|
...At matakot sa Panginoon, (nang sa gayon)
kayo ay Kanyang tuturuan...
(Qur’an, 2: 282)
Ang Banal na Propeta (s) ng Islam ay nagsabi: “Ang pagsaliksik ng dunong ay
tungkulin ng bawat lalaki at babaeng Muslim.”
[Al-Majlisi Bihar al-Anwar, tomo 1, p.
177]
Ayon sa mga katuruan ng Islam, ang pagsaliksik ng dunong ay isa sa mga
dakilang uri ng pananampalataya na aakay sa tao tungo sa Paraiso. Subalit,
ang layunin ng pagsaliksik ng dunong ay mas mahalaga kaysa dunong mismo. Ang
pagsaliksik ng wastong dunong nang may banal na layunin, para sa kaluguran
ng Panginoon at paglilingkod sa Kanyang mga nilalang, ay aakay sa tao
patungong Paraiso kasama ng mga propeta at santo (awliya). Subalit ang
pagsaliksik ng dunong para sa mga motibong pansarili, makamundo, o pangmundo
ay aakay sa tao tungo sa kamangmangan, mga kasalanan laban sa mga nilalang
ng Panginoon, at sa wakas, sa impiyerno.
Ang Katotohanan ng Dunong
* Sinabi ng Propeta Muhammad (s): “Ang dunong ay hindi (natatamo) sa
pamamagitan ng malawakang pag-aaral. Kundi, ito ay isang liwanag na
ibinabahagi ng Panginoon sa puso ng sinumang nais Niyang patnubayan.”
[Al-Majlisi, Bihar al Anwar, tomo 67, p. 140]
* Ang lahat ng mga sangay ng dunong, anumang uri ng mga ito, ay mahahati sa
dalawang pangkalahatang pangkat: (1) ang mga siyensiya ng kabilang-buhay na
ang tunay na layunin ay pagkamit ng mga matataas na katayuan malapit sa
Panginoon, paglingkod sa mga nilalang ng Panginoon, at pagkamit ng mga
gantimpala sa kabilang-buhay; at (2) ang mga pangmundong siyensiya na ang
tunay na layunin ay pagkamit ng mga pangmundong layunin, kayamanan, katayuan
sa lipunan, at pagbigay-kasiyahan sa mga hangaring pangsarili at makasarili.
Kaya, ang hangad sa pagsaliksik ng dunong ang nagsasagawa nitong maging
pangmundo o pangkabilang-buhay.
* Bawat kaluluwa na patuloy sa pagdalisay sa sarili mula sa mga masasamang
gawi at kasakiman ay makakatamo ng mga pamukaw-siglang maka-anghel. Kaya ang
dunong na makakamit nito ay ang tunay at maka-Diyos na dunong dahil ito ay
gagabay sa kanya sa pagsasagawa ng mga mabuting gawi at aakay sa kanya tungo
sa Panginoon. Ang tunay na dunong na ito ang espiritwal na lampara ng
patnubay na magturo ng tuwid na landas sa kanya at sa tahanan ng Kanyang
kaligayahang lubos.
* Ang kaluluwa na pinamamayanihan ng kasakiman at masasamang gawi ay
nakakatamo ng pamukaw-siglang maka-Satanas na aakay nito sa tambalang
kamangmangan (pagiging mangmang at mangmang sa sariling kamangmangan) at sa
mga nagpapalabong takip na bubulag nito sa mga katotohanan ng banal na
layunin sa paglikha, pinakadiwa ng Panginoon, at buhay sa kabilang mundo.
Kaya, ang anumang dunong na matutunan ay aakay nito sa pagkamit ng mga
pangmundong layunin, pangsariling hangarin, at masasamang gawi, at sa
katapusan ay gagabay sa kanya tungo sa impiyerno.
* Sinabi ng Propeta Muhammad (s): “Sa katotohanan, ang dunong ay binubuo ng
tatlong mga ito: ang ‘matatag na palatandaan’, ang ‘nararapat na tungkulin’
at ang ‘naitatag na pamamaraan’. Ang mga iba ay hindi kailangan.”
