|
... Sumpa sa kaluluwa at sa Kanyang
lumikha nito nang walang-kapintasan, at pagkatapos nagbigay ng inspirasyong
makaunawa ito ng ano ang tama at mali. Sa katotohanan, matagumpay ang siyang
nagdadalisay (ng kanyang sariling kaluluwa).
(Qur’an 91:7-9)
Sinabi ng Imam Ja‘far al Sadiq (‘a): “Nagpadala ang Propeta (s) ng Allah ng
isang pangkat ng hukbo (sa larangan ng digmaan). Sa kanilang (matagumpay na)
pagbalik, kanyang (s) sinabi: ‘Pinagpala yaong nagsagawa ng mas maliit na
jihad at gagawa ng higit na malaking jihad.’ Nang tanungin, ‘Ano ang higit
na malaking jihad?’ sumagot ang Propeta (s): ‘Ang jihad ng sarili (pakikibaka
laban sa sarili)’”.
[Al-Majlisi, Bihar al-Anwar, tomo 19, p. 182,
hadith 31]
Ang kaluluwa ng tao ay tagpuan ng isang labanan
sa pagitan ng dalawang magkalabang lakas. Ang dibinong lakas ay aakit sa
kanya tungo sa mga kalipunang panlangit at sa mga mabubuting gawi. Ang
makasatanas na lakas ay mag-uudyok sa kanya tungo sa mga lupain ng kadiliman
at kahihiyan, at hahalina sa kanya sa mga masasamang gawi. Kapag ang
dibinong hukbo ay magtagumpay, ang tao ay magiging mabuti at maluwalhati,
kasama ng mga propeta, santo at banal. Subalit, kapag ang hukbo ng Satanas
ay magwagi, ang tao ay maging suwail at masama, at mabibilang sa mga
di-naniniwala, mapang-api, makasalanan, at yaong mga isinumpa.
Ano ang pakikibaka laban sa sarili?
Jihad al-nafs ay ang pakikibaka laban sa mga masasamang isipan, hangad at
lakas ng kasakiman, galit at guniguning walang-ampat, at ang paglalagay ng
mga ito sa ilalim ng kapangyarihan ng katwiran at paniniwala sa pagsunod sa
mga kautusan ng Panginoon, at sa wakas, pag-aalis ng lahat ng mga masasamang
isipan at impluwensiya mula sa sariling kaluluwa. Ang pakikibakang ito ay
itinuring na malaking pakikibaka (al-jihad al-akbar) sa dahilang ito ay mas
mahirap kaysa yaong nasa larangan ng digmaan sapagkat sa pakikibaka laban sa
sarili, ang tao ay walang-humpay na nakikilaban sa mga kaaway na namamahay
mismo sa kanyang buhay. Itinuturo ng mga katuruang pangmoral ng Islam na
sinumang magtagumpay sa pakikilabang ito ay maaring pumailanglang higit pa
sa mga anghel, at sinumang hindi magtagumpay dito ay lulusong nang mas hamak
pa kaysa mga hayop, at maaari pang maibilang sa kampon ni Satanas.
Ang mga hakbang sa pakikibaka laban sa sarili
* Hakbang 1: Pagmumuni-muni: Ang bawat isa ay dapat na mag-ukol araw-araw ng
ilang sandaling pagnilay-nilay tungkol sa sariling mga katungkulan sa
Panginoon na Siyang nagpadala sa kanya dito sa mundo, nagbigay ng malusog na
pangangatawan at isipan, at naghandog sa kanya ng dunong at mga kakayahan,
na puro pinagmumulan ng kaligayahan at kagalakan sa kanyang buhay. Nagpadala
rin ang Panginoon ng mga Propeta at Banal na Aklat bilang landas ng patnubay
at kaligtasan. Ang layon ng buhay na ito at mga pakay sa lahat ng mga
grasyang ito ay mas dakila kaysa pagsunod sa mga makamundong kagustuhan at
masasamang hilig na panandalian at pansamantala lamang. Ang kamatayan ay
maaring darating anumang oras. Ang mundong ito ay isang pook para sa
pagsasagawa ng mga mabuti na magdudulot ng kalugurang walang-hanggan at
magdadala sa kanya tungo sa mas mataas na antas ng buhay. Kaya, ang tao ay
nararapat na magmuni-muni tungkol sa kanyang tadhana at kawalang-kaya sa mga
kamay ng lumilipas na oras at panahon. Nararapat siyang magsisi sa Panginoon
para sa pagsayang sa mga mahahalagang taon ng buhay at para sa mga nakaraang
gawain na magdudulot ng kahihiyan sa kanya sa Araw ng Paghuhukom. Kaya
nararapat siyang magsimulang magsumikap na makaangat mula sa kanyang
pagkahamak at humingi ng tulong sa Panginoon na handugan siya ng pag-asa,
katapatan at lakas laban sa mga masasamang hilig at kaugalian, at
mapailanglang sa ibayo ng mga kasiyahang panlupa at makamundong pakinabang.
