|
"At sabihan mo ang mga
lalaking nananampalatayang ibaba ang kanilang paningin at maging mabini… At
sabihan mo ang mga babaeng nananampalatayang ibaba ang kanilang paningin at
maging mabini, at itanghal lamang yaong hayag nilang adorno…"
(Qur'an: Kabanata 24,
Bersikulo 30-31)
Hindi ipinagbabawal ng Islam sa mga kalalakihan at kababaihan ang
makipag-ugnayan, bagama't pinagbibilinan silang sumunod sa isang alituntunin
ng kaasalan na makikilala sa tinatawag na kabinihan nang sa gayon, maaring
makitungo ang bawat isa nang may ganap at nararapat na pamimitagan. Ang
mabining asal Islamiko ay binubuo ng kabanalan at pamimitagan sa bawat isa,
at ng isang pamantayan ng pananamit na madalas nakikilala sa pamamagitan ng
mga bandana sa ulong isinusuot ng mga kababaihang Muslim.
Ibaba ang inyong paningin para rin sa inyong kabutihang espiritwal
Ang pilosopiya ng karaniwang tinatawag na hijab - mabining pananamit
Islamiko - ay nagmumula sa konsepto ng pagbantay sa sariling mga damdamin
mula sa anumang nagpapabawas ng kawalang-sala. Sinabi ng Imam 'Ali, ang
pinsan at manugang na lalaki ng Propeta ng Islam (sumakanya at kanyang
pamilya nawa ang kapayapaan), "Ang mata ang espiya ng mga puso at ang
mensahero ng dunong; kaya ibaba ang inyong paningin mula sa anumang bagay na
hindi nararapat sa inyong paniniwala..." Lantern of the Path
Sa mundong moderno, ang ating mga pandamdam ay binubomba mula sa lahat ng
direksyon ng napakaraming mga tanawin, tunog at ingay, at amoy. Itinuturo ng
Islam sa ating pigilin ang anumang naabot ng ating mga pandamdam dahilan sa
ang ating mga karanasan ay nakakaapekto sa atin sa labas at maging sa
espiritwal. Ang amoy ng isang pabango ay maaring magbigay-alaala sa isang
matagal nang karanasan ng lola ng isang tao; ang ingay ng mga paputok ay
maaring makagulat at mapagkamalang hudyat ng isang digmaan; ang pagkita ng
isang magandang babaeng may mapang-akit na damit ay maaring magdudulot ng
hindi nararapat na damdaming sekswal.
Kapag ang ating mga pandamdam ay makasaksi ng imoralidad, krimen o kahalayan,
bagama't hindi tayo sangkot, nababawasan ang antas ng ating kawalang-sala.
Lahat tayo'y may mga alaalang pagkabata ng sandaling naranasan nating mawala
sa atin ang kawalang-sala. Ang bagay na dating nakapanghihilakbot o
natatangi ay nagiging ordinaryo lamang.
Sa Islam, hindi para sa mga magulang lamang ang maingat na pagbantay sa
kanilang mga anak, bagama't nararapat din para sa mga may wastong-gulang na
bantayan ang kanilang mga sarili. Ang pagpapabaya hinggil dito ay maaring
mauwi sa karamdamang espiritwal.
Kaya, ang mas malawakang pilosopiya sa hijab ay may kinalaman sa
pagpapanatili sa dignidad at kawagasan, at ito'y natutungod sa lahat ng mga
aspeto ng buhay. Iwasan natin ang ating mga sarili mula sa malaswang
pagtingin sa kasalungat na kasarian, at magbihis tayo ng wasto upang ang
iba'y magalang na makipag-unayan sa atin.
Ang wastong pagsagawa ng hijab
Tinalakay ng Qur'an ang mabining pananamit Islamiko ng ganito:
"At sabihan mo ang mga lalaking nananampalatayang ibaba ang kanilang
paningin at maging mabini. Ito'y mas dalisay para sa kanila. Batid ng Allah
ang kanilang ginagawa. At sabihan mo ang mga babaeng nananampalatayang ibaba
ang kanilang paningin at maging mabini, at itanghal lamang yaong hayag
nilang adorno, at ilagay din ang kanilang mga bandana sa kanilang mga dibdib,
at huwag itanghal ang kanilang mga adorno maliban sa [sa mga malalapit na
kamag-anak ayon sa paliwanag ng Qur'an]..." [Kabanata
24, Bersikulo 30-31]
Ang layunin ng kabinihang ito'y pagpapanatili ng dignidad ng kapwa mga
lalaki at babae nang sila'y nakikipag-ugnayan.
