|
Torres High School
Batch '78 News Page
"Our aim is to link us together as we prepare for our 25th Grand Anniversary Reunion in the year 2003." |
|
ni Ysip I. Malaya (para sa mga patuloy na nangangarap makauwi) Kanina ko pa napansin na tinititigan mo ang lata ng Coke na hawak ko. Inalok kita. Umiling ka, sabay hugot ng boteng lapad mula sa jacket mong niluma na ng panahon. Nilagok mo nang walang abog ang laman ng boteng iyon . Pinahid ang nabasang labi at muling isinuksok ang bote sa iyong jacket. Di mo pa rin inalis ang pagkatitig mo sa lata ng coke ko. Mataas ang araw noon. Ilan tayong nakagala sa plaza. Namamahinga lang ako. Mahaba-haba rin ang layo nung opisinang inaplayan ko sa hintayan ng bus. Malayo ka pa ay narinig ko na ang ingit ng gulong ng kariton mong kalawanging bakal na diko alam kung saang supermarket mo nakuha. Maybalumbong mga lumang damit, mga piniping lata ng soda, mga gula-gulatay na kariton, lumang dyaryo,at kung ano-ano pang alam kong galing sa basura. Alam kong sa karitong iyon umiikot ang buhay mo. Humugot ako ng ilang barya sa bulsa. Inabot ko sa iyo ',yon pero itinuro mo ang latang hawak ko. '', No can .....Coke.' Nagkatitigan tayong dalawa. 'Pilipino ka? tanong mo. Nung una, akala ko Chicano ka. Akala ko walang Pilipinong tulad mo sa Amerika. ''Bagito ka?'' tanong mo uli. Magdadalawang linggo na ako sa Amerika. Natawa ka. Sabi mo' y magsa-sampung taon ka na. Sa National City ako nakatira. Umikot na nang nakadipa ang dalawa mong kamay. ''Dito,dito ako nakatira! Walang pader, walang kusina, walang kubeta. Puro sala. Ang bubungan ko'y langit, ang himlayan ko'y lupa... Wala ka bang pamilya? Anak? Asawa? Doon nag-simulang namanglaw ang iyong mga mata. ''Wala akong balak na pumunta dito noon. Kuntento na ako sa San Isidro. Kaya naman kaming buhayin ng mga pinitak ko. Kahit si Cedes ko ayaw dito. Tatlo ang anak namin ni Cedes. Si Nardo ay pinalad na mapasok sa Ne-bi. Malaki ang iniluwag ng hininga ko noon. Yung singkwenta dolyar na padala niya buwan -buwan ang panustos ko sa pag-aaral nina Buboy at Betty sa Menila. Mataas ang pangarap ni Buboy ko. Gusto nuong mag-abogado. Mahusay ang utak ng batang iyon. Matataas ang marka. Palagay na sana ang loob ko noon. Hindi bale nang di makatapos si Betty. Tutal babae naman iyon. Di maglalaon mag- aasawa rin. Pero si Buboy ko, kapag naging abogado eh tiyak na maaahon kami sa hirap. Isang araw, umuwi si Buboy ko galing Menila. Alam kong may bumabagabag sa kanya nuon. Kinausap ko siya nang masisinan. Akala ko'y kinakapos lang sa pabaon ko. Sabi niya ay titigil na raw siya sa pag-aaral. Tutol ako. Sinong ama ang di nangangarap na makatapos ang anak? Sabi niya ay may iba siyang ibig tahakin. May iba pa bang landas na dapat tahakin kundi ang landas ng karunungan? Iba ang pananaw sa buhay ni Buboy ko. Ang karunungan daw ay hindi lamang sa loob ng paaralan nakukuha. Higit daw ang karunungang napupulot sa lansangan. Hindi matapos-tapos ang pagtatalo namin noon. Hinipan ko na ang gasera ay di pa rin siya umaalis sa tabi ng bintana para mahiga. Nakatanaw sa malayo. Kinabukasan ay hindi ko na nagisnan ang bunso ko. Nag-iwan ng kapirasong sulat. Sabi niya ay handa na raw siya para sa mundo. Pero hindi niya alam kung handa na ang mundo para sa kanya. Matagal na hindi kami sinipot ni Buboy. Lagi na ay nakikita ko si Cedes na nasa may bintana. Hinihitay ang kanyang bunso. Pasasaan ba't sa sariling pugad din uuwi ang mga ibon? Minsan ay umuwi si Buboy. May dalawang kasamahan. Halos pabulong kung magsalita. Gutom na gutom sila. Nang tanungin ko naman kung saan galing ay hindi, kumibo. ''Ano bang pinag-gagagawa mo? '' ika ko. Ang sagot eh, ''Para sa inyo ito Tatang, sa lahat ng mga magsasakang inagawan ng lupa. Sa masang pinagkakaitan ng mga naghaharing uri. ''Hindi ko mawari kung ano ang pinagsasabi ng anak ko. Igigiit ko sana ang tungkol sa pag-aaral niya pero pinigilan ako ni Cedes. Tulad ng dati, hindi ko na nagisnan si Buboy, pati na ang kanyang dalawang kasama. Matagal na hindi