~~Iniwan na Pag-ibig II~~~
Ayoko nang matikman ang hapdi at sakit....
Mula sa labi mong puno ng pait...
Sa iyong maga mata ako'y nalinlang..
At di hahayaan na may maging hadlang
Dahil sa pag-ibig, ako'y naging mangmang
At nawasak ang lahat..pagkat iniwan mo lamang...
Kung pwede sanang ibalik ang mga sandali...
'Di ka dapat minahal...
At di lumuha sa huli...
Puso ko....na iyong tinapakan....
Pag-ibig na iyong dinuraan....
Ang pagiging tapat na iyong tinawanan...
Damdamin ko lang ay iyong sinaktan..
.
'Di mo ba nakita ang paghihirap ko..
At tinakwil ang pag-ibig na alay ko sa iyo...
Nasa langit na ako..Bakit binaba mo pa?
Kaybilis mo namang  humanap ng iba..
Masdan mo ang luha sa aking mga mata...
Ng puso ko'y kinuha..bago iniwang nag-iisa..
Hosted by www.Geocities.ws

1