Part 13
Nabalitaan kong may dumating na inaanak ang mama ni Alex galing sa Mexico. Anak ng kaibigan nitong matalik na nakapag-asawa na Mexicano nang mangibang bansa. Gusto raw nitong makita ang Pilipinas.
Nakaramdam ako ng takot� kasi�y nahuli kong magkausap sina Alex at si Donita. Maganda ito at di hamak na mas matangkad sa akin at napakaputi�mestisa. Kulay pula ang buhok nito� parang brown na mamula-mula. At napaka-sosyal tingnan.. pakiramdam ko nga ay tinitingnan ko ang isang babaing bida sa serye sa T.V. noon na Marimar. Dahil alam ko naman na likas na palakaibigan si Alex� nakita kong napakaluwang ng pagkakangiti nito habang nakikipag-kwentuhan.
Napasulyap xa sa akin�. Bagaman nakita kong parang lumiwanag ang mukha nya ng makita ako� di ko pa rin maalis ang selos� ngayon pa lang kasi nakita si Alex na magiliw na nakikipag-usap sa ibang babae. Nagpaalam ito at nakita kong papatawid na sa plaza para puntahan ako. Bago pa makalapit si Alex� nakita kong lumabas mula sa loob ng grocery ang mama ni Alex� at nakita kong itinuro ni Donita kung saan kami naroroon.
AleX: Kumusta? Na-miss kita� di kc kta nakita kahapon.
Aleya: (tipid na ngumiti) Kasi sinumpong na naman si mommy at ako na naman ang pinag-initan� di nya ako hinayaan na makalabas ng bahay.
Alex: ahhh� (ngiti)
Biglang tumunog ang cel ni Alex.
Alex: Ma?!
Ngumingiwi at tumatango xa habang may kausap sa telepono� sigurado nagagalit ang mama ni Alex.
Alex: opo..opo!
Tumingin sa akin si Alex�
Alex: si mama� pinauuwi ako bakit ko daw iniwan si donita. Cge� alis muna ako� sisilip-silipin na lang kita� pag nakkita me ng chance� puntahan kita dito kung and2 kp mamaya� cenxa na. (ngiti� apologetic)
Aleya: Okay lang� Cge pumunta kana� palipas lang ako ng sampung minuto tapos alis na rin ako. Bye..
Inaabot ko ang halik na iginawad nya sa pisngi ko at sk lumayo. Haay! May panibagong dahilan na ang mama nya para iiwas xa sa akin.
Pero umpisa pa lang pala iyon�.
After a month�
Madalas na ang away namin� dahil nga iniipit xa ng mama nya� laging pinapasamahan si Donita kay Alex sa pamamasyal.. Noong una naiintindihan ko pero dahil nga napapadalas� nagseselos na ako.
Minsan�
Aleya: Samahan mo naman ako� debut ni Rose.. wala akong kasama.
Alex: kailan ba?
Aleya: Sa Friday, 7pm.
Alex; Friday? (nag-isip) naku! Aleya� sorry humiling si Donita na samahan ko xa sa bar eh� nakapangako na ako� sorry ha� pag nalaman ni mama na nag-cancel ako magagalit un.
Aleya: ha?! (taka at nahalinhan ng inis) bakit ganon? Mas priority mo pa xa?
Alex: (nairita sa pagdududa ni Aleya) Aleya?! Alam mo naman na ginigipit ako ni mama db?
Biglang tumayo at umalis.
Lagi nang ganon� away na kmi ng away. Pero nagkakabati din naman kmi� kaya kang, di ko maiwasang malungkot. Dati naman ay hindi nangyayari sa amin ito ni Alex.
Kahit naman paano ay nakakaraos kmi sa mga pagsubok pero hanggang kailan kmi tatagal?
Part 14
Minsan�. Sinundo ako ni Alex sa school� ginabi ako dahil may ni-rush kaming project, buti na lang ay naging matiyaga sa paghihintay si Alex. Bago umuwi ay saglit kaming dumaan sa plaza� niyakap nya ako ng mahigpit.
Alex: Salamat na lang at nakakaraos tayo noh?
