Mahal ka pa rin
Muli mong mahalin
Ang mga nakalipas ay bumabalik sa kin
Na ang bilis dumaan tulad ng hangin
Na-aalala ka pati ang iyong ngiti
Na di ko makita, pati ang iyong bati

Kahit saan ka man sana 'wag limutin
Pag-ibig ko sa iyo, tulad ng bituin
Dahil ito'y tunay, at hindi magmamaliw
Puso ko'y sa iyo at ang aking aliw

Maging hanggang ngayon ika'y mahal pa rin
Masakit mang malaman 'di na 'ko kayang mahalin
Ini-isip kita ngayon at tuwing gabi
Umaasa pa rin na tayo bandang huli

Sana laging tandaan at 'wag mong lilimutin
Ang ating kahapon na nais kong habulin
Mahal pa rin kita at sana iyong isipin
kahit minsan lang at muli mong mahalin...
Hindi ko sasabihin
Naglaho na kaagad ang pag-ibig mo?
Parang isang iglap lahat ay nag-bago
Ngunit hindi ko papakita na mahal ka pa rin
At nais kong muling ika'y maging akin

Sa bawat oras na ika'y matatanaw
Gusto ng puso ko na biglang sumigaw
At nasasaktan ako sa dahilang ito
Mahal pa rin kita ngunit iba na ang mahal mo
Pero kahit pa ganito ang nadarama ko
Hindi ko sasabihing ikaw pa rin ang mahal ko
Hosted by www.Geocities.ws

1