GOLD

www.anchs.cjb.net

 

HOME

 PAG-IBIG

 R.M.Z.

 DIAMOND

GALLERY

E-MAIL ME

OTHER FEATURES

 

 

 


 
From wer are you?? A.N.C.H.S.!!!!!#@$%*
   
Ayan 4th year na tayo! Ano nga ba mga happenings nun? Ah oo adviser na natin si mam Sarmiento ang makulit na si mam at mabait pa..At oo opiser na tayo nun, ako si Battalion Staff 1 Ryan Almeyda isa sa mga pahiyas sa likod ni Major Joshua Rifareal..na nasa likuran ni nina Major Viernie Marie Restar, Major Lyzar Villena, Major Love Venus Ricafranca, Major Mariza Barral at Major Adjo..na nasa likuran ni Cor. Joseph..pagkatapos ng paghihirap sa training heto't kami naman ang magtetraining sa mga bagong bolontirs sana member na lang