~~~Iniwan na Pag-ibig...
Ang aking hiling ay ang
mahalin mo
Ngunit hindi ang ako'y
iwanan mo...
Nahulog na anghel ako para sa iyo...
At impierno ang bagsak dahil di mo sinalo
Nahiwa sa gitna itong puso ko
Nawasak din ang mundo sa paglisan mo
Binuksan ang puso at umibig sa iyo
Kaya ngayon tuloy lumuluha ng ganito
Masakit pala ang napatid sa iyo
Ng minamahal kita ngunit siya ang mo
Ayokong umibig, lumuha't masaktan
Ngunit ang puso ko'y di matuto kailanman
Sakit at hapdi ang natikman ko
Noong nalamang ako'y tanging niloko
Minsan pa mayakap ka...
At mahaplos aking sinta....
Kinuha mo lang ang puso ko
Para tapakan at ibato
Daigdig na kay tamis ng iyong nahagkan
At ng biglang pait ng ako'y iniwanan
Lungkot na lamang ang aking dama
Dahil kinuha mo na ang aking ligaya
Inaamin ko na mahal pa rin kita
Ngunit sakit na danas mo ay ayoko ng madama
Hosted by www.Geocities.ws

1