[Al Kulayni, al Kafi, tomo 1, “kitab fadl al ‘ilm,”
“bab sifat al ‘ilm wa fadluh,” hadith # 1]
* Ang pananalitang ‘matatag na palatandaan’ ay nagpapahiwatig ng mga
siyensiyang rasyonal, mga wastong doktrina at mga banal na katuruan. Ang
‘nararapat na tungkulin’ ay nagpapahiwatig ng siyensiya ng etika at
pagdadalisay sa sarili. Ang ‘naitatag na pamamaraan’ ay nagpapahiwatig ng
mga siyensiyang may mga aspetong makamundo at may napapaloob na uri ng
pisikal na aktibidades. Minsan, ang pagtamo ng dunong ay nagiging ‘nararapat
na tungkulin’ at sa ibang panahon ay isang ‘naitatag na pamamaraan’.
* Ang mga siyensiya ng medisina, anatomiya, astronomiya, astrolohiya, atbp.,
kapag titingnan ang mga ito bilang mga banal na palatandaan at simbolo, at
ang mga siyensiyang may kinalaman sa kasaysayan at mga sibilisasyon, kapag
titingnan bilang mga paraan sa pagkakamit ng mga aral at babala, ay
mabibilang sa kategorya ng ‘matatag na palatandaan’ sapagkat sa pamamagitan
nila, ang kaalaman hinggil sa Panginoon o muling-pagkabuhay ay matatamo o
mapatunayan.
Ang mga Kabutihan ng Pagsaliksik ng Tunay na Dunong
* Sinabi ng Propeta Muhammad (s): “Sinumang lalakbay sa pagsaliksik ng
dunong ay gagawin ng Panginoong naglalakbay patungong paraiso. At sa
katotohanan, ibubuka ng mga anghel ang kanilang mga pakpak dahilan sa
kagalakan. Sa katotohanan, ang bawat nilalang sa langit at mundo, at maging
ang mga isda sa karagatan, ay humihingi ng kapatawaran para sa kanyang
nananaliksik ng dunong. Ang katangian ng ‘alim (pantas) kung ihambing sa
‘abid (mananampalataya) ay katulad ng katangian ng buwan kung ihambing sa
mga bituin sa gabing bilog ang buwan. Ang mga pantas ay tagapamana ng mga
propeta, dahilan sa ang mga propeta ay hindi umiwan ng kayamanan kundi
dunong. Kaya, sinumang lumahok dito ay makapagkamit ng napakaraming
kapakinabangan.” [Al Kulayni, al Kafi,
tomo 1, “kitab fadl al ‘ilm,” hadith # 1]
Ang mga Moral na Katangian ng Tunay na Dunong
* Ang dunong, kapag tinatamo ito sa pamamagitan ng mga hangaring dalisay, di
maimbot at banal, ay babago sa personalidad ng isang tao at siya ay magiging
isang makalangit na nilalang. Ang taong may dunong na yaon ay magiging
sagisag ng mga katangiang banal, at ang kanyang ugali, mga salita at kilos
ay nagpapahayag ng mga ito.