Aleya: oo nga eh!
Alex: Pero sa totoo lang nahihirapan na ako sa sitwasyon natin.
Aleya: kahit naman sino� nagpapasalamat nga ako at patuloy kang nakikipagtiis sa akin.
Alex: mahal kita Aleya� ewan ko kung paano ko nagagawa pero sa totoo lang minsan parang gusto kong sumuko.
Aleya: naku� wag naman!
Alex: (ngumiti)
Nakakaba nang mga oras na yon� baka kasi premise na naman yon ni Alex para makipaghiwalay sa akin. Pero bakit kaya nya sinasabi ito sa akin. Dati naman ay hindi nagpapakita ng panghihina sa akin si Alex.
Alex: Si mama� unti-unti nagkakalayo ang loob naming dalawa.
Nabigla ako�. Ayoko kasing maranasan ni Alex ang nararanasan ko sa pamilya ko. Kaya lang� ang paraan para hindi mangyari kay Alex yon kailangang makipaghiwalay ito sa akin.
Kailangan ko bang mamili kung kaligayahan ko o ang para sa ikabubuti ni Alex�. Di pala biro ang dinadaanan nya.
Aleya: (di malaman kung ano ang sasabihin)
Alex: Hoy! Wag kang manahimik jan� wala akong ibig sabihin don hindi ako nanunumbat.
Aleya; (napangiti�pilit)
Alex: Mahal kita.. Aleya. Di ko lang mapigilan ang na sabihin sayo ang nararamdaman ko kasi�y nahihirapan na rin ako. Ilang buwan na rin tayong ganito.
Aleya: Alex� nangako ka sa akin�.
Alex: (ngumiti)
Niyakap ako ni Alex� at saka nya ako inihatid sa bahay.
Malayo pa lang tanaw ko na si mommy ung nag-aabang sa labas ng gate ng bahay naming� mukhang galit. At lalong nagalit nang masino nito na si Alex pala ang kasama ko. Nagkatinginan kmi ni Alex� nagaalala ang mga mata nya� natitiyak na nya na masasaktan ako kay mommy.
Di na nakatiis si mommy�. Lumapit na ito� nasa kabilang gilid kmi ng kalsada kaya tumawid pa ito para salubungin kami.
Hinatak ni mommy ang kamay ko palayo kay Alex�.
Aleya�s mother: Ikaw talagang bata ka� napakatigas talaga ng ulo mo� Sana sinabi mo para di ka na naming pinag-enroll ng daddy mo. Kung alam ko lang na pkikipag-nobyo pa rin ang pipiliin mo� sana di ka nakapg-enroll ngayon� humanda ka sa akin bata ka! At ikaw lalaki�. Lubayan mo ang anak ko!
Sumisigaw na si mommy sa galit habang hatak ako palayo� nasulayapan ko si Alex� nag-aalala ito kaya aktong lalapit sa amin para saklolohan ako�
pagtawid nya� di nito nakita ang sasakyang parating sa pagkataranta ay hindi ito nakakilos..
Nakita ko ang pangyayari�. Nakitang kong bumagsak sa lupa si Alex�. Wala akong nagawa kundi��..
Aleya; Aleeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeex�!!!
Nagsisigaw ako� nanginginig ang buong katawan ko....si mommy ay saglit na natigilan, nang maramdamang nagkakagulo na ang mga tao� hinatak na ako sa loob ng bahay. Ni hindi ko man lang nalapitan si Alex�
Walang patid ang luhang umaagos sa mga mata ko� ayaw akong palabasin ni mommy baka raw mapagbintangan pa kami.. Gusto kong sigawan xa at sabihin na talagang xa ang may kasalanan kung hindi lang sana nagalit agad at hindi xa nag-eskandalo ng ganon hindi mag-aalala si Alex� at hindi xa mababangga ng sasakyan.
Abot-abot ang pag-alala ko� dasal ako ng dasal na sana walang masamang nangyari sa kanya. Magdamag na nakabantay si mommy kaya di ako nakapuslit palabas.
to be continued....
Links to other sites on the Web