|
Ilang mga pangako ang iyong binigkas Tungkol sa iyong hangarin at pag-ibig na wagas? Ngunit bakit ngayon wala kahit isang bakas? Dahil wala ka na at sakit ang dinadanas
Matamis na mapait ang mga sandali Puso na tanging ikaw ang minimithi Kahit na dahilan sa iyo ito'y naiwang hati Bakit ang pag-ibig ko'y kusang na-nanatili?
Maraming mga gabi na ako'y lumuluha Ang tanging masisisi ay ang itong mga sumpa Dinadama ang kirot habang humihiling sa tala
Ang damdamin mo na tanga'y lamang ay hangin At mga wikang akalang maypagtingin Ninanais ko ngunit ayoko ring limutin Ang oras ng matutunan na kitang mahalin |
|