Una, ang mga kalalakihan ay inuutusang manguna sa paggalang sa mga
kababaihan. Hindi sila nararapat na magsagawa o magbigay-pahintulot sa
anumang aktibidad na makakababa sa didgnidad ng babae. Pinag-uutusan din
silang ibaba ang kanilang tingin nang buong kababaang-loob at sundin ang
kabuuang pilosopiya ng kabinihan ng puso at pananamit. Dapat silang magbihis
nang tumpak at umiwas sa mga gawain at lugar kung saan masasaksihan nila ang
mga bagay na hindi nararapat.
Ang hijab ay hindi nagbabawal sa mga kalalakihan at kababaihang
makipag-ugnayan sa bawat isa hinggil sa pag-aaral, trabaho, pagsasagawa ng
mga mabuting gawain, at iba pa. Sa halip, kapag ang hijab ay sinusunod ng
bawat isa, ang mga pakiki-ugnayang ito ay maisasagawa nang may matapat na
layunin at walang anumang masagwa.
Nararapat na igalang ng mga kababaihan ang kanilang mga sarili bilang mga
taong may dignidad at makipag-ugnayan sa mga kalalakihan nang matapat. Hindi
nararapat nilang baguhin ang kanilang mga kilos sa harap ng mga lalaki upang
maging mapang-akit at dahil dito, sila'y maltratuhin.
Kapag sila'y nakikipagsalamuha sa mga lalaking hindi malapit na kamag-anak,
ang mga kababaihan ay mabining magbihis upang ang kanilang adorno (kagandahan)
ay matakpan. Ang mga pantas na Muslim ay nagsasabi nang buong pagkakaisa na
ang babae ay dapat na kainamang magtakip maliban sa kanyang mga kamay at
mukha. Sinusunod ng mga kababaihang Muslim ito sa pamamagitan ng pagsuot ng
maluwang na damit at maglagay ng bandana sa kanyang ulo.
Ang mga kinakailangan para sa mabining pananamit ay magkaiba sa bawat
kasarian dahilan sa mga pangunahing katangiang biyolohiya at panagmumulan ng
pang-akit. Mapupuna ang mga katangiang ito sa lipunang Kanluran kung saan
mas kaunti ang mga kababaihang nagbabasa ng mga malalaswang babasahin at
pumupunta sa mga lugar ng prostitusyon kung iparis sa mga kalalakihang
nagsasagawa ng mga ito.
Salungat sa ibang mga pananaw, ang hijab ay hindi simbolo ng kababaan ng uri
ng babae o di kaya'y ipinagpilit sa kanya ng salungat na kasarian. Sa
paningin ng Panginoon, ang mga babae at lalaki ay nagkakaiba lamang sa
kabanalan ng bawat isa. Kapag sinusunod ang mabining pananamit sa harapan ng
bawat isa, sila ay natatangi sa bawat isa sa pamamagitan ng di-pisikal na
mga katangian tulad ng dunong at integridad.
Ang mabining pananamit Islamiko ay hindi hadlang sa pakikipagsalamuha para
sa mga kababaihan sa pamamagitan ng pagkait sa kanila ng malaya at
kinakailangang kilos, pagpapahayag ng opinion, edukasyon, ingat
pangkalusugan, at ibang karapatang pangtao. Sa halip, ang hijab ay
tumutulong sa pagtatayo ng isang mabuting lipunan at sa pagbabawas sa dami
ng mga krimen tulad ng panggagahasa at molestasyon dahil ang isang posibleng
estimulo para sa naturang mga krimen ay mawawala kapag ang hijab ay wastong
sinusunod. Ang pagsusunod sa hijab ay bahagi ng isang malawakang sistema sa
Islam na kung isagawa nang wasto ay magpapanatili sa didgnidad ng mga
kalalakihan, kababaihan, at lipunan sa kabuuan.
Ano talaga ang tingin ng mga kababaihang Muslim sa hijab?
"Madarama ko ang karagadang paggalang sa akin. Mas seryosong
nakikipag-ugnayan ang mga tao sa akin, at nadarama kong ako'y ligtas at
nakatitiyak kapag ako'y nasa labas." Gng. Dra. N.Z. Vakil, M.D.
