|
Kahati ng aking puso
ni Chichibabe
Page 1:
Frame 1:
Isang araw, habang nanghihiram si Joyce ng mga libro...
Ms. Abueva (librarian): Joyce, andami naman nitong hihiramin mo. Mabigat ito, iha.
Joyce: Nagre-research po kasi ako, Ms. Abueva. Kaya ko naman po yan.
Frame 2:
Joyce: Aray!
Frame 3:
James: Sorry miss. Hindi ko sinasadya.
Joyce: Bulag ka ba? Hindi ka nag-iingat!
Frame 4:
Joyce: (IIRAP) Hmmp... sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo!
At nagmamadaling umalis ang dalaga.
Page 2:
Frame 1:
Subalit nang makapasok na si Joyce sa dorm...
Joyce (thought balloon): Ano ba ito? Bakit ganoon ang naramdaman ko sa lalaking iyon?
Frame 2:
Litong natulog si Joyce at hindi nakapag-aral.
Ang huling laman ng isip ay ang gwapong binata na nakabangga sa kanya.
Frame 3:
Tatlong araw ang nakalipas,
Dexter (Joyce's brother): Ate Joyce, saan ka pupunta? Walang pasok ngayon ah.
Joyce: May SONA kasi ngayon Dexter. Pupunta ako sa Batasang Pambansa.
Frame 4:
Dexter: Eh ano naman kung SONA?
Joyce: Mangangako na naman ang Pangulo. Kailangang malaman na hindi tayo natutuwa at...
Frame 5:
Dexter: Eh, ate, sino itong drinowing mo ha?
Tahimik si Joyce. Walang maisagot sa nakababatang kapatid.
1
|