|
|
Ang gulo nito o bakit ba Parang nababaliw kapag ka-usap kita? Puso ko'y nasa era na parang ayaw bumaba Ini-isip ka lamang at natutulala
Ay nako! Para ng napra-praning Daigdig na bigla-biglang nagni-ningning At kahit na tinopakan di ko pa rin masabing Nagbago ang lahat mula sa iyong pagdating
Hindi ko ito pinilit, hindi ko rin sinasadya Ini-isip ko tuloy kung paano ito nagsimula Natatanggal ang tornilyo kapag nandiyan ka na Ngunit meron ka bang pagtinging sa akin sinta?
Mabigat ang nadala, ano ba talaga Ang nakita sa iyo na wala ang iba? 'Di pa rin alam pero di na mahalaga Hiling lang na madama mo rin ang aking kaba |
|