"Sa kasalukuyang modernong lipunan, ang babae ay tinuturing na isa lamang
sekswal na bagay para sa kalalakihan. Bakit dapat ilantad ng tao ang kanyang
kagandahan para lamang pagpyestahan ng mga malalaswang mata? Ang hijab ay
nangangalaga sa karangalan ng babae at hindi nakakapukaw ng di-nararapat na
kahalingan ng kasalungat na kasarian. Nadarama ko na kung ang buong
kababaihan ay sumunod sa mga alituntuning Islamiko sa pananamit, magiging
bale wala ang proporsyon ng panunudyo, pambabastos, panggagahasa, atbp. Ang
pagsusuot ng hijab ay nagbibigay sa akin ng karagdagang tiwala sa aking
sarili bilang isang babae at ito'y hindi nakakahadlang sa aking propesyon sa
anumang paraan." Gng. Salva I Rasool, Desenyador Grapiko
"Ako'y isang balik-Islam kaya maikompara ko ang mga karanasan sa buhay ng
wala at mayroong mabining pananamit Islamiko. Batid na batid ko ang pananaw
sa lipunang Kanluran na ang hijab ay mapangsupil at hadlang sa kalayaan ng
babae. Ang aking karanasan sa hijab at pag-aaral sa Islam ay nagbigay sa
akin ng pag-unawa na hindi ganoon. Minsan ang mga hindi Muslim ay maaring
mapatingin, subalit sa hijab ako'y laging ginagalang. Hindi ako
nagkaproblemang makakuha ng o manatili sa trabaho. Hindi na ako nakakaranas
ng di-nararapat na mga kilos o masasagwang salita mula sa kalalakihan. At
nararamdaman kong ako'y mas may karangalan kaysa kapag ako'y walang hijab.
Natuklasan ko ngayon na maari akong matanggap at makipagsalamuha sa iba
bilang ang aking tunay na sarili kapag hindi ang aking anyo ang namamahalang
salik. Maging sa mga masasamang kapitbahay, ang mga lalaking kadalasang
bastos ay hindi pumapansin sa akin. Ang kabuuang konsepto sa pananamit
Islamiko ng pagpapanatili ng karapat-dapat na galang at ang aking karanasan
na ito ay talagang nagbibigay ng karagdagang magalang na pakikipag-ugnayan
ay lumilikha ng karagdagang diwa ng kaligtasan kapag ako'y nasa labas. Dahil
sa pagtuklas sa mga naibibigay ng hijab sa akin, hindi ako babalik sa dating
pamumuhay na wala ito. Lumalabas ako bilang isang kilalang babaeng Muslim -
isang paalaala sa akin at sa lahat ng nakakakita sa akin na ako'y nagsisikap
mamuhay nang maayos at malinis. Ako'y sumisikap na sumunod sa Panginoon sa
lahat ng bagay. Ito ang alam ng mga tao para sa mga madre kapag nakikita
sila, at ganito rin ang pagkakaalam nila sa akin. Bagam't hindi nila
maunawaan ang aking mga dahilan sa uri ng pananamit na di-karaniwan dito sa
Estados Unidos, hinahangaan nila ang sinumang hindi natatakot mamuhay ayon
sa kanyang mga prinsipyo." Gng. Diana Beatty, Guro
"Naramdaman kong gusto kong sumuot ng hijab. Sa katotohanan, "gusto" ay
hindi ang tamang salita, dahil ito'y hindi ganap na positibo. Mahal ko ito.
Unang karanasan sa aking buhay bilang isang babaeng Amerikano na maramdaman
kong ang aking katawan sa wakas ay sariling akin. Tila ba naramdaman kong
napasaakin sa wakas ang bagay akin lamang mailarawan, dahilan sa kawalan ng
mas mabuting parirala, bilang karangalan ng aking sariling pag-iisang
pangkatawan. Natuklasan kong ako'y mabuting pinakikitunguhan, mas ginagalang,
at napansin ko ang tahasang kaugalian ng mga kalalakihan, lalung-lalo na
yaong mga kabataan, na ako'y pabayaang mag-isa at layuan. Ito'y matinding
naganap sa paraang aking natuklasan na ako'y hindi na sinusundan ng mga mata
ng kalalakihan. Ang hijab ay nagbigay sa akin ng mensahe, hindi lamang
matinding, "hindi maari," bagama't sa tingin ko ito'y bahagi nito subalit
mas higit pa rito…" Isang Amerikanang hindi Muslim na kalahok sa Scarves
for Solidarity Campaign pagkaraan ng ika- 11 ng Setyembre, sipi mula sa
isang liham sa San Francisco Chronicle, Mayo 9, 2002.
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|

Similar fact sheets on
Islam in different languages can be accessed
here
Download printable
version of this fact sheet:
pdf |