Iniwan na
Pag-ibig
Ayokong nasaktan...ngunit napatid sa iyo
At minahal kita...ngunit ako'y nilisan mo...
Ayokong mangarap
ng nag-iisa
Ngunit anong magagwa...
ngayong wala ka na
Kapag dumadaan ang kahapon natin
Sa aking ala-ala nais kang angkinin
Ngunit ang nadarama ay di kayang sabihin
Dahil dinurog mo ang puso... matapos mo itong kunin.
Ang buhay ko ay tanging ikaw....
At ang buhay ko ngayon ay iyong inagaw
Kaya kong mabuhay ng tanging  ikaw lamang..
Subalit ang pag-ibig mo sa akin ay panandalian lang
Tapat ako sa iyo at biglang lumisan ka
At bigla na lang nalaman na meron kang iba......
Ikaw pala'y di kailanman naging sa akin..
at masakit ang isipin ika''y mahal pa rin
Ang patak ng luha na aking nabatid
Ay puno ng kirot at ito'y iyong hatid
Wag mong kalimutan ang ating kahapon
Dahil ako'y naging tunay..Magpa-mula noon.........
Hosted by www.Geocities.ws

1