Life-changing features, incisive analysis, no-holds-barred investigative reports...and more!


DevastatingThree's fabulous homepage

News: Top stories, current events and late-breaking news

About Us: Meet the cool, hip webmasters of Speakeasy

Playtime: A peep into the awesome lives of The Webmasters

Comments: Give us a piece of your minds, please

Site Map: Getting around this cool site is a breeze

Links: The sites that get our nod are almost as good as ours


Browse Articles
By John Andrew Agbay:

Ever wonder how
activists fall in love?

The Philippine
Foreign Debt Crisis

How to make
good use of trash!

Q&A on the Estrada Fallout
By Allyn V. Baldemor:

How to make friendships
last a lifetime

Busting Stress and
Beating the Blues

The Untold Feminist Cause
(Lesbian for Dummies)
By Reinier C. Dungca:

How to look for your
Perfect Crystal Partner

A Call for the
Ouster of Estrada

A love story of two worlds
(a script for comics)

UTANG! The Ins & Outs of Philippine Foreign Debt

Speakeasy! DevastatingThree's Domain [banner and logo] speakeasy [noun] 1. an establishment selling alcoholic beverages illegally; 2. watering hole for creative minds, armchair philosophers and innate geniuses 3. official website of DevastatingThree
Pesanteng UP
Oo Isko, may magsasaka sa kampus

Previous Page

Nabuhay na Pag-Asa
Nagkaroon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang DAR noong 1988 at dalawang taon makalipas itong maging batas ay dumulog ang mga magsasaka kay dating kalihim Florencio "Butch" Abad noong Pebrero 22, 1990. Inatasan ni Abad ang Municipal Agrararian Reform Office (MARO) na tingnan ang kasong ito. Matapos mapatunayan ng MARO na agrikultural ang mga lupain ay iniakyat sa mas nakakataas na Provincial Agrarian Reform Office (PARO) ang usapin.

Pebrero 1991 nang itakda ng PARO na "karapat-dapat masaklaw ng CARP" ang mga sakahan kayat iniutos nito sa MARO ang paglalabas ng Notice of Coverage para sa naturang lupain. Batay ito sa Executive Order 407 (Accelerating the acquisition and distribution of agricultural lands, pasture lands...and other lands of public domain suitable for agriculture.) na ipininalabas ng Malacanang noong Hunyo 14, 1990.

Hunyo rin nang mag-petisyon ang administrasyon ng UP sa DAR kontra sa pagsaklaw ng CARP sa mga lupain. Itinigil ang coverage ng CARP sa nasabing mga lupain at ang kaso ay nakabinbin pa rin hanggang ngayon. Sa patuloy na pagpupursige ng mga magsasaka ay kumilos na rin ang DAR ngunit para lamang puntahan ang aktwal na lokasyon at kunan ng video footages.

Muling nabuksan sa publiko ang kalagayan ng mga magsasaka nang lumabas sa Philippine Collegian ang isinagawang paggiba sa palayan sa Libis upang gawing relocation site "habang armadong nakabantay ang UPD Police." ("Sa kabila ng Restraining Order: Mga Sakahang sa Krus na Ligas Pinagiba ng Admi" ni Chat Garrido, Philippine Collegian)

Ubusan ng Lahi
Dahilan sa paglipat ng mga taga-Daang Tubo sa dati'y palayan sa Libis, hindi maalis ang hinanakit ng mga magsasakang tahanan lamang ang itinira. Walang kumpensasyong ibinigay ang Admi para sa nasira nilang kabuhayan habang patuloy ang pagpopondo ng milyun-milyon sa pabahay para sa faculty at empleyado ng UP. Sa kabilang dako ay patuloy ang pagsisiksikan ng ng "iskwaters" sa Libis na binabalak gawing pangkalahatang relocation site.

"Pag-iisahin na namin sila ("iskwater") doon (Libis) para hindi na kami mahirapan sa pagkontrol sa kanila," sabi ni ol. Edgardo Bentain, pinuno ng Anti-Squatting Task Force. "May mga tao nga doon sa Libis pero kakaunti lang sila at malawak yung area," dagdag ni Bentain.

Sa tensyon sa pagitan ng mga luma at bagong residente ng Libis ay namamagitan ang University Student Council (USC) Committee on Students' and Community Rights and Welfare na pinangunahan ni Councilor Carlo Osi.

"We try to pacify andunite them dahil pare-pareho namang nane-neglect ng Admi ang karapatan nila...Sabi nga ng taga-Daang Tubo na si Aling Celing ay ginagawa raw silang paang manok na nilalagyan ng tare at pinagsasabong para magkaubusan ng lahi."

UP: Unibersidad ng Pang-aagaw?
Sa patuloy na pagpapatayo ng pabahay para sa mga guro at non-academic workers ng UP ay marapat lamang purihin ang administrasyon sa pagsulong nito ng karapatan ng kanyang mga empleyado. Hindi kaiga-igayang maulit ang kaso ng "May Teatro, Walang Tahanan" ni Wilfrido Ma. Guererro na isa nang institusyon sa pagtuturo. Matatandaang pinaaalis ang propesor sa bahay na pinatitirhan sa kanya ng administrasyon ng dating UP President Edgardo Angara.

Sa pagtataguyod ng karapatan ng mga grupo ay nasasagasaan ang karapatan ng mga magsasaka at maralitang tagalunsod, mawawala ang kredibilidad ng Iskolar ng Bayang nagmamartsa para ipaglaban ang mga ito; ng mga estudyanteng pinaaaral ng buwis ng sambayanan na dapat sana'y sa sa masa, sa nakararami tumatanaw ng utang na loob.

Marahil ay repleksiyon lamang ito ng pagpapabaya ng mas malaking sistema, ng pamahalaang Aquino sa kabuuan. Kung dinaragdagan sana ang pondo ng edukasyon ay hindi na kailangang sumira ng kabuhayan ng isang sektor para iangat ang kabuhayan ng isa...
Disin sana...


Page   1   2      back to top

Search for
Get a Free Search Engine for Your Web Site
copyright © 2001.
Allyn V. Baldemor; Reinier Dungca; John Andrew Agbay.
University of the Philippines, Diliman, Quezon City
All rights reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1