Part 9
Wala pa si Alex paglabas ko ng gate ng school� naghintay pa ako ng kalahating oras hanggang sa dumating sya.
Hapong-hapo ang itsura nya para bang nahirapan sya ng todo sa paggawa ng isang bagay.
Alex: Tara na.
Nagtaka ako� nagyaya sya kaagad umuwi. Hindi man lang nagpaalam kung bakit nahuli sya ng dating� at ni hindi man lang humalik sa aking pisngi.
Malalakas ang ihip ng hangin sa plaza�. Para bang may bagyong darating.
Kanina pa walang imik si Alex�. Kinabahan na ako.
Maya-maya�
Alex: Napag-isip-isip ko na makabubuting sundin muna ntin ang mga magulang natin. Wala talaga tayong magagawa sa ngayon.
Aleya: Akala ko ba�.
Nahinuha nya siguro na ang plano nmin ang tinutukoy ko.
Alex: Di pwede un aleya�. Mali! Lalo na�t nag-aaral kp. Lalo lang silang magagalit.
Aleya: Di ba ikaw ang nagsabi non?
Alex: Oo� pero napag-isip-isip ko na maling hakbang iyon.
Napatungo ako� ksi�y nararamdaman ko na ang luha sa gilid ng mga mata ko.
Hinaplos ni Alex ang likod ko.
Alex: Aleya�. (parang may bikig sa lalamunan na di malaman kung paano sasabihin kay aleya ang nasa loob�lalo umiiyak na ito)
Aleya: (humihikbi sa pag-iyak)
Alex: mma..maghiwalay muna tayo.
Napatingin ako sa kanya�. Nakatitig lang para bang ayaw kong tanggapin ang narinig ko� parang gusto kong ipaulit�
Alex: Maghiwalay na muna tayo.
Nabasa nya sigruro na parang si ako makapaniwala kaya inulit nya uli sabihin. Di na xa natakot na masasaktan ako sa sinabi nya.
Dahan-dahan akong tumayo at lumakad palayo�. Parang di ko na kakayanin ang sakit kaya gusto kong lumayo kaagad sa pinagmumulan nito.
Sa bahay� nagkulong na ako kaagad� di ko na inalintana ang malakas na boses ng madrasta ko sa panenermon.
Part 10
Paggising ko kinaumagahan huli na ako sa pagpasok� napapadalas na ang absent ko. Mugto ang mga mata ko. Namaga kaya ito sa kaiiyak o namaga dhl nasobrahan ako ng tulog. Hapong-hapo ang isip ko� pakiramdam ko nga ayaw ko munang tumanggap ng kahit na anong isipin. Kagabi pakiramdam ko ay gising ako buong magdamag.. di ko nga alam kung nakatulog ba talaga ako kasi�y parang kaybigat ng katawan ko. Baka nman nktulala lang ako magdamag habang umiiyak� napaidlip lang siguro ako dahil sa pagod.
Malamig ang hangin na umiihip mula sa labas� siguro�y uulan na namn. Kagaya kahapon� bakit ba habang lumalakad ako palayo sa plaza nagbabanta ang ulan� buti na lang tatlong bahay na lang bago makarating at saka bumuhos ang ulan� di na tumila mula noon. Para bang nakikiramay ang panahon sa pagtangis ng puso ko.
Kahapon� ah, oo nga pala kahapon! Parang multong biglang nagpakita sakin ang alaala ng nangyari kahapon. Takot ang lumukob sa isip ko�hindi takot sa kung ano kundi takot na harapin ang buhay na wala na akong masasandalan kundi sarili ko na lamang� wala na si Alex� sumuko na pakikiramay sa pakikipagbaka ko sa pait ng kapalarang nakagisnan ko.
Paano na kaya?
Aleya�s father: Hija.. anak.. gising na anak. Kahapon ka pa nakakulong jan, di ka naghapunan, agahan at tanghalian.
Ha? Hapon na? Nagaalala na si daddy.
Aleya�s father: maysakit ka ba anak?
Aleya: Daddy wala po�
Aleya�s father: Kumain ka na muna anak.
Maya-maya pagkatapos kumain�
Aleya�s mother: Aleya, asikasuhin mo ang pag-aaral mo. Palagi ka na lang lumiliban sa klase mo.
Aleya: (napayuko at nagpipigil na maiyak)
Sana naman ay alam nila ang sakit na nararamdaman ko. Okay lang nman skin ang walang nobyo hanggang makatapos ng pag-aaral, kung masaya lang ba ako sa pakikitungo nila sakin eh� kung nararamdaman ko lang ba na mahal nila ako, para di ko na kailangan hanapin pa sa ibang tao.
Nagtungo ako sa plaza� ewan ko kung bakit. Nakasanayan ko na siguro ang magpunta ron pag may dinaramdam. O baka nmn may hinahanap lang akong kulang� isang karamay.
Buti pa ang mga batang naglalaro sa di kalayuan.. para bang napakasaya nila sa buhay.
Nilingon ko ang grocery nila Alex� aminin ko man o hindi gusto ko siyang makita. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang dahil ng kalungkutan ko ngayon ay si Alex. Ngunit wala xa at hindi xa pupunta para aluin ako� dati nmn ay di lilipas ang kinse minutos narito na xa� desidido syang putulin ang kaugnayan nmin.
Naghintay pa ako ng dalawang oras� dumidilim na. Gusto kong kumbinsihin xa na humanap kmi ng ibang paraan. Gusto kong siguruhing mahal nya pa ako� dahil kung ganon nga di nya titiisin na dalhin ko ang hirap ng nag-iisa.
to be continued...
Links to other sites on the Web