Ano Ba?
Isip ko ay litong lito
Hindi alam ang totoo,
kung ano ang nasa puso,
sana'y bigyang linaw ito.
Kung alam mo lamang sana
ang saya na nadarama;
kapag ika'y nakikita
ako'y lihim na natutuwa.
Kay tagal ko nang hinintay,
na ikaw ay magtatapat;
hinggil sayong nadarama,
na tinago mong kay tagal.
Ang panahon ay dumating,
na ika'y may lakas loob
sabihin ang nasa pusong,
tinitibok ay ako lang .
Ngunit ilang araw'ng nagdaan
isip ko'y nagugluhan;
naghahanap ng kasagutan,
Kung kaya bang panindigan?
Ako ba ay isang tanga?
at bigla lang naniwala;
sayong mga sinasabi,
na di alam kung totoo?
1 2 3 4 5
6
|
|