Hindi ko maamin
Mahirap sabihing minamahal kita
Di ko ito maamin kahit sa kanila
Ako'y nangangamba na iba ang iyong mahal
Kaya nag-dadasal na lang sa may kapal

Kahit na isang saglit na ako'y iyong yakapin
Kahit sandali na ika'y maging akin
Kahit masaktan man kapag ako'y nilisan
Masarap pa ring isipin na naging akin ka minsan

At kung ako'y mahal sana iyong sabihin
Dahil hindi ko kaya na damdamin ay aminin.
Lihim na pagtingin.
Ayokong malaman ang damdamin mo
Dahil baka ang laman ay hindi ako
Nililihim ko tuloy ang aking pagtingin
Na kahit kanino ay hindi ko sasabihin

Ligaya ang dama 'pag ika'y natatanaw
Ngunit lahat ng tingin sa iyo ay laging nakaw
Tinatago ang pag-ibig pati aking saya
Kubli ang lahat, pero meron pa ring pag-asa

Laging humihiling sa langit at bituin
Na dumating ang araw na ako'y mamahalin
At 'di maka-tulog hanggang hating gabi
Minimithing mahalikan ang iyong labi

Ayokong malaman ang damdamin mo
At masasaktan lang kapag hindi ako
Ngunit 'di ko mapipigil ang aking damdamin
Kaya kahit palihim, ikay mamahalin
Lihim na Pag-ibig
home
Iniibig Kita
In-love ako sa iyo, alam mo ba ito?
Na ang  damdamin ko ay nabihag  mo
Sa bawat sandali nais kang madatman
At ang iyong mga ngiti aking tinitingnan

Natutulala bigla ikaw ang sana isip
Ang iyong  mga halik sa aking panaginip
Sana ang puso mo sa akin ang pintig
Dahil sa 'kin ay ganoon at yon aking hiling

Ngunit kailan pa ba?
Bago mo makikita
Ang sigaw ng puso ko
Na iniibig kita...
~
~
~
~
Hosted by www.Geocities.ws

1