|
Kaya, ginawang malinaw ng
Panginoon ang Kanyang mga palatandaan sa iyo upang ikaw ay makaunawa
(Qur’an 2:242)
Ang Imam ‘Ali ibn Abi Talib ang kahalili ng Propeta Muhammad, sumakanilang
dalawa nawa ang kapayapaan. Ito ay isang koleksyon ng maiikling mga sipi
mula sa iba’t ibang mga tanyag na hindi Muslim, kabilang ang mga akademiko,
manunulat, pilosopo, manunula, politiko, at aktibista.
Thomas Carlyle
(1795-1881) Mananalaysay, kritiko, at manunulat pangsosyolohiyang
taga-Eskosya.
“At hinggil naman dito sa kababatang Ali, walang sinumang maging katulad
niya. Naipamalas niya ang kanyang sarili bilang isang nilalang na may
maharlikang kaisipan, ngayon at magpakailanman; puno ng pagmamahal, at ng damdaming lakas-loob. May taglay siyang karangalan; kasingtapang ng
isang leon; subalit may taglay na grasya, katotohanan at pagmamahal na
nararapat sa isang kabalyerong Kristyano.”
[On Heroes, Hero-Worship, And The Heroic In History, 1841, Panayam 2: Ang
Bayani bilang ang Propeta Mahomet: Islam, Mayo 8, 1840)]
Edward Gibbon
(1737-1794) Itinuturing na pinakamagiting na Britanyong mananalaysay sa
kanyang panahon.
“Ang sigasig at kabutihan ni Ali ay hindi nalampasan ng sinumang bagong
kombertido. Taglay niya lahat ang mga katangian ng isang manunula,
mandirigma at santo; ang bakas ng kanyang dunong ay mapupuna pa sa isang
koleksyon ng mga kasabihang pangrelihiyon at pangmoralidad; at bawat kalaban
sa mga larangan ng dila o espada ay kanyang napapasuko sa pamamagitan ng
kanyang kahusayang magsalita at tapang. Mula sa unang oras ng kanyang misyon
hanggang sa huling sandali ng paglibing sa kanya, ang Propeta ay hindi
pinabayaan ng isang mabuting-loob na kaibigan, na kanyang pinasiglang
tawaging kapatid, kahalili at ang matapat na Aaron ng ikalawang Moises.”
[The Decline and Fall of the Roman Empire, London, 1911, tomo 5, pp. 381-2]
Philip Khuri Hitti
(1886-1978) Propesor ng mga Wikang Semitiko sa Unibersidad ng Princeton.
“Matapang sa digmaan, marunong sa pagbigay-payo, magaling sa pagsalita,
matapat sa kanyang mga kaibigan, mapagbigay-loob sa kanyang mga kaaway,
naging uliran sa karangalan at pagkamaginoo (futuwah) ng isang Muslim at ang
Solomon ng tradisyong Arabe, sa paligid ng kanyang pangalan ay
magkalipumpunang mga tula, salawikain, maiikling sermon, at anekdotang
napakarami.”
[History of the Arabs, London, 1964, p. 183]
Sir William Muir
(1819-1905) Pantas at estadistang taga-Eskosya. Nanungkulan bilang Kalihim
na Panlabas ng pamahalaang India at Tenyente Gobernador ng mga
Hilagakanlurang Probinsiya.
“May taglay na malinaw na talino, masigla sa pagmamahal, at
mapagkatiwalaan sa pagkakaibigan, mula sa kanyang pagkabata puso at
kaluluwang matapat sa Propeta. Simple, tahimik, at hindi ambisyoso, sa mga
araw pagkatapos niyang makamit ang pamumuno sa kalahating bahagi ng
sandaigdigang mga Muslim, ito ay ipinilit sa kanya sa halip na kanyang
pinangarap.”
[The Life of Mahomet, London, 1877, p. 250]
Dr. Henry Stubbe
(1632-1676) Klasikisto, polemikisto, manggagamot, at pilosopo.
