~~~Lihim na Pag-tingin...~~~
Hihilingin na lang kita
'Di mo ako kayang mahalin at minamahal kita
Mahirap ang isiping hindi tayong dalawa
Ngunit bakit ganito uma-asa pa rin
Na ang imposible ay iyong damahin

Nasaan ka naba ngayong ini-isip kita?
Masakit ang malaman na meron kang iba
Dahil pag-ibig ko sa iyo'y pang habang panahon
At sa iyo'y 'di kailanman  ang sakit pala noon.

Siguro kung taghana na tayong dalawa
Darating ang panahon na ika'y akin na
Liligaya ako pagkat minamahal ka
Ngunit ngayon hihilingin na lang kita...
Sana mahalin din
Umiibig na sa iyo
dapat talaga ay alam mo na ito
di mo ba pansin ang tibok ng puso ko?

sa t'wing ika ay makikita
hindi ko na kaya  na makapag-salita

at bigla na lang kinakabahan
'pag ikaw naman ay lumapit na diyan

sana naman pansinin ang puso kong ito
ngunit 'wag tangkaing na laruin ito

pag-ibig na nga ang nadarama ko
hiling ko lang na mahalin mo rin ako
Tingnan mo lang ako at mapapansin mo
Ako'y nanghihina dahil umiibig sa iyo..

Na parang tinutunaw sa mga tingin mo
Isa lamang ang dahilan...
Ikaw ay minamahal ko

Pero may problema  kaya medyo magulo
ay paano ko sasabihin
Ang nadaramang ito..

Nangangamba rin na di ka seryoso
at laruin lamang itong aking puso

Kahit ganoon pa man sana'y malaman mo
Ang dama  ng damdaming
umiibig na sa iyo....
Hosted by www.Geocities.ws

1