LIHIM...
Kapag ika'y agad na nasusulyapan,
damdamin ko ay di maipaliwanag;
"di alam kung ano ang gagawin ,
ng puso kong merong lihim na pagtingin.
Sabi ika'y meron 'ding pagsintang lihim
na napapansin sa iyong gawi't kilos;
Sa tuwing ika'y sa akin nakatitig,
ako'y parang yelong agad natutunaw.
Sana may lakas kang loob na magtapat,,
kung ano ang iyong ibig na iparating;
nang isip ko ay di naguguluhan,
at katanungan ko ay mabigyang linaw.
Ngunit ilang araw na ang lumipas,
ang iyong ngiti at tinging matatamis,
mukhang unti-unti na lang naagnas ,
kagaya ng isang, nalantang bulaklak.
1 2 3 4 5
6
|
|