Part 19
Excited ako.... birthday ko�
Kasi ngayon pa lang nag-boluntaryo si daddy na gawing isang malaking handaan yon. Unang beses na mangyayari ito sa buhay ko. Bagaman nakikita ko ang ngitngit sa mukha ni mommy.. nakisama nlng xa ng maayos sa mga bisita. Dahil panay ang puri sa kanya na kahit hindi daw nya ako tunay na anak ay inaalagaan ako at pinalaki ng maayos. Xempre masaya xa dhl bida xa sa usapan.
Sabagay, malaki ang utang ko sa kanya. Sabi ni daddy ay nakikipagpuyat nman daw ang mommy sa pag-aalaga sa akin. Buti nga at natatawag ko syang mommy at anak ang tawag nya sa akin.
Kahit hindi pa rin pulido ang lahat sa relasyon nming ni mommy, masaya na rin ako. Dahil di naman na xa ganon ka-istrikto sa akin� isa pa, boto xa kay mark. Kung sakali mang hindi nya gusto si mark, di nman xa makaka-tutol kc, kaibigan nya nga ang mama ni Mark. Nakakahiya db?
Kuntento na ako sa mgqa nakikita ko ngayon� may isang panahon din ng buhay ko na masaya.
Masaya?
Masaya ba itong nakikita ko?
natanaw ko sa labas ng bintana na humilig si Celine sa balikat ni mark.
Nakatitig si mark sa mukha ni Celine�.
At�.
Hinalikan nya ito!
Napahawak ako sa dibdib ko� parang gusto kong panawan ng ulirat sa nakita ko. Di ko matanggap parang bigla ang dating ng realisasyon sa isip ko na� hindi ko pag-aari si Mark� na inagaw ko lang xa.
Tumulo na ang luha ko� lumayo� di ko na kayang tingnan pa ang isang katotohanan na nakabilad sa harapan ko.
Part 20
Hindi naman nakikipag-usap sa akin si mark. Hindi nman ito nakikipag-hiwalay� hindi naman xa nagtatapat ng totoong nararamdaman nya sa akin.
Nagbingi-bingihan ako� nagbulag-bulagan�
Hanggang sa panaginip� si Celine.. umiiyak� �matagal din akong umasa.. aleya��
Napaigtad ako! Napailing�..
Di rin nagtagal� pagkalipas ng tatlong buwan� Laging tulala si mark� laging may iniisip.
Aleya: Mark�?
Mark; Bakit?
Aleya: Ni minsan�. (nag-aalangan akong sabihin)
Mark: (ngumiti� parang hinihintay kung ano ang ssbihin ko)
Aleya: Mahal mo ba ako , Mark?
Sukat natulala xa... nktitig ko sa mukha ko ngunit walang ekspresyon parang malayo pa sa mukha ko ang nilalakbay ng totoong nasa isip at puso nito... Nakaawang ang labi� at lalong gumuho ang tibay sa dibdib ko ng makita kong tumulo ang luha nya.
Di ko na kailangang marinig� nauunawaan ko na.
Niyakap nya ako.
Aleya: (hikbi) Bakit?
Sa unang pagkakataon�pagkalipas ng limang taon� nakaranas na naman ako ng kakaibang sakit� buti sana kung nakkmanhid na sakit.. kaya lang ay sakit na tumutusok sa dibdib ko.
Humihigpit ang yakap nya habang humahagulgol ako.
Mark: Aleya� hindi ko sinasadya� sinubukan kong sabihin sa�yo kaya lang naduwag ako� ayokong masaktan ka.
Aleya: hindi pa ba ako nasasaktan, mark?
Nakita ko ang guilt sa mga mata nya. Yumuko ito.. kumalas sa pagkakayakap nya sa akin.
Wala na� wala na si Mark� muli kong haharapin ang kabiguan ng nag-iisa.
Ganon talaga siguro ang buhay� minsan malungkot, minsan masaya. Habang tinitingnan ko si mark palayo.. palapit naman ang ulap ng kalungkutan sa paligid ko.
Ipinatikim lang pl sa akin kung paano ang maging masaya� Kasalanan ko ba? Gusto ko lang naman na mahalin ako.. pero kapag ganito pala na ipinilit mo lang sarili mo� mawawala rin.. parang pinatagal ko lang ang paghihirap ko.
Sa huling anyo ni Mark na nakita ko� nakita ko ang isang pangitain ni Celine na nakangiti at nagpapasalamat sa akin� Si Celine� at ang inagaw kong kaligayahan nya�
to be comtinued...
Links to other sites on the Web