* Madalas sabihin ng Imam ‘Ali (‘a): ‘O nananaliksik ng dunong! Ang dunong
ay may maraming mga kabutihan. (Kung iyong ipalagay ito bilang isang tao)
ang kanyang ulo ay kababaang-loob, ang kanyang mata ay kalayaan mula sa
inggit, ang kanyang tainga ay pag-unawa, ang kanyang dila ay katapatan, ang
kanyang memorya ay pagsusuri, ang kanyang puso ay magandang layunin, ang
kanyang pag-iisip ay kaalaman (ma‘rifah) sa mga bagay-bagay, ang kanyang
kamay ay pagkahabag, ang kanyang paa ay pagdalaw sa mga marunong, ang
kanyang pasiya ay integridad, ang kanyang karunungan ay kabanalan, ang
kanyang tahanan ay kaligtasan, ang kanyang makapangyarihan ay kapakanan, ang
kanyang sasakyang kabayo ay pagkamatapat, ang kanyang sandata ay kalumayan
ng pagsasalita, ang kanyang espada ay kaluguran (rida), ang kanyang palaso
ay pagpaparaya, ang kanyang hukbo ay pagtatalo sa mga pantas, ang kanyang
kayamanan ay mabuting mga asal, ang kanyang puhunan ay pag-iwas sa mga
kasalanan, ang kanyang baon sa paglalakbay ay kabutihan, ang kanyang inuming
tubig ay kahinahunan, ang kanyang patnubay ay ang banal na patnubay, at ang
kanyang kasama ay pagmamahal sa mga pinili (ng Panginoon).”
[Al Kulayni, al-Kafi, “kitab fadl al-‘ilm,” “bab
al nawadir,” hadith # 3]
* Tinanong ang Propeta ng Allah (s): “Ano ang dunong?” Kanyang sinagot: “Ang
hindi pagkibo.” Siya ay tinanong: “Pagkatapos?” Kanyang sinabi: “Ang
masinsinang pakikinig.” Siya ay tinanong: “Pagkatapos?” Kanyang sinabi: “Ang
pag-alaala.” Siya ay tinanong: “Pagkatapos?” Kanyang sinabi: “Ang
pagsasagawa (ng anumang natutunan).” Siya ay tinanong: “Pagkatapos?” Kanyang
sinabi: “Ang pagpapalaganap.” [Al-Majlisi,
Bihar al-Anwar, tomo 2, p. 28]
* Madalas sabihin ng Imam ‘Ali (‘a): “May tatlong palatandaan ang taong may
dunong: “Dunong, pagtitimpi at kawalang-imik”.
[Ibid, tomo 2, p. 59]
Bawal ang Pagsaliksik ng Dunong para…
Ayon sa mga katuruan ng Pamilya (Ahl al-Bayt) (‘a) ng Propeta (s), bawal ang
pagsaliksik ng dunong para sa mga hangaring makamundo o makasarili.
* Sinabi ng Imam ‘Ali (‘a): “Huwag magsaliksik ng dunong para sa apat na
layuning ito: (1) pagpupuri sa sarili sa harapan ng mga taong may dunong;
(2) pakikipagsabwatan sa mga mangmang; (3) pagparangya sa mga pagtitipon ng
tao; at (4) pagtawag-pansin sa mga tao upang makakamit ng kapangyarihan.”
[Al-Majlisi, Bihar al-Anwar, tomo 2, p.
31]
Ang mga Kailangan sa Pagsaliksik ng Dunong
* Ang taong nangangarap na magsaliksik ng dunong, bilang unang hakbang, ay
nararapat na dumaan ng pagdadalisay na espiritwal, magtanim ng taqwa (takot
sa Panginoon) sa kanyang kaluluwa, iligtas ang sarili sa mga masasamang
hangarin at makamundong motibo, at madalas na tayahin ang sarili nang
masiyasat kung ang dunong niya ay tinamo para sa mga makamundong motibo o
hindi. Dapat ding tandaan na ang takot sa Panginoon ay isang natatanging
katangian ng isang ‘alim (taong may dunong) at sinumang walang takot sa
Panginoon ay hindi mabibilang sa pangkat ng mga may dunong, kahit na gaano
pa ang kanyang naisaulo o kagaling sa pagtalumpati.
* Sa bawat hakbang ng pagsaliksik ng dunong, nararapat na magmuni-muni at
mag-isip nang malalim hinggil sa iyong pangunahing layunin sa pagsaliksik ng
dunong. Tanungin ang sarili: Bakit ako nagsasaliksik ng dunong? Para ba ito
sa pagkamit ng mas magandang katungkulan sa trabaho, pakipagpaligsahan sa
kasama o isang grupo, pagkamit ng gantimpala, titulo, o katayuan sa lipunan?
