ELIZA VICTORIA Online
created and maintained by Eliza Victoria, UP Journalism student
Sample Works
Here's two pieces I wrote myself. These poems have been published in the anniversary folio of UP Quill, of which I am a (currently inactive) member.
Eliza
Gut�m
bumabaluktot ang hangin
sa bawat paghampas ng pakpak
tila pumapalakpak ang Manananggal sa dilim
kasaliw ng mga kulisap
buwan lamang ang pumuputol sa lagim
pilak ang espada
na humahati sa itim
sa ilalim ng bubungan
nakatitig ang Ama
sa anino ng anino
ngunit walang nakikita
hindi niya naririnig
ang paghambalos ng galit;
ang pagtuklap ng kuko sa marupok na pawid
sa halip, uha ng anak ang tumatagos sa dibdib
gusto niya, ngunit hindi niya kayang magbingi-bingihan
sa iyak ng Paslit
sa kanyang tagiliran
nais ng kadiliman ng lamang-loob
ngunit ang mismong tiyan ng pagkain
ay walang laman.
Oda sa Hilera ng mga Nakarolyong Beinte Pesos sa Salamin ng Jeep
Huwag kayong magalit sa akin,
kayong mga pulang mukhang
nakatunghay
sa likod ng manibela.
Alam kong naiinis kayo
dahil wala man lang
kulay lila, o dilaw kaya
sa inyong hilera.
Pilak lamang
ang kaya kong ihandog
sa inyong paanan
(na nais pa yatang kumawala
sa bawat paglundag
at pagliko).
Ilan kaya sa inyo
ang kakailanganin kong ibigay
sa gasolinahan, sa pulis?
Huwag kayong magalit: nalulungkot din ako
sa inyong bawat paglisan.
Sana, sa pagtatapos ng araw
may isa man lang sa inyo
na sasama sa akin pag-uwi.
Kailangan ko ng mukhang
ngingiti
sa aking asawa
at sisimangot
sa babae sa tindahan.
Home + About the Webmaster + Book Reviews + Movie Reviews + Sample Works
Artwork + Site Map + Site Links + Contact the Webmaster
All Rights Reserved.
©2006 Eliza Victoria Philippines
No portion of this website may be used without prior permission from the Webmaster.