| MINSAN... SA BOAC, MARINDUQUE... By ALFIE LORENZO (ABANTE, December 10, 1992) That was one brief trip we did of Marinduque last Tuesday morning at 6 a.m. The flight was indeed brief, all of 35 minutes by Fokker plane. Hardly did we know that we will enjoy our overnight stay in Boac like the overnight stay we did in Hawaii last June. Nakasakay namin sa plane si Bong Carrion na native ng Boac town proper at makikipamista rin sa Birhen ng Ina ng Biglang Awa. Actually for all Catholics it was the Feast of Immaculate Conception. Pero para sa mga taga Boac, Marinduque 'yun ang petsa nung 1792 nang 'iligtas' ng Ina ng Biglang Awa ang mga taga roon laban sa pagsalakay ng mga Moro. Nasa mapa ng mga turista ang Marinduque dahil sa kanilang Moriones Festival tuwing Holy Week. At sa Marinduque ay tanyag ang kabilang isla na tinatawag nilang Fantasy island. It was Bong Carrion who informed us na ang pamilya ni Mother Lily ay taga-Gasan, Marinduque, the place where the airport is. Napuyat pala ang susundo sa amin sa airport na si Benjie Montenegro the night before dahil inabot ng madaling araw ang rehearsals ng mga dancers niya sa BM Talent Pool. Mabuti na lang at nasa airport ang editorial consultant ng Pacific Monitor (Marinduque newspaper) na si Mr. Noel Magturo and saw to it na may maghahatid sa amin ni Jeffrey Santos sa bahay nina Benjie Montenegro. We also met at the airport Eli Obligacion, organizer of Teatro Balangaw who was hurrying for Manila dahilan sa may sakit ang pamangkin niya na kailangang operahan dahils sa bleeding peptic ulcer nito. Ibinilin kami ni Eli kay Kadying, na nagtatrabaho kay Rep. Carmencita Reyes (na pabalik din ng Maynila ng umagang 'yun because of an important appointment) na siya nang nagmagandang loob na ihatid nga kami kina Benjie. But while at the airport naghanap ng lugaw si Jeffrey for his breakfast. At tamang-tama naman na sa isang maliit na tienda sa tabi ng airport ay may nagtitinda ng arroz caldo na native na manok ang sahog. We had two bowls of lugaw, two hardboiled eggs plus a big hinog na native papaya. Used to the expensiveness of Manila, bumunot kami ng one hundred pesos hoping na kulang pa 'yun sa kinain namin. Muntik nang singilin lang kami ng thirty pesos. Baka nagkakamali kayo, alinlangan pa naming paalala sa tindera. Kinuwenta naman uli, akala siguro eh namamahalan kami. At ang worried pang sagot ng tindera matapos sumahin uli ang kuwentadas niya ay, "Trenta pesos po talaga lahat." Ay, bigla tuloy naming binalak na manirahan na sa Marinduque, no. Pagdating namin sa mansion ni Benjie Montenegro na kabibendisyon lang nu'ng Linggo, sinalubong kami ni Jake Vildosola at ang sabi, eh sinundo raw kami ni Benjie sa airport. 'Yun pala ay nagkasalisi kami sa may plaza komo nga nakasalubong namin ang parada at parehong lumihis ng daan ang mga sasakyan namin! Plakda kaagad si Jeffrey sa kama at binirahan na ng tulog. Kaya tulog kami ng dumating si Benjie at ginising na lang kami para mananghalian at 1 p.m. "Nakagayak na ang mesa ng mahjong", ani Benjie. Pero wala kaming kalaro since nandoon lahat sa general rehearsals for the evening's show. Kaya pagkakain ay sinundan na namin sa eskwelahan ang mga nag-eensayo at kinalimutan na muna ang mahjong! From 2 p.m. ay nakipag-ensayo si Jeffrey Santos sa mga high school students who were to do "MARA UNDUK" na hinango sa word na Marinduque, (walang iniwan sa "Ulo ng Gapo" na naging Olongapo sa pagdapo ng mga kano roon), na may walong tagpo at tatagal