Shajaratun Muntazirah

(Awaiting Tree)

 

About the Tree

 

Why 'Awaiting'?

 

Issues and Concerns

 

Garden of Knowledge

 

Links

 

Guestbook

 

Bakit Dapat na Sumunod sa Pamilya ng Propeta (s)?

 

 

 

Sa katotohanan, nais lamang ng Allah na ilayo kayo sa anumang kasagwaan,

O Sambahayan (Ahl al-Bayt) at dalisayin kayo nang lubusan

[Bersikulo ng Pagdalisay mula sa Qur’an 33:33]

 

Ang Propeta Muhammad (s) ay tinanong ng kanyang mga Kasamahan:

“Paano kami hihingi ng bendisyon para sa iyo?” … Kanyang sinabi:

“Sabihin: ‘O Allah! Pagpalain Mo nawa si Muhammad at ang Pamilya ni Muhammad, tulad ng Iyong pagpala kay Abraham at sa Pamilya ni Abraham, dahil Ikaw ang Kapuri-puri, ang Maluwalhati’.”

[Sahih al-Bukhari, tomo 4, aklat 55, bilang 589]

 

Ang mga Shi‘ah ay naniniwala na ang dalawang pamana ng Propeta Muhammad (s) ay ang Qur’an at Ahl al-Bayt (partikular na mga kasapi ng kanyang pamilya).  Ang Ahl al-Bayt ang batayan ng autentikong Sunnah ng Propeta (s). Sa pamamagitan lamang ng pagtamo ng mga katuruan mula sa dalawang mga batayang ito na ang Muslim ay makakaasang magkamit ng tunay na patnubay.

 

Ang Pamana ng Propeta Muhammad

 

“Aking sasagutin ang panawagan (ng kamatayan). Sa katotohanan, may dalawang mahahalagang bagay (thaqalayn) akong iiwan sa inyo: ang Aklat ng Allah at ang aking Ahl al­Bayt. Sa katotohanan, ang dalawang ito’y hindi maghihiwalay hanggang sa ako’y kanilang matatagpuan sa tabi ng Lawa.”

 

Ang autentikong hadith na ito mula sa Propeta Muhammad (s) ay isinalaysay ng mahigit 30 sa kanyang mga Kasamahan at itinala ng maraming mga pantas na Sunni. Ilan sa mga tanyag na pinagmumulan ng hadith na ito ay ang mga sumusunod:

q    al­Hakim al­Nayshaburi, al­Mustadrak `ala al-Sahihayn (Beirut), tomo 3, pp. 109-110, 148, 533). Kanyang malinaw na sinabing ang hadith na ito’y sahih sang-ayon sa mga batayan ni al­Bukhari at Muslim; sinang-ayunan ni al­Dhahabi ang kanyang hatol.

q    Muslim, al-Sahih, (Traduksyong Ingles), aklat 031, bilang 5920-3

q    al­Tirmidhi, al-Sahih, tomo 5, pp. 621-2, bilang 3786, 3788; tomo 2, p. 219

q    al-Nasa’i, Khasa'is ‘Ali ibn Abi Talib, hadith bilang 79

q    Ahmad ibn Hanbal, al-Musnad, tomo 2, pp. 14, 17, 26; tomo 3, pp. 26, 59; tomo 4, p. 371; tomo 5, pp. 181-2, 189-190

q    Ibn al­‘Athir, Jami` al­usul, tomo 1, p. 277

q    Ibn Kathir, al­Bidayah wa al­nihayah, tomo 5, p. 209. Kanyang sinipi ang kasabihan ni al-Dhahabi at ipinahayag na ang hadith na ito ay sahih.

q    Ibn Kathir, Tafsir al-Qur’an al-‘Azim, tomo 6, p. 199

q    Nasir al-Din al-Albani, Silsilat al-Ahadith al-Sahiha (Kuwait: al-Dar al-Salafiyya), tomo 4, pp. 355-8. Maraming mga tanikala ng mananalaysay ang kanyang itinala na itinuturing niyang kapanipaniwala.

Para sa hadith na ito, marami pang mga batayan na hindi posibleng itala rito.

 

Hindi ba sinabi ng Propeta (s), “Iiwan ko sa inyo ang Aklat ng Allah at ang aking Sunnah”?

 

Ito ay isang popular na maling palagay. Ang katotohanan ay walang matibay na batayan para sa pangungusap na ito na ipinapalagay na mula sa Panghimakas na Sermon ng Propeta (s). Ito’y ganapang hindi matatagpuan sa anim na mga aklat ‘Sihah’! Ang bersyon ni Malik sa kanyang Muwatta’, Ibn Hisham sa Sirat Rasul Allah, at mula sa kanya sa Tarikh ni al-Tabari ay puro may kakulangan sa mga tanikala ng mananalaysay na may maraming mga kawing nawawala! Ang ibang mga bersyon na may ganap na tanikala ng mananalaysay (isnad) – na masyadong kaunti – ay naglalaman ng mga mananalaysay nang walang-tutol na itinuturing hindi mapagkatiwalaan ng mga pangunahing pantas na Sunni sa rijal.  Ang mga kapansin-pansing katotohanang ito ay maaring mapatunayan ng mga interesado sa pananaliksik sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga may-kaugnayang aklat.

