
Take Your
Home ......................... Hitch Your Wagon to the Star...
It's the Possibility of Having a Dream that Makes Life Interesting ~the Alchemist~ |
Sabi nga nila..."Hindi sa lahat ng oras puro pagsasaya...Minsan kailangang maging seryoso lalo pa at kinabukasan ang nakataya"...(wink,wink!) So Kindly bear with this...It's kinda serious but it's worth-reading.(hehe) ![]() Lansangan, tao at prinsipyo Tatlong esensyal na elemento ng kung Lansangan. ......................... *mE, mYsElf and I* *pHoTo gaLLeRy* *mY wOrKs* *linKaGeS* *the siTe MaP* *cOnTaCt Me* |
Di rin lingid sa kaalaman ni Gloria na hindi lang iisang paslit ang hinihingian niya ng tawad kundi ang taumbayan. Giniba niya nag natitirang tiwala at pag-asang pinanghahawakan ni Juan dela Cruz. Nilinlang at pinaasa lang si Juan� Hindi lang naman umiinog sa isyu ng �Gloriagate� ang pinanghahawakang ebidensiya ni Juan dela Cruz. Lantaran ng nakahilera sa harapan ng bawat Juan dela Cruz ang mga hindi mabilang na mantas at duming nalikha sa pamamahala ni Gloria. Naririyan ang hindi maawat-awat na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan pati na nang pamasahe na siyang lalong nagpapalunod kay Juan sa kumunoy ng kahirapan. Idagdag pa ang umiigting na korupsyon na kinauugnayan ng mga tao sa palasyong kanyang sinisilungan. Ang nasusupil na kalayaan sa pamamahayagkung saan walang kahabag-habag na pinapatay ang mga kawawang tao sa midya ay malinaw na sumasalamin sa kawalang kontrol ng pamahalaan sa seguridad at kaligtasan ng kanyang mga mamamayan. Ang panggigipit sa alokasyon ng badyetgaya ng sa edukasyon at iba pang karapatan at panagangailangan ni Juan dela Cruz ay dagdag rin sa iritasyong nadarama ng mga tao ngayon. Kawawang si Juan� Kung nagawa niya sa simula�t-simula pa lang na dayain ang mag tao ay lalo pa kaya ngayong nasa posisyon na siya at may pinanghahawakang kapangyarihan.Para saan pa ang bawat pagsangguni sa interes at opinion ni Juan dela Cruz kung nadodoktor rin naman pala ito ng iba? Aanhin pa ang salitang �demokrasya� kung pili rin lang pala ang nakakapagpasya? Aanhin pa ang salitang �tiwala� kung makailang beses na rin pala itong binabalewala? Galit na si Juan� Hindi sapat ang pagbanggit ng �sori� lalo pa at sa isang napakalaking kasalanan. Ang bawat kamalian ay may karampatang leksiyon. Kung ang isang batang paslit ay napapalo upang turuan ng leksiyon lalo pa kaya ang isang nagkasala na taglay ang pinakamataas na posisyon sa bansa. Namumulat na si Juan� Maaring tanggapin ang kanyang paumanhin, subalit ang lason ng kamaliang kanyang nagawa ay nanoot na sa bawat hibla ng pagkatao ni Juan dela Cruz na kung hindi maagapan ay siyang dahilan ng unti-unting pagkalagot ng kanyang hininga. Punung-puno na si Juan� Sa gitna ng kalituhan sa kung anong prinsipyo ang paiiralin ay tumutukoy pa rin sa bandang huli ang pagnanasang maituwid ang anuman at alinmang kamalian. Tinitumbok pa rin nito ang pagsusuri sa tinatawag na�konsensiya�. At kung may natitra pang konsensiya sa naturingang �ina� ng bansa ay matanto sana nito ang kinahihinatnan ng kanyang pagiging pabaya at walang-kwentang pagganap bulang �ina�. Puro panlilinlang at masasamang halimbawa lamang ang kanyang naiaambag. Sana ay maisip rin niya na hindi lang puro kapakanan at inters niya ang prayoridad sa usaping ito. Dapat niyang mabatid na hindi lang siya sampu ng kanyang kapamilya at kamag-anak ang mamamayan ng Pilipinas. Dapat niyang ikonsidera na sa bawat desisyon at aksyon na kanyang sinisimulan ay buhay ni Juan dela Cruz ang nakasasalay. At sa huli�t-huli, dapat niyang malaman na hindi lang siya ang anak ng Diyos na siyang laging pinagpapala. Ayaw na ni Juan kay Gloria� |



� All Rights
Reserved �
*H-I-E-Z-L-E*
Hiezle Vidal
Prado
UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
Diliman, Quezon
City
October,2005 