| Florante at Laura ni Francisco Balagtas |
|||
|---|---|---|---|
| |
|
|
|
|
Ano nga ba ang... "Florante at Laura"? Si Francisco Balagtas ay ang sumulat ng Florante at Laura para sa kanyang minamahal na si Selya o Maria Asuncion Rivera.
Nakakulong siya noong sinusulat niya ito nang akusahan siya ng paggupit ng buhok ng kaniyang kasambahay. Ipinagbili ni Baltazar ang
kanilang lupain at nagbayad ng malaking halaga upang makalaya. Dahil dito, naghirap ang kanyang pamilya. Wala siyang nagawa noong siya
ay nakakulong kundi ang mag-isip ng mga alala nila ni Selya noong siya ay malaya pa.Ibayong kaligayahan ang kanyang nadadama, kapag naalala
niya ang masayang suyuan nila sa mga lugar noong sila ay magsing-Irog pa. Sinisisi niya ang sarili kung bakit, hindi pa niya itinanan noon si
Selya. Hindi sana ito nahulog sa kamay ni Nano.Si Selya ay lagi niyang hinahanap at at kaulayaw ang ala-ala sa bawat saglit. Dahil dito, pumintig
sa kanyang isip ang labis na pagkamalikhain at naisip niyang sulatin ang Florante ar Laura. Si Selya ang kanyang inspirasyon at ang kanyang akda ay buong kataimtiman niyang inihandog sa binibini ng kanyang ala-ala. Na bagamat, sala't man sa tamis
ay nagmula naman sa kaibuturan ng kanyang pusong nagmahal ng labis kay Selya.
|
|||