Kung ikaw ay nasa mataas na antas ng edukasyon, ito ba ay para lamang
pagsulat ng mga aklat at sanaysay at pagbigay ng mga talumpati upang mapuri
bilang lalaki o babaeng may dunong? O di kaya ito ay para sa kaluguran ng
Panginoon at paglilingkod sa Kanyang mga nilalang?
* Ang natamo mong dunong ay dapat na magpatnubay sa iyo na maging mas mabuti,
magsagawa ng taos-pusong mga gawain at mas magmahal at matakot sa Panginoon
habang tumatagal. Ang dunong na hindi mag-akay sa taong gumawa ng mga mabuti
ay hindi tunay na dunong. Ang dunong na natatakda sa mga salita lamang at
wala sa gawa —sa paglilingkod sa mga nilalang ng Panginoon ay ang
pinakamababang antas ng dunong na nawawala paglipas ng panahon.
* Pagmasdan ang kilos habang nagtatamo ng dunong. Nagiging mas mapagkumbaba
ka ba at mapagtimpi tungo sa mga kaibigan at kasamahan? O di kaya ay naging
mas mayabang ka, mapagmalaki at maargumento? Naging mas mahirap ba para sa
iyong tumanggap ng katotohanan at umamin ng kamangmangan sa isang pagtitipon?
Mas lalo ka bang naiinggit sa mga taong mas marunong? Tandaan na ang egoismo
ay napapawi at nabubura ng tunay na dunong at ang palatandaan sa kilos ng
tunay na dunong ay ito: walang-walang egoismo, banidad, pagkamakasarili, at
kayabangan.
* Habang tinatahak ang landas ng dunong, laging magtiwala sa Panginoon,
gumalang sa iyong guro, at huwag mahiyang magtamo ng dunong kahit na sa mas
nakakabata. Suriin at munimunihin ang anumang natutunan. Laging humingi ng
tulong sa Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang banal na habag at handugan ka
ng magagandang mga isipan, at iligtas ka mula sa paggamit ng natamong dunong
para sa mga makamundo at makasariling motibo.
Konklusyon:
* Sinabi ng Imam ‘Ali (‘a): “Ang taong maglalakbay para sa pagsaliksik ng
dunong ay katulad ng taong nakikibaka sa landas ng Allah.” [Al-Majlisi,
Bihar al Anwar, tomo 1, p. 179]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa autentikong Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|

Similar fact sheets on
Islam in different languages can be accessed
here
Download printable
version of this fact sheet:
pdf
---oOo---
Who and Why ?
To help provide quality Islamic knowledge available in as many world
languages as possible to assist in da'wah (peaceful invitation to the
religion of Islam as explained by Prophet Muhammad and his Family)
To encourage those without enough time or inclination for reading books to
explore the various topics in brief.
How ?
One
Follow the instruction above to retrieve and print the fact sheet.
Two
Xerox (photocopy) the two printed sheets onto as many double sided sheets as
are required.
Fold each single sheet (which should now have text on both sides) from the
middle.
Three
Distribute
Where ?
Are you off to a mosque for prayers or lectures? Take some copies and hand
them out or leave them at a convenient point for others to pick them up.
Do you debate with other Muslims and non-Muslims regularly? If so, keep
these Fact Sheets handy.
Do you run a bookstore? Give out some free Fact Sheets to the customer with
each purchase.
Are you traveling abroad? Pack some Fact Sheets in the relevant language
with your luggage. You can always leave some copies in any prayer areas that
you come across, such as those in many airports.
Are you a student? Hand out or leave copies at your
school/college/university prayer room and at Islamic events, or leave some
in study rooms and cafeterias.
Are you involved with da'wah to prison inmates? Use these Fact Sheets
as appropriate.
Can you think of anyone who will benefit from reading these Fact Sheets? If
so, pass them on.
Please think carefully of your audience before passing on any Fact Sheets
and be mindful of the sensibilities of other people when employing any means
listed above.
|