AFTER ALL


Part 21 and 22

Part 21

Lumipas ang isang taon� nabuhay akong parang puppet� kumikilos dhl naaayon sa isang pagkakataon.

Kinaya ko ang lungkot ng pag-iisa matapos mawala sa buhay ko si mark. Natuto akong gamutin ang sarili ko� lumaban mag-isa sa pagsubok ng buhay ko at maging matatag na hindi ako nanghihiram ng katatagan ng ibang tao�. Dahil walang alex at walang mark!

Naalala ko ang sinabi ko noon sa sarili ko� kung may masaya lang ba akong pamilya hindi ako maghahanap ng pagmamahal ng ibang tao. Masaya naman na ako sa pamilya ko� kahit naman paano ay nag-e-exist na ako sa mundo nila. Bagaman hindi perpekto� masasabi ko na rin na mas mapalad ako kesa sa ibang unwanted child� at least ako.. nabigyan ng pagkakataon na maging masaya sa piling ng mga kadugo ko. Kahit paano nakabawas ang kaunting ligaya na iyon sa hapdi ng dinaramdam ko.

Pinilit kong umibig sa katauhan ni Julius. Isa sa mga masipag na manliligaw ko. Mabait xa at responsable� maalalahanin din at mapagmahal. Wala na akong hahanapin kay Julius.

Sa paglipas ng panahon� nahulog na rin ang loob ko sa kanya. Isa na xa sa mga pinahahalagahan kong tao sa buhay ko.. nang yayain nya akong pakasal ay pumayag ako.

Maaring kahit sino ang makaalam ng kwento nmin ni Julius, sasabihin na napilitan lang ako at hindi ko talaga xa ganon kamahal gaya ng naranasan ko kay Alex at mark. Ang iba pa nga sinasabi na panakip butas ko lang xa. Ang sagot ko hindi� napatunayan ko nang�.

Nakatanggap ako ng balita na may sakit daw si Mark�at hindi na magtatagal ang buhay nito. Dumalaw ako sa kanila� ang dating maaamong mukha na hinahangaan at hinahaplos-haplos ko ay naglaho na. Kinakapa ko ang damdamin ko pero wala na akong maramdaman� namanhid ba dahil sa galit o talaga lang nakalimot na ako.

Mark; Aleya�. Napatawad mo na ba ako?

Aleya: (ngumiti ako) oo Mark� napatawad na kita.

Masarap pl ang pakiramdam na wala ka nang dinadala sa dibdib. Kaya nga naman masaya ako dahil alam kong nakalaya na ako sa pait ng kahapon. Natapos na ang paghahanap ko sa pag-ibig.

Handa na kong pakasal kay Julius�. Pero bakit may kung anong bumabagabag sa dibdib ko. Nasa bitag na naman ba ako ng maling akala?

Part 22

Nabalitaan ko na dumating na si Alex mula sa Mexico.. pumunta ito roon kasama ni donita� kaya mula ng magkahiwalay kmi hindi na kmi nagkita.

Ang una kong pag-ibig�.

Magkahalong kaba ang nararamdaman ko� bakit kaya ganito?

Sumunod na gabi ay dumalaw si Alex sa bahay. Bakit pb nya ginugulo ang buhay ko?

Laking gulat ko ng tinanggap xa ng maayos ng pamilya ko.. si Ate Rio ang umistima sa kanya. Nakangiti ito ng todo ng sabihin sa akin na nariyan si Alex.

Xempre pa� abot-abot ang kabog ng dibdib ko� bakit ba ako nagkakaganito?

Alex: Aleya�. (gulat at tuwa ang nasa mukha) Ang laki ng ipinagbago mo.

Aleya: (tipid na ngumiti)

Ayoko kong ie-entertain ang sikdo sa dibdib ko.. ikakasal na ako. Siguro naman ay alam na ni Alex yon at tiyak ko� wala itong ibang pakay sa akin kundi pangungumusta.

Nagka-kwentuhan kmi� wala pa itong asawa. Naging girlfriend daw nito si donita pero hindi sila magkasundo kaya nagkahiwalay din. Matamlay akong nakinig sa mga kwento nya..

Alex; Aleya� pwd ba tayong lumabas bukas?

Aleya; pasensya na Alex� may lakad kmi ni Julius bukas eh.

Ayoko ng dugtungan ang kahapon namin ni Alex� may bagong buhay na ako at hindi na ako ung dating iyakin na nagpupunta sa plaza.

Sumabat si Ate Rio�

Aleya�s sister/Rio; Hindi ba nagpaalam sa�yo si Julius na pupunta ng Maynila?

Nabigla ako sa ginawa ni Ate� nakasilip ng pag-asa si Alex.

Alex: Aleya� please.

Napatingin ako kay mommy, yung ine-expect ko na pagtutol sa mukha nya� wala! Nakakapagtaka? Sabagay.. baka nman totoong nagpapa-ubaya na sa akin si mommy.

Wala akong nagawa kundi pumayag� for old time�s friendship sake.

Kinaumagahan�

Kumain kami at namasyal lang sa mall�.

Habang naglalakad pauwi�.

Alex: Aleya� bumalik ako dahil sa�yo.

Nabigla ako� di ko akalain na dederetsuhin nya ang pakay nya... ni hindi man lang xa nag-alinlangan kung tama ba ang ginagawa at sinasabi nya.

Aleya; Huli na ang lahat Alex� ikakasal na ako!

Malungkot itong ngumiti� at pagkuwa�y..

Alex: Ako ang maid of honor mo ha�

Natawa ako� para bang may ibinabalik ang tawanan nmin na iyon na isang bahagi ng kahapon. Pero tapos na iyon at ayaw ko nang balikan� mahal ko si Julius at ayaw ko syang saktan� maayos na ang buhay ko�

Umuwi na kmi,�.

Bago matulog ay laman ng isip ko ang nanyari sa maghapon. Bakit ba sadyang mapaglaro ang tadhana. Hindi ko inaasahan na muli pa kaming magkikita ni Alex� ayaw ko nang alamin kung may nararamdaman pa ako o wala na para sa kanya� tapos na ang kabanatang iyon sa buhay ko.

Pagpikit ng mata ko ay anyo nya ang nakikita ko� siguro kaya ako nagkakaganito dahil wala naman masamang pangyayaring nangyari sa amin�maayos ang paghihiwalay namin noon. Nakaramdam tuloy ako ng guilt� baka magkasala ako nito kay Julius.

to be continued...

Links to other sites on the Web

Home

Hosted by www.Geocities.ws

1