* Hakbang 2: Kalooban at pagpasiya: Matatag na pagpasiya ang diwa ng
pagkatao at pangunahing kailangan sa pagkamit ng kalayaan mula sa paghahari
ng mga masasamang kagustuhan. Ang kalooban na kinakailangan sa yugtong ito
ay kahalintulad ng pagtatag ng pundasyon ng isang magandang buhay. Ang
mandirigma sa digmaang ito laban sa sarili ay nararapat na linisin niya ang
kanyang sarili mula sa mga kasalanan, magsagawa ng lahat ng mga
obligatoryong (wajib) gawain, magbalak na tumbasan ang mga araw na nasayang
(sa pagkakasala), at sa wakas, magpasiya na kumilos nang matino bilang isang
makatwirang relihiyosong tao at tunay na tao. Ang kanyang mga kilos ay
nararapat na katulad ng pamumuhay ng Propeta (s), at sumunod sa Propeta sa
lahat ng kanyang mga pangingilin at pamimili. Ang lahat nito ay hindi
makakamit maliban kung alamin niya ang mga batas ng Islam (shari‘ah) at
taimtim na sundin ang mga ito.
* Hakbang 3: Pag-uusisa, pagpapahalaga, at panunuri sa sarili: Pagkatapos
sumumpang maging isang taong may malakas na kalooban at pagpapasiya, dapat
niyang unawain na ang kabilang-buhay ang lugar kung saan ang kanyang mga
sekreto ay mabubunyag. Kaya, dapat na araw-araw niyang tantiyahin ang sarili
upang makaiwas sa mga masasamang asal at kagustuhan, makatamo ng mas
marangal na ugali, at makagawa ng mas mabuting mga gawain kaysa sa mga
nakaraan. Dapat niyang maunawaan na ang paggawa ng kasalanan ay nakakaalis
ng maharlikang diwa ng kanyang pagkatao, at dapat siyang humingi ng saklolo
sa Kanya at magdasal para sa pamamagitan (shafa‘ah) ng Propeta (s) at ng
kanyang Sambahayan (Ahl al-Bayt) (‘a).
* Hakbang 4: Pag-aayos sa sarili: Ang pagpasiya at pagpapahalaga sa sarili
sa nakaraang mga hakbang ay dapat na maging tiyak sa mga pangakong pag-aayos
sa sarili. Halimbawa, ang taong may masamang ugali ng malalaswang mga mata,
dilang naninirang-puri, o sariling namamayagpag ay dapat na kanyang sabihin
sa sarili, “Hindi ko lalabagin ang Batas ng Panginoon ngayong araw” at isang
araw na sadyang umiwas sa yaing mga kaugalian. Sa pamamagitan ng pagsubok
nito nang tapat at may pagpapasiya, kanyang maunawaan kung gaano kadali ito.
Hindi niya dapat pansinin ang Satanas at masasamang isipan na ang maliit na
gawaing ito ay napakahirap at maaring imposible pa. Kaya, maari niyang
unti-unting ipagpatuloy ang pagsubok nito at tingnan kung gaano kadaling
iwasan ang isang masamang ugali o magtamo ng isang mabuting katangian.
* Hakbang 5: Pag-iingat laban sa masama: Ang taong nakikibaka laban sa
kanyang sarili ay dapat na laging isaalang-alang ang kanyang mga layunin.
