
Diliman,Quezon City

Hosted by www.Geocities.ws

1