Ikaw...ang Dahilan
Simula ng ikaw ay biglang umalis,
sa aking puso ay may kung anong inis;
Ngunit minsan ako ay naghihinagpis,
'pagkat makapiling ka ay aking nais.
Ikaw ang nagbigay sa 'kin ng liwanag,
mula sanggol ika'y nandiyan magdamag;
Hanggang sa lumaki akong isang dilag
at may takot sa Panginoong Tanyag.
Ang iyong pag-alis siguro'y pagsubok,
ngunit minsan ako'y may paghihimutok,
at umiiral ang galit na tumitibok,
dito sa puso kong nakikipaghamok.
Sa katotohana'y gusto kong mamulat,
at dalawang mata ay gustong idilat;
Ngunit para sa 'kin ay mukhang mabigat,
siguro'y tanggapin ka ay 'di pa dapat.
Umaasa ako na ika'y bumalik,
sa iyong pagdating ako'y nasasabik;
Ngunit mukhang merong mabigat na tinik,
na siyang dahilan ng aking himagsik.
1 2
3 4 5
6
|
|