Bawat oras na may hangad siyang labagin ang mga kautusan ng Panginoon, dapat
niyang malaman na ito ay kinikintal sa kanyang isipan ng Satanas at ng
kanyang mga kampon, na sumasansala sa kanyang magagandang pasiya. Dapat
niyang isumpa sila, humingi ng mahabaging kalinga ng Panginoon, at iwaksi
ang mga masasamang panimdim mula sa kanyang puso. Dapat niyang sagutin ang
Satanas na ngayong araw dapat siyang manatiling tapat sa kondisyong kanyang
ipinilit sa kanyang sarili na hindi lalabag sa mga kautusan ng Panginoon.
Kaya, sa tulong ng Panginoon, ang Satanas ay maipapalayas. Dapat manatili
ang tao sa ganitong pag-iisip hanggang gabi—ang oras para sa pag-uusisa sa
sarili at pagpapahalaga sa kanyang mga gawain buong araw. Ito ang oras para
alamin kung naging tapat siya sa kanyang Panginoon. Kung naging matapat siya
sa Panginoon, dapat niyang pasalamatan Siya. Ang taong ganoon ay nakagawa ng
isang hakbang patungo sa Kanya at naging tampulan ng Kanyang pansin. Kaya
patuloy na tutulungan siya ng Panginoon sa pagtutupad ng kanyang mga
pangmundo at pangrelihiyong tungkulin, at babawasan ang mga kahirapan ng
kanyang pakikibaka sa sumunod na araw. At kapag gagawin niya ito nang
maraming beses, makasanayan niyang gumawa ng mga kabutihan at umiwas sa mga
masasagwang kaugalian. Kanyang mapupuna na hindi nangangailangan ito ng
napakamaring pagsisikap, at ang pagsusunod sa Panginoon ay magbibigay sa
kanya ng maraming kalugurang espiritwal. Kung mayroon man siyang mga
pagkukulang, dapat siyang humingi ng kapatawaran sa Panginoon at taimtim na
ipagdasal sa Kanyang maging mas maingat sa susunod. Bubuksan ng Mahabaging
Panginoon ang pintuan ng kayang pagpapala at pagkahabag, at papatnubayan
siya sa tuwid na landas.
* Hakbang 6: Pag-aalala: Sa buong larangan ng pakikibaka laban sa sarili,
dapat na madalas alalahanin ang Panginoon at ang mga biyayang kanyang
ipinagkaloob. Sa bawat hakbang dapat na laging pasalamatan ang Pangioon sa
Kanyang tulong, biyaya at patnubay sa pagtutupad ng iyong mga hangarin. Ang
antas ng pasasalamat sa Panginoon ay nararapat na tataas habang ikaw ay nasa
mas mataas na yugto na pakikibaka laban sa sarili. Dapat maunawaan na ang
tulong ng Panginoon at pagtanggap sa iyong taimtim na mga dasal ang dahilan
kung bakit nakaya mong itaboy si Satanas at kanyang mga alagad mula sa iyong
puso, at makakamit ng mga maringal na katangiang magugustuhan ng Panginoon.
[mula sa Al-Khumayni, Forty Hadith, kabanata 1,
‘Jihad al- Nafs’]
Mga payo hinggil sa pakikibaka laban sa sarili
* Natural sa taong magpasalamat sa sinumang mapagmahal. Munimunihin at
ipalagay ang mga nakikita at di-nakikitang biyayang ipinagkaloob ng Poong
Maykapal. Ang lahat ng mga nilalang ng Panginoon ay hindi makapagkaloob ng
kahit isang kusing lang man sa mga biyayang ito.
* Pagmasdan mo ang hanging ating hinihinga araw at gabi, at kung saan
nakasalalay ang ating buhay at ng ibang mga nilalang. Walang sinumang
mabubuhay kapag walang hangin ng ilang mga minuto. Anong kahanga-hangang
biyaya ng Panginoon ito! Kung ang lahat ng mga tao sa mundo ay magtulungang
lumikha ng biyayang ito, hindi sila magtatagumpay. Magmuni-muni rin hinggil
sa ibang mga biyaya ng Panginoon tulad ng mga sintidong panlabas (paningin,
pangamoy, panlasa, pandinig, at pandamdam) at mga lihim na kakayahan tulad
ng pag-iisip, guniguni at pagpasiya na ang bawat isa nito ay nagtataglay ng
walang-hangganang mga pakinabang and ipinagkaloob sa atin ng ating Panginoon.
