Panalong Puso
A Comics Script
Reinier C. Dungca
Previous Page
Page 4
Frame 14
Sen. Vega: Kahit magkaibigan lang, makakasira pa rin ito sa kandidatura ko. Ano na lang ang sasabihin ng botante?
Illustration: Close-up ni Sen. Vega.
Frame 15
Cristina: Ngunit papa
Sen. Vega: A basta! Kailangan kayong magkalayo!
Illustration: Magkaharap ang mag-ama. Medyo galit na ang senador. Si Cristina naman ay mukhang nagmamakaawa.
Frame 16
Sen. Vega: Iba na ang magiging bodyguard mo. Sa akin na muna siya magsisilbi.
Frame 17
Top cap: Ipinagpatuloy ni David ang tapat na paninilbihan sa senador, kahit hinadlangan ang puso niya.
David (thought balloon): Sadya sigurong ganito. Pero ganoon pa man, dapat akong magsilbi nang tapat
Background sound mula sa mga tao (Shouting balloon): Mabuhay si Sen. Vega!!!
Illustration: Nasa isang campaign proclamation rally sila. Maingay at maraming tao na may dalang placards na may nakasulat na "we love Vega". Nakapolo-barong pa rin si David. Nakataas ang kamay ni Vega. Ito ay isang aerial view. Maliliit ang guhit ng mga tao, pero distinct si Vega. Si David ay naka-inset lamang sa isang pabilog na frame. Dito nakapaloob ang thought balloon.
Frame 18
Bottom cap: Kahit buhay pa nito ang kapalit nang saluhin niya ang baling dapat sana ay sa among senador.
David (Shouting balloon): Huh! Sir, dapa!!!
Illustration: Sa aktong binabaril si Sen. Vega na sinalo naman ni David. May putok ng baril na maririnig. Ito ay medium close-up ang view.
Frame 19
Illustration: Isang naghuhumangos na ambulansya.
Page 5
Frame 20
Top cap: Ngunit sa huli, nangingibabaw pa rin ang tapat at wagas na pag-ibig na namalas ng senador.
Sen. Vega: Ngayon ko lamang napatunayan na tapat siyang tauhan. Marahil hija, magiging tapat din siya sa iyo.
Cristina: Papa, mabuti siyang tao.
Illustration: Nasa façade sila ng isang ospital. May karatula sa likod nila na nagpapahiwatig na iyon ay isang ospital. Bihis politico si Sen. Vega, si Cristina naman ay kaswal. May naka-background na ambulansya.
Page 1 2
3 4
back to top
copyright © 2001. Allyn V. Baldemor; Reinier Dungca;
John Andrew Agbay. University of the Philippines, Diliman, Quezon City All rights reserved
|