 

Malinaw na walang nagsasabi na ang Sunnah ng Propeta (s) ay hindi nararapat na sundin.  Gaya ng ating sinabi, nais ng Propetang (s) sumangguni ang mga Muslim sa kanyang Ahl al-Bayt bilang mapagkatiwalaan, puro at walang-salang batayan para sa kanyang Sunnah.

 

Ano ang natatangi sa Pamilya ng Propeta (s)?

 

Nang ang bersikulong "(O Muhammad) Sabihin mo, ‘Wala akong hinihinging anumang gantimpala para dito (pagpahayag ng mensahe ng Allah) kundi ang pagmamahal sa mga malalapit (kong) kamag-anak’” (42:23) ay ipinahayag, itinanong ng mga Muslim sa Propeta: “Sinu-sino itong iyong mga malalapit na kamag-anak na obligatoryo ang pagmamahal sa kanila?” Kanyang isinagot, “Si ‘Ali, Fatimah, at ang kanilang dalawang anak na lalaki.”

q       al­Hakim al­Nayshaburi, al­Mustadrak `ala al-Sahihayn, tomo 2, p. 444

q       al-Qastallani, Irshad al-Sari Sharh Sahih al-Bukhari, tomo 7, p. 331

q       al-Suyuti, al-Durr al-Manthur, tomo 6, pp. 6-7

q       al-Alusi al-Baghdadi, Ruh al-Ma’ani, tomo 25, pp. 31-2

 

Ang katapatan at kabutihan ng mga Ahl al-Bayt ay lalong pinatunayan ng Qur’an sa panahon ng pagtatalo sa pagitan ng Propeta (s) at mga Kristiano ng Najran. Nang ang bersikulong ito’y ipinahayag, “Ngunit sinuman ang makipagtalo sa iyo hinggil dito pagkatapos ng pagpahayag ng kaalaman sa iyo, sabihin mo sa kanila: ‘Halikayo at ating tawagin ang inyong mga anak na lalaki at aming mga anak na lalaki, ang inyong mga kababaihan at aming mga kababaihan, ang mga malapit sa inyo at mga malapit sa amin, at pagkatapos tayo ay taimtim na magdasal at ating ipanalanging isumpa ng Allah ang mga sinungaling’” (3:61), tinawag ng Propeta (s) sina ‘Ali, Fatimah, al-Hasan at al-Husayn at kanyang sinabi: ‘O Allah, sila ang aking Pamilya (Ahli)’.

q    Muslim, al-Sahih, (Traduksyong Ingles), aklat 031, bilang 5915

q    al­Hakim al­Nayshaburi, al­Mustadrak `ala al-Sahihayn, tomo 3, p. 150. Kanyang isinaad na ito’y sahih ayon sa mga batayan ni al-Bukhari at Muslim

q    Ibn Hajar al-‘Asqalani, Fath al-Bari Sharh Sahih al-Bukhari, tomo 7, p. 60

q    al-Tirmidhi, al-Sahih, kitab al-manaqib, tomo 5, p. 596

q    Ahmad b. Hanbal, al-Musnad, tomo 1, p. 185

q    al-Suyuti, History of Khalifas Who Took The Right Way (London, 1995), p. 176

 

Hindi ba sapat na igalang lang ang Ahl al-Bayt?

 

Sapat lang bang igalang ang Qur’an? Sa katiyakan, ang mga Muslim ay walang ibang alternatibo kundi ang sumunod nito bilang pinanggagalingan ng banal na patnubay sa lahat ng mga bagay. Ang Propeta Muhammad (s) ay nag-iwan ng dalawang mga bagay bilang pamana sa mga Muslim, at siya’y nangakong ang mga ito’y hinding-hindi maghihiwalay hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Sa pamamagitan ng pagparis ng Ahl al-Bayt sa Qur’an, ang Propeta (s) ay nagsasabi sa ating hindi lamang igalang ang mga ito, kundi alamin ang kanilang mga paliwanag hinggil sa doktrina ng Islam, mga gawi, hadith, at tafsir

 

“Pagmasdan! Ang aking Ahl al-Bayt ay kahalintulad ng Arka ni Noah. Sinumang lululan dito ay ligtas, at sinumang tatalikod dito ay malipol.”

q    al­Hakim al­Nayshaburi, al­Mustadrak `ala al-Sahihayn, tomo 3, p. 151 at tomo 2, p. 343. Kanyang isinaad na ito’y sahih ayon sa mga batayan ni Muslim

q    al-Suyuti, al-Durr al-Manthur, tomo 1, pp. 71-72

q    Ibn Hajar al-Makki, al-Sawa’iq al-Muhriqa, p. 140. Kanyang isinaad na ang tradisyong ito ay nagmula sa maraming mga tanikala ng mananalaysay na nagpatibay sa bawat isa

 

Sinu-sino ang mga nabibilang sa Ahl al-Bayt?

 

Ating ipinakita na ang Pamilya ng Propeta (s) – na pinapaghalinihinan ding tinutukoy bilang Ahl al-Bayt, ‘Itrah at Aal – ay kabilang ang kanyang babaeng anak na si Fatimah al-Zahra’, ang asawa nitong si Imam ‘Ali, at ang kanilang mga anak na Imam al-Hasan at al-Husayn (‘a). Ang limang mga miyembro ng Pamilyang ito, ang Propeta Muhammad (s) bilang pinuno, ay ang mga buhay sa panahon nang ang mga bersikulong Qur’an hinggil sa kanilang katangian ay ipinahiwatig sa Propeta (s). Subalit, siyam pang mga Imam mula sa angkan ni Imam al-Husayn (‘a) ay kabilang sa hinirang na Pamilyang ito, na ang pinakahuli nito ay ang Imam al-Mahdi (‘a). Sinabi ng Propeta (s):

 

q    “Ako, si ‘Ali, al-Hasan, al-Husayn at anim sa mga angkan ni al-Husayn ay ang mga dalisay at walang-sala.” [al-Juwayni, Fara'id al-Simtayn, (Beirut, 1978), p. 160. Ating punain na ang kabantugan ni al-Juwayni bilang isang pantas sa hadith ay pinatunayan ni al-Dhahabi sa Tadhkirat al-Huffaz, tomo 4, p. 298, at ni Ibn Hajar al-‘Asqalani rin sa al-Durar al-Kaminah, tomo 1, p. 67]

q    “Ako ang hepe ng mga Propeta at si ‘Ali ibn Abi Talib ang hepe ng mga kahalili, at ang aking mga kahalili ay dalawampu, ang pangunahin sa kanila bilang si ‘Ali ibn Abi Talib at ang huli bilang ang al-Mahdi.” [al-Juwayni, Fara'id al-Simtayn, p. 160]

q    "Ang Al-Mahdi kabilang sa aming Ahl al-Bayt” at “Ang al-Mahdi ay magmumula sa aking pamilya, sa angkan ni Fatimah.” [Ibn Majah, al-Sunan, tomo 2, p. 519, bilang 4085-6; Abu Dawud, al-Sunan, tomo 2, p. 207]

 

Bakit pala ang mga Asawa ng Propeta (s)?

 

Ang bersikulo ng pagdalisay, “Sa katotohanan, nais lamang ng Allah na…” ay ipinahayag sa Propeta (s) sa tahanan ng kanyang asawang Umm Salama (pagpalain nawa siya ng Allah); tinawag ng Propeta si al-Hasan, al-Husayn, Fatimah at ‘Ali, at tinipon niya silang lahat at tinakpan ng manta. Pagkatapos, kanyang sinabi, “O Allah, sila ang aking Ahl al-Bayt, kaya ilayo mo sila sa anumang kasagwaan, at dalisayin mo sila nang lubusan.” Itinanong ni Umm Salama, “Ako ba’y kabilang sa kanila, O Apostoles ng Allah?” Sinabi ng Propeta (s), “Manatili ka sa iyong katayuaan, at ikaw ay mabuti.”

q    al-Tirmidhi, al-Sahih, tomo 5, pp. 351, 663

q    al­Hakim al­Nayshaburi, al­Mustadrak `ala al-Sahihayn, tomo 2, p. 416. Kanyang sinabi na ito ay sahih (kapanipaniwala) sang-ayon sa mga batayan ni al-Bukhari

q    al-Suyuti, al-Durr al-Manthur, tomo 5, p. 197

 

Ang simulan ng besikulo 33:33 at ang mga sumunod ng kataga ay ipinahayag sa mga asawa ng Propeta (s) ayon sa mga pangbabaeng panghalip na ginamit. Subalit, sa bersikulo ng pagdalisay, ang kasarian ay naging panglalaki o para sa magkahalong kasarian. Ito ay nagpapatunay lamang na ang bersikulong ito ay magkahiwalay na ipinahayag sa natatanging mga tao.

 

Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa autentikong Islam

ayon sa paliwanag ng Ahl al-Bayt, dumalaw sa:

 

http://al-islam.org/faq/

 

 

Similar fact sheets on Islam in different languages can be accessed here

 

Download printable versions of this fact sheet:

pdf

go to top

© 1998-2004 Shajaratun Muntazirah

Email: [email protected]

Address: http://www.geocities.com/smuntazirah

 
 
Hosted by www.Geocities.ws

1