Siya ang Lumikha at Hari ng malawak ng sandaigdigan. Ang tao na isang
nilalang na gumagapang sa isa sa mga pinakamaliit na planeta ay
kahabag-habag na hindi nauunawaan ang lawak ng kanyang maliit na mundo na
ang araw nito ay hindi mahahalintulad sa mga napakalaking araw ng
napakaraming mga galaksiya. Ang ating sistemang solar ay walang halaga kung
ihambing sa ibang mga sistemang solar na patuloy na imiiwas sa malalakas na
mga teleskopyo ng mga magiting na tagalugad at mananaliksik. Pagmasdan mo
ang utak ng tao—anong kabigha-bighaning nilalang ito! Ang pinagsama-samang
pagsisikap ba ng lahat ng mga tao ay makakagawa ng isa man lang buhay na
neuron (selula ng utak) na nilikha at nililikha ng Poong Maykapal bawat oras?!
Tiyak na ang handog ng Panginoon na utak na ito ay nararapat na luklukan ng
mga magagandang pag-iisip at hindi ng mga masasamang isipan!
* Ang lahat ng mga nilalang sa sandaigdigang ito ay Kanyang nakikita, kaya
alalahanin ang Panginoon at ang Kanyang mga biyaya, at huwag Siyang suwayin.
Inihahandog ang ating mga pangangailangan nang walang pangangailangan sa
ating pagsamba. Kung sumusunod ka man sa Kanyang mga kautusan o hindi ay
walang pagkakaiba sa Kanya. Para sa ating kabutihan kung bakit ipinag-uutos
Niya ang mabuti at ipinagbabawal ang masama. Daigin mong ang mga masasamang
isipan and gawain mo ang mga kalipunan ng iyong isip bilang banal na
kaharian sa pamamagitan ng pagtaboy sa mga masasamang kampon at anyayahan
ang mga sagradong alagad nang sa gayon maaring tulungan at iligtas ka ng
Panginoon mula sa mga panganib na iyong makakaharap sa digmaang ito. Huwag
umasa kanino man kundi sa Panginoon. Taimtim at taos-pusong magdasal sa
Panginoon at humingin ng saklolo upang magwagi sa matinding labanang ito
laban sa sarili.
Kongklusyon:
* Sinabi ng Imam ‘Ali (‘a): “Sinumang makikibaka laban sa kanyang sarili
upang sumunod sa Panginoon, ang kanyang katayuan sa paningin ng Paninoon ay
tulad ng isang piyadosong martir.”
[Al-Amidi, Ghurar ul Hikam wa Durar ul Kalim,
hadith # 3546]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa autentikong Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|

Similar fact sheets on
Islam in different languages can be accessed
here
Download printable
version of this fact sheet:
PDF
---oOo---
Who and Why ?
To help provide quality Islamic knowledge available in as many world
languages as possible to assist in da'wah (peaceful invitation to the
religion of Islam as explained by Prophet Muhammad and his Family)
To encourage those without enough time or inclination for reading books to
explore the various topics in brief.
How ?
One
Follow the instruction above to retrieve and print the fact sheet.
Two
Xerox (photocopy) the two printed sheets onto as many double sided sheets as
are required.
Fold each single sheet (which should now have text on both sides) from the
middle.
Three
Distribute
Where ?
Are you off to a mosque for prayers or lectures? Take some copies and hand
them out or leave them at a convenient point for others to pick them up.
Do you debate with other Muslims and non-Muslims regularly? If so, keep
these Fact Sheets handy.
Do you run a bookstore? Give out some free Fact Sheets to the customer with
each purchase.
Are you traveling abroad? Pack some Fact Sheets in the relevant language
with your luggage. You can always leave some copies in any prayer areas that
you come across, such as those in many airports.
Are you a student? Hand out or leave copies at your
school/college/university prayer room and at Islamic events, or leave some
in study rooms and cafeterias.
Are you involved with da'wah to prison inmates? Use these Fact Sheets
as appropriate.
Can you think of anyone who will benefit from reading these Fact Sheets? If
so, pass them on.
Please think carefully of your audience before passing on any Fact Sheets
and be mindful of the sensibilities of other people when employing any means
listed above.
|