“Siya ay may pagdudusta sa mundo, sa kabantugan at karangyaan nito, may
lubos na takot sa Panginoon, nagbibigay ng maraming abuloy, matapat sa lahat
ng kanyang mga gawain, mapagkumbaba at mapitagan; na may katalasan ng isip
at katalinuhang di-pangkaraniwan, siya ay may lubusang dunong, hindi sa mga
siyensiyang nagwawakas sa mga pagmumuni-muni lamang kundi sa yaong mga
nahahantong sa gawa.”
[An Account of the Rise and Progress of Mahometanism, 1705, p. 83]
Gerald de Gaury
(1897-1984) Isang bantog na sundalo at diplomatiko.
“Siya ay mahusay sa pagbibigay-payo at matapang sa digmaan, tapat sa
kanyang mga kaibigan at mapagbigay-loob sa kanyang mga kaaway. Siya ay
magpakailanmang uliran sa karangalan at pagkamaginoo ng isang Muslim.”
[Rulers of Mecca, London, 1951, p. 49]
Wilferd Madelung
Propesor ng Arabe sa Unibersidad ng Oxford.
“Sa harap ng pekeng pag-angkin ng mga Umayyad sa kapangyarihang matuwid sa
Islam bilang ang mga kinatawan ng Panginoon sa mundo, at dahilan sa
kataksilan, di-makatwiran at dibisibong pamamahala, at mapaghiganting
pagpaparusa ng mga Umayyad, hinangaan nila ang kanyang katapatan, ang
kanyang matatag na pagmamalasakit sa pangangasiwa ng Islam, ang kanyang mga
taimtim na pansariling katapatan, ang kanyang pantay-pantay na pakikitungo
sa mga tagataguyod, at ang kanyang kabutihang-loob sa pagpapatawad sa
kanyang nagaping mga kaaway.”
[The succession to Muhammad: a study of the early caliphate, Cambridge,
1997, pp. 309-310]
Charles Mills
(1788-1826) Pangunahing manunulat ng kasaysayn sa kanyang panahon.
“Bilang pinuno ng pamilya ng Hashim, pinsan at manugang na lalaki ng
siyang ginagalang ng mga taga-Arabia…, malinaw na nakapagtatakang si ‘Ali ay
hindi kaagad na nailuklok sa Pagkakalipa pagyaon ni Muhammad. Maliban sa
kalamangan sa kanyang pagpanganak at pag-asawa ay ang pakikipagkaibigan nito
sa Propeta. Ang anak na lalaki ni Abu Talib ay isa sa mga pinakaunang
kombertido sa Islamismo at ang pinakapaboritong patawagan ng Muhammad sa
kanya ay ang Aaron ng ikalawang Moises. Ang kanyang mga katalinuhan bilang
isang mananalumpati, at ang kanyang kawalang-takot bilang isang mandirigma
ay tumatanaw ng utang-na-loob sa isang bansang ayon sa palagay nito, ang
kagitingan ay kabutihan at ang kabutihang magsalita ay dunong.”
[An history of Muhammedanism, London, 1818, p. 89]
Simon Ockley
(1678-1720) Propesor ng Arabe sa
Unibersidad ng Cambridge.
“Ang isang bagay na pinakanararapat na pumahin ay ito: Ipinanganak siya ng
kanyang ina sa Mekka, sa mismo templo (Ka‘bah); na hinding-hindi naganap sa
sinumang iba.”
[History of the Saracens, London, 1894,
p. 331]
Washington Irving
(1783-1859) Tanyag bilang ang “unang
Amerikanong mahusay sa panitikan”.
“Siya ay mula sa pinakamaharlikang sangay ng maharlikang lahi ng Koreish.
Taglay niya ang tatlong mga katangiang pinakamahala para sa mga Arabo:
kagitingan, kahusayang magsalita at kagandahang-loob. Ang kanyang kabuuan ng
loob ay naging dahilang tawagin siya ng Propeta bilang “Leon ng
Panginoon”; mga halimbawa ng kanyang kahusayang magsalita ay nananatili sa
ilang mga taludtod at salawikaing napanatili sa pagitan ng mga Arabo; at ang
kanyang kagandahang-loob ay naipapahayag sa pamamahagi sa iba, tuwing
Biyernes, ng anumang natira sa ingatang-yaman. Hinggil sa kanyang
kagandahang-loob, nagbigay tayo ng paulit-ulit na mga halimbawa; ang kanyang
marangal na pagkakasuklam sa anumang bagay na mali at hamak, at ang kawalan
sa kanyang asal ng bawat bagay tulad ng makasariling sabuwatan.”
[Lives of the Successors of Mahomet,
London, 1850, p. 165]
“Isa siya sa mga huli at pinakanararapat na sinaunang mga Muslim, na natuto
ng kanyang sigasig pangrelihiyon mula sa pakikipagsama sa Propeta mismo, at
sumunod hanggang sa katapusan sa kapayakan ng kanyang huwaran. Siya ay
marangal na pinag-uusapan bilang kauna-unang Kalipang nagbigay ng ilang
pagtangkilik sa panitikang marangal (belles-lettres). Nagpakalabis siya
mismo sa kanyang hilig sa tula, at marami sa kanyang mga salawikain at
kasabihan ay napangalagaan at naisalin sa iba’t ibang mga wika. Ang kanyang
panselyong singsing ay may inskripsyong ito: “Ang kaharian ay sa Panginoon”.
Isa sa kanyang mga salitain ay nagpapakita ng maliiit na halagang kanyang
iniuukol sa mga pansamantalang kaluwalhatian ng mundong ito, ‘Ang buhay ay
ang anino ng ulap lamang—ang panaginip ng isang natutulog’.”
[Lives of the Successors of Mahomet,
London, 1850, pp. 187-8]
Robert Durey Osborn
(1835-1889) Medyor ng Kawani ng Kuwerpong
Bengal.
“Sa kanyang pagkasawi nasawi ang pinakataos-puso at pinakamabuting Muslim na
ang kanyang alaala ay pinangalagaan ng kasaysayang Islamiko.”
[Islam Under the Arabs, 1876, p. 120]
Para sa karagdagang
kaalaman hinggil kay Imam ‘Ali ibn Abi Talib,
dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|

Similar fact sheets on
Islam in different languages can be accessed
here
Download printable
version of this fact sheet:
pdf
---oOo---
Who and Why ?
To help provide quality Islamic knowledge available in as many world
languages as possible to assist in da'wah (peaceful invitation to the
religion of Islam as explained by Prophet Muhammad and his Family)
To encourage those without enough time or inclination for reading books to
explore the various topics in brief.
How ?
One
Follow the instruction above to retrieve and print the fact sheet.
Two
Xerox (photocopy) the two printed sheets onto as many double sided sheets as
are required.
Fold each single sheet (which should now have text on both sides) from the
middle.
Three
Distribute
Where ?
Are you off to a mosque for prayers or lectures? Take some copies and hand
them out or leave them at a convenient point for others to pick them up.
Do you debate with other Muslims and non-Muslims regularly? If so, keep
these Fact Sheets handy.
Do you run a bookstore? Give out some free Fact Sheets to the customer with
each purchase.
Are you traveling abroad? Pack some Fact Sheets in the relevant language
with your luggage. You can always leave some copies in any prayer areas that
you come across, such as those in many airports.
Are you a student? Hand out or leave copies at your
school/college/university prayer room and at Islamic events, or leave some
in study rooms and cafeterias.
Are you involved with da'wah to prison inmates? Use these Fact Sheets
as appropriate.
Can you think of anyone who will benefit from reading these Fact Sheets? If
so, pass them on.
Please think carefully of your audience before passing on any Fact Sheets
and be mindful of the sensibilities of other people when employing any means
listed above.
|