AFTER ALL


Part 11 and 12

Part 11

Mula sa bintana ng isang grocery� nakatanaw si Alex. Bagamat hirap ang kalooban kailangang nyang tiisin ang sarili para itama ang pagkakamali nila ni Aleya. Tama naman na may tamang panahon sa isang bagay. Bagaman alam nito na sa isang banda ay nakatulong kay Aleya ang presensiya nya, di naman ito aprubado sa magulang nya. At saka mabuti na rin ito para matuto si Aleya na mabuhay at lumabang mag-isa, pagkat di lahat ng panahon ay narito sya.

Pagkaalis ni Aleya� tumawid si Alex papuntang plaza. Dama nya ang lungkot na iniwan don ni Aleya. Dati nman ay pagkaumaalis sila ni Aleya rito parang masigla ang paligid� siguro�y dahil sa may problema sila ni aleya kaya nakikiramay ang yellow bell na saksi sa maraming masasayang alaala nila ni Aleya.

Naupo si Alex� ramdam nito ang guilt sa dibdib. Alam nitong nahihirapan si Aleya. Ngunit kailangan nyang manindigan.

Pagkaraan ng kalahating oras ay tumayo na rin ito para umalis.

Hanggang sa pagtulog ay alaala ng imahe ni Aleya ang nakikita nya habang umiiyak. Sa kanyang panaginip ay nakikiusap ito.

Napabalikwas ng bangon si Alex, mahal na mahal nya si Aleya pero matimbang din para sa kanya ang kahilingan ng mga magulang nila.

Ngunit paano kung dahilan lang yon ng magulang ni Aleya� at tiyak naman na ayaw ng mama niya kay Aleya.

Nagpasya syang magpahangin sa plaza para makapag-isip.

Pagtawid� pamilyar sa kanya ang anyo na yon. Si Aleya�..

Lumapit sya� nktingin si Aleya sa kanya. Nang makalapit sya ay nagyakap ang dalawa.

Alex: Tumakas ka na namn sa inyo� gabi na. Delikado na para sayo.

Umiiyak lang si Aleya�.

Pagkuwa'y tumitig ito sa mukha ni Aleya... nakikita nya kung gaanong nahihirapan ang babaeng mahal nya. Parang may kumukurot sa dibdib nya... di nya gustong maghirap ng ganito si Aleya.

Kung matimbang ang ibig nya mga magulang nila... mas mabigat naman dalhin sa dibdib ang nagkakaganito si aleya. Alam nito sa sarili na napakahalaga ni aleya sa kanya. Anuman ang dinaramdam nito'y bumabagabag din sa kanya.

Hinalikan nya ito sa buhok....

Alex; Tahan na Aleya... (at pumikit)

Part 12

Nagkaayos din kami ni Alex although aminado ako na parang napilitan lang xa dhl naawa xa. Kahit ganon wala namang kapalit ang ligayang nararamdaman ko� alam ko naman na mahal ako ni Alex kaya di na mahalaga kung paano kmi nagkaayos.

Masaya na uli ang araw-araw ng buhay� magaan dahil nariyan si Alex. Di rin nya ako natiis bumalik xa sa dati na maalaga at maalalahanin. Parang walang nangayaring unos sa amin. Pero di nya kayang itago sa akin na ginigipit xa ng mama nya dahil nahuli nito na nakikipagkita parin sa akin si Alex. Sa amin di pa nakakahalata si mommy.. si daddy nman�, mas mahalaga sa kanya ang makitang masaya ako at hindi nagmumokmok.

Alex: Aleya� may pasalubong ako!

Masarap sa pandinig� ganon xa kamaalalahanin� lalo na ngayon bakasyon marami kaming oras para sa isat-isa.

Aleya: Ano? (ngiting excited)

Alex: (naglabas ng isang nakabalot sa paper bag) tingnan mo�.

Aleya: Alam ko na 'yan� naamoy ko na!

Ang lakas ng tawa ni Alex� kasi ba naman hopia ang dala nya� di naman yon ang paborito ko� xa ang may paborito non.. Hmp! Nagpasalubong pa! Pero natawa na rin ako� nakakahawa kasi ang tawa nya� Laging ganon xa pag nang-iinis� di nman ako naiinis kunwari lang ay nadidismaya ako para tumawa xa� kasi ba naman masarap sa pandinig ang tawa nya.

Pagkuway sumeryoso...

Aleya: Alex� ipangako mo ipaglalaban mo ang pag-iibigan natin. (nakatitig)

Alex: (tumitig din) Pangako Aleya� halimbawa malaman nila� kht na anong mangyari kahit hindi na tayo nagkikita o nagkakausap� tayo pa rin�. Lagi mong tatandaan nakahanda akong hintayin ka� at mahal na mahal kita.. mananatili kang palagi sa puso ko.

Natuwa ako sa narinig ko. Pkiramdam ko ay idinuduyan ako sa alapaap.

Aleya: mahal na mahal din kita Alex� kailangan kita sana wag mo akong iiwan at wag kang magsasawa sa pagdamay sa akin.

Napakasarap ng pakiramdam� lalo na't parang walang ibang tao sa mundo kundi kayo lang� wala kang ibang kailangang i-please kundi ang mahal mo lang sa buhay.

Sana ay wag nang matapos ito.

to be continued...

Links to other sites on the Web

Continue to next part
Home

Hosted by www.Geocities.ws

1