siya nagpakita. Wala man lang sulat o pasabi. Hanggang isang araw ay dumating ang dalawa niyang kasama noon. Wala si Buboy ko. Napatay raw sa isang engkwentro sa militar. Unti-unting namuo sa dugo ko ang poot ng galit. Putng-ina nila! Bakit si Buboy ko? Bakit ang bunso ko pang minsa'y nangarap maging manananggol? Hindi na namin nakita pa ang bangkay ng anak ko. Sabi ng mga kasama niya naghukay sila doon sa bundok na naging libingan niya. Hindi raw naming pwedeng puntahan dahil pinamugaran na ng militar . Mahigpit ang yakap ni Cedes doon sa bag ni Buboy na dala ng mga kasamahan niya. Pilit na inaaninag ang bakas ng anak na nilamon ng dilim. Di naglaon ay nag-asawa si Betty. Naaprubahan din ang pitisyon namin. Baka kako dito ay makalimot si Cedes. Mabigat saloob ko nang iiwan namin ang San Isidro, di lang dahil sa mapait na ala-alang iniwan ni Buboy kundi dahil din sa mahirap iwanan ang kubong naging saksi sa pagsasama naming mag-anak. Akala ko'y lilipas ang panahon at mapapalagay din si Cedes. Kako'y ,pupunuan din ni Nardo ang puwang na iniwan ng bunso namin. Pero nalimutan ko na ang tao nga pala ay nagbabago. Nagbago na ang panganay namin. Mahirap pang pakisamahan ang manugang namin. Palibhasa ay dito na lumaki kaya kanluranin ang asal. Parang ibang tao ang turing sa amin ni Cedes. Unti-unti ay iginupo ng karamdaman si Cedes ko. Nang madala sa ospital ay malala na. Kasabi-sabi pa ni Nardo ay di na nga raw kami nakakatulong ay nagiging pabigat pa. Pabigat ba ' yong kami ang taga- pag-alaga ng mga anak nila kapag nasa trabaho silang mag-asawa? Si Cedes ang tagapagluto at ako naman ang taga linis. Sinisilbihan pa sila ni Cedes tuwing kakain silang mag-asawa. Nito na nga lang huli ay nanghina na 'yung tao dahil me nararamdaman na pala ay di pa nagsasabi. Hindi na halos makapagpaalam si Cedes. Ang tanging nabanggit bago nalagutan ng hininga eh ang pangalan ng bunso niya. Hiniling ko noon kay Nardo na iuwi namin ang bangkay ng ina niya at ako nama'y sa San Isidro na lang kako maghihintay ng oras ko. Mahal daw ang pamasahe ng patay sa eroplano. Ako na lang daw ang umuwi. Hindi ko maiiwan si Cedes ko. Nang lumaon ay ako naman ang nagpahinga. Minsan ay nakita akong sumusuka ng dugo ng manugang ko. Nagtalo silang mag-asawa sa silid pagkatapos noon. Narinig kong dadalhin daw ako sa narsing hom. Di ko na hinintay na sikatan pa ng araw sa bahay na 'yon. Ah, ang anak ng naman. Makakaya ng anak na magtakwil ng magulang, pero kailanman hindi kayang itakwil ng magulang ang anak. Noon lang ako muling natauhan. Nadala ako sa kwento mo. Hindi ko lubos maisip kung paanong naging mapait ang katapusan ng isang kwento gayong sinimulan ito ng masaya. ''Kung mauuwi ka sa atin, baka maligaw ka sa San Isidro. Paki sulyapan mo ang kubo ko. At kung madaan ka sa kapilya, ipagtulos mo ng kandila si Buboy at si Cedes ko.'' ''Bakit hindi kayo bumalik sa anak ninyo?'' ''Ku, para sa ano? Eto't malaya ako rito. Napakalaki ng bahay ko. Mula sa kantong iyon hanggang doon sa kabilang poste. Dito na lang ako. Dito na rin siguro darating ang oras ko. Kapag ipinikit ko na ang mga mata ko, kukulubungan ako ng mga ulap.'' Nang sumakay ako ng bus ay itinulak mo na rin ang kalawangin mong kariton. Unti-unti nang ikinubli ng mga ulap ang araw. Unti -unti na ring sumisilip ang mga bituin. Ang bubungan mong langit ay dahan-dahang nilalamon ng dilim. Sana, balang araw muli kong makita ang daan pabalik sa atin.... |
A tribute to... Mr. Eugenio Javier Sa lugar namin, sa Lugam at Look sa Malolos Bulakan, isa sa kinikilala si Mr. Eugenio Javier... kilala sa tawag na Tata Genio. Bakit siya naging kilalala sa aming pook? Maraming dahilan, siya ang nagpamulat sa mga taga bukid na kahit mahirap lamang ang isang nilalang ay mayroong pag-asang makapag-aral sa Maynila. (Noon yatang panahong iyon ay may cash lang ang makakapag-aral), ngunit hindi ito naging hadlang sa kanyang pangarap, dahil siya ang bunso sa limang magkakapatid na puro lalaki kaya napagtulong-tulungan siya upang makapag-aral. Hindi naman nasayang at siya ay nakatapos ng B.S. Education majoring in Industrial Arts sa P.C.A.T. noong 1951. Nagturo na siya sa Torres High School ng mga taong 1953. Habang siya ay nagtuturo ay madalas siyang maging guest sa mga pagwakas na palatuntunan ng mga paaralan sa aming bayan, nakapagbibigay siya ng mga salita na nakakapagmulat ang mga magulang at mga anak para sa mahalagahan ng pag-aaral or edukasyon. Isa siya sa unang naging professional sa aming pook. Nasa unang baitang ako ng una ko siyang marinig na magsalita. Pagwakas na palatuntunan ng aming mababang paaralan, ang aking matatandaan ay ang pagbitiw niya ng pangungusap na "Sa anumang gagawin o magiging gawain natin sa buhay, ibigay natin ang pinaka magaling or the best upang hindi lamang ang ibang tao ang masiyahan kundi pati ang ating sarili. At maging kalugod lugod tayo sa ating Maykapal" (Natanim ito sa aking isipan hanggang sa ngayon.) Patuloy pa rin ang kanyang pag-aaral habang siya ay nagtuturo. Ang sabi niya ang pagiging guro ay walang katapusang pag-aaral, hindi lamang ito isang hanapbuhay bagkus ay isang bokasyon sa dapat bigyan ng halaga dahil sila ang dahilan ng ating naging buhay sa ngayon. Mahabang panahon ang kanyang naging buhay sa Torres High. Naging Guro ng Taon siya noong 1963 sa Division Level 1 sa buong Maynila. Sabi niya ang maging guro ng taon ay hindi lamang sa galing ng pagtuturo bagkus ay sa bunga ng iyong mga itinuro. Habang lumalaki lahat ng kanyang pamangkin madalas niya kaming pinapangaralan tungkol sa kahalagahan ng edukasyon. (parang ibig niya na lahat ay maging guro.) Naging department head siya ng Vocational. Mahal na mahal niya ang ating paaralan, halos doon na silang lahat nakatira. Marami siyang nagawa bilang guro, department head, assistant principal. Isa siya na ipinaglaban ang mga athletes ng Torres na kailangan silang ipasa kahit kulang sila ng academic dahil silang ang representative ng ating paaralan sa larangan ng "sports" at kaya sila kulang ng academic subject dahil lumalaban sila sa ibat ibang paaralan ng lunsod ng Maynila. (kasama niya si Mr. Datuin- Dept. Head of P.E., remember him). Sabi niya halos lahat ng guro ay ayaw, pero nakumbinsi rin nila ang karamihan. Patuloy pa rin ang paglilingkod niya as educator pakatapos sa Torres. Ibat -ibang paaralan sa Maynila ang kanyang pinnaglingkuran bilang Principal. Nalipat man siya ng lugar ay sa larangan pa rin ng Edukasyon at Kultura siya naglingkod bilang Chief Supervisor of Secondary High School in the city of Manila. Bago siya mag-retire isa sa kanyang pinakamahalagang kontribusyon sa pagsulat ng "Instructional Materials for Secondary High School" (marami silang writer dito, puro mga veteranong guro sa ibat-ibang paaralan sa lunsod ng Maynila). Nag- retire siya noong 1990 sa kanyang bokasyon subalit tuloy tuloy pa rin ang kanyang volunteer na gawaiin sa "The Manila Retired Teachers"( of teachers village) na sumulat sa mga libro. Ang sabi nga ng pinsan ko ang collection daw ng tatay niya ay mga clippings ng mga ibat-ibang writer. Nasabi rin niya na sa simula ng kanyang pagtuturo at hanggang sa huling taon niya sa Torres ay kumpleto siya ng year book. Noong 1996 ay nakaroon kami ng pagkakataon na magkita. Napunta siya dito sa Vancouver, kasama ang isang anak niya as tourist. Sa pagtigil nila dito sa aming bahay ay marami kaming napagkukwentuhan, ito ay ang buhay sa Torres High. Sa kanyang ko narinig na 1978 na taon sa buong Maynila, ang Torres High ang highest sa NCEE, dahil that year lahat daw tayo (1978 graduate) highest average . ( How 's that bacthmates galing natin) Madalas niyang ipaalala na hindi lamang ang academic ang kailangan nating pagbutihin sa pag-aaral maging ang pang araw-araw na gawain (pratical works or arts). Torres high ang palagi naming topic, pinagmamalaki talaga niya ang Torres. Marami siyang mga guro natin noon ay maging department head na rin tulad ni Mrs.Gerlie Samson, Social Studies department head na (hindi ko maalala yung ibang teachers na head na rin ngayon). Tandang-tanda niya yung batch natin kung sino-sino ang mga honor rolls noon. Sa ngayon kahit wala na siya sa Torres meron siyang bakas na naiwan doon at ipinapagpatuloy ang paglilingkod bilang guro, isa sa kanyang anak ay nagtuturo rin sa Torres like father like daughter. Makita ko sa kanya ang real meaning of servant hood, doing things without complaining, it is a gift that we should embrace and take with joyful heart, that is Mr. Eugenio Javier but for me my Tata Genio. As of this writings, my brother just came back from Manila and sad to relate the news that he is very ill, he hardly travels now days. He is in his bed surrounded by all his loving children and grandchildren, inspites of his illness he was able to send me a letter and greeted me a happy birthday. ----- Terry Javier-Abad
![]()
Mr Javier with his 2 daughters, Rose and Amy, and the Abad family. ![]() ![]()
Maraming salamat kay Terry Javier-Abad sa kanyang lathalain. Our best wishes to Mr. Eugenio Javier. We will always pray for your good health and we'll try to live by your good examples. |
|
Virginia "Gigi" Paiste With intensity 6.8 earthquake in Seattle, something's shakin' in Vancouver....... Gigi was one of the IV-SS Virgo in 1979 who is currently living in Vancouver, Canada (the best place to live). She has spent 12 years in Vancouver where she raised her 2 kids....16 and 13, both are now in high school. She's been to Toronto and a lot of places in the U.S. on job related-trips. She is working as an accountant. She was separated from their father since she gave birth to her daughter, but she is now happily living with her kids and her new husband for the last six years now. He grew up there and he is also a Pinoy working with Chrysler Canada Ltd. "Dale
Aldrin is my son, turning 16 in April, a computer and math wizard in
Charmaine
Joyce is my daughter, 13 years and a basketball player and coach,
Danny
Blancaflor is my husband of 6 years, and he is working with Chrysler Canada
She reminisced......"I used to be with Father
Eric and Edgar Atienza.... those were the days when we were doing some
carollings back home for the Marian Crusade led by Ms. Homena (Chem Teacher)."
She is dying to hear from Leah Ponio. Please give Gigi Leah's new email
address if you know it, so she can also get in touch her batchmate/classmate
Nilo Espino (Leah's bro)...who is her daughter's godfather.
Thanks Celso G. for introducing the site to Gigi. More power to our Vancouver Family!!! |
| US recruiting teachers here, test on April 8
Today/ February 23, 2001 QUALIFIED teachers who want to teach in the United States may now take
the
FAST is one of several qualifying exams for US teachers. To qualify, applicants must be a BA or BS degree graduate from any accredited college or university, with a general point average of 2.5 and must have at least two years actual teaching experience. There is a growing demand for teachers in the US, particularly in Texas, with the Houston Independent School District reporting teacher vacancies of up to 12,000 last year. Those who pass will be tasked to teach mathematics, science, special education, reading, English and bilingual education in Texas. Application forms are available at JS Contractor in Magallanes Drive, Intramuros. Forms and other requirements must be submitted by March 8. Review classes will be held on April 4, 5 and 6. Teachers who pass FAST and interviews with US school district officials here will be provided working visas. They will be deployed to grade schools and high schools in Texas starting 2002. Starting salaries are at $35,000 per annum. Teachers will not pay income taxes for the first two years of their stay. Omni Consortium Inc. and MPLL is one of the most reputable and legitimate placement companies that has successfully brought nurses and teachers from the Philippines, Mexico and Venezuela to California and Texas. |
![]() |
![]() |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Brought to you by Buzzy-V