nang mahigit sa dalawang oras! Ang mga nagsisiganap dito ay pawang honor students from First Year to Fourth Year high school na miyembro ng Teatro Balangaw of which Eli Obligacion is the organizer, company director, production manager and composer of the haunting lyrics of the song dedicated to the Bicentennial Year of the Biglang Awa, "MARINDUQUE AKIN KA". Jeffrey would interact with the Teatro Balangaw players and would have played the supreme god called "Bathala Meikapal." MARA UNDUK doubled with Benjie Montenegro's Pistahan ng Sayaw at Musika was a four-hour show - 7 p.m. to 11 p.m. at the covered plaza of Boac. Sa rehearsals pa lang ay pinagkaguluhan na ng mga bata at matatanda si Jeffrey. The town photographer had a field day shooting all those who wanted to have their photos taken with Jeffrey. Inulan din ng authograph-seekers ang Jepoy. Then we did the whole town of Boac searching for the low-priced Christmas wreaths, abanikos and bird decors. Jeffrey opted for a sword and Longhino mask used during the Moriones festival. Sa aming kaiikot sa kabayanan ay we finally ended up sa Arevalo optical, video shop and merchandising store. It was nice of Mr. Arevalo to bring us to his brother, Glenn na pitong taon na palang suut-suot ang maskara ni Longhino at ilang beses na rin itong nagpanalo ng best in costume. Ayaw man ni Glenn Arevalo to part with his mask ay ewan ko kung papaanong nakumbinse ni Jeffrey to sell it to him! Pinuntahan namin ang shrine ng Our Lady of Biglang-Awa and that big Christ the King statue overlooking the whole town of Boac and Marinduque itself. The caretakers were kind enough to lead us to the convent para raw makita namin tuloy ang Obispo nila. We had to retreat with our camera when we saw the Bishop playing mahjong with some friends! Napagod marahil si Jeffrey sa kaiikot, pagbalik sa bahay nina Benjie (which was by the way filled with almost 30 male and female dancers plus allthe costumes they had to bring to Marinduque for their 11 dance numbers), ay kain at tulog uli ang Jeffrey. Akala raw ng Benjie hindi magsisimula ng 7 p.m. ang show kaya almost 9 p.m. na when he decided to bring us back to the town plaza. Only to discover na nagsimula na pala ang Mara Unduk at matatapos na halos. Kaya hindi na nakasama si Jeffrey as the supreme god "Bathala Meikapal"! 5 p.m. pa lang pala ay puno na ng tao ang plaza kahit na biglang umulan ng mga oras na 'yun and they were restless sa pagsisimula ng show kaya sinimulan kaagad at exactly 7 p.m. Nakaanim na different dance numbers ang BM Talent Pool nu'ng ipasok si Jeffrey as breaker. Nagsisigawan na kasi ang audience at "Jeffrey" ng Jeffrey kaya pinakanta na ng dalawang beses si Jepoy. Sa second number niya ay lubos na nag-enjoy ang crowd dahil kumuha ng babaeng kakantahan si Jepoy at kuwelang-kuwela ang loveteam nila. 'Yung two other songs ni Jeffrey ay sa ending na sana ilalagay pero humaba na ng masyado ang show at uuwi pa kung saan ang mga manonood kaya the show had to be cut off by Benjie who had to spend a fortune para lang mabigyan ng magandang panoorin ang mga kababayan niya. Imagine, pati mga lights & sounds ay sa Maynila nanggaling! Sa BAHAGHARI BEACH Garden ni Eli Obligacion kami nagparaan ng gabi over the mahjong table. Kahapon ng 7:35 a.m. ay nandito na kami sa Maynila with pleasant memories of our short Marinduque stay. Palagay namin ay babalik kami uli sa pook na 'yun ng friendly people, for one thing, we found a friend in Benjie Montenegro. |