Hangad Kita.....
Kailangan kong makita ang mga mata mo
Na may pag-mamahal ngunit paano?
Malaya ka na sa aking tabi
Kaya luha ko lang sa tuwing gabi....

Nais kong matikman muli and iyong halik
Dapat bang maghintay sa itong pagbabalik?
Nasasaktan ako 'pag ikaw ang sa isip
'Di mo mahal ngunit puso ko'y iyong hagip

Panahon ay lumipas na napaka bilis
Ba't di malimutan ng puso ko'y hinagis?
ayaw mo akong saktan, pero nasaktan din
Dahil ang puso ko'y di mo na kayang tanggapin

Nahihirapan ng isipin ang ating kahapon
Ng oras ng damdamin ko'y iyong tinapon
Ngunit pag-ibig ko hanggang ngayon sa yo pa rin
Malayo na sa akin....ba't hanggad pa rin...
Mahal pa rin kita
Puso ko'y sa iyo ngunit ako ay sa kanya...
Minamahal pa rin kahit ngayon ay malayo na
Hindi man napansin ang nadarama ko
Kinaya ko naman na ipakita sa iyo.....

Kaytagal na noon ngunit parang kahapon lang
At ang sakit na danas sa puso ko'y lutang
Na-aalala ka at ang aking pagtingin
Na akala mo'y wala na tulad ng hangin

Iniisip mo pa ba ang babaing ito?
Na halos mabaliw ng dahil laman sa iyo.....
Ngunit yon nga pala'y di mo pa alam...
At di ka na hirapan na sa kin ay mag-paalam

Parang ang bilis dumaan ng panahon
Ngunit puso't isipan ay pares sa noon
Na ikaw ang hinahanap, ninanais mahagkan...
Siguro nga ang sumpang ito ay pang kailan pa man.....
....
Hosted by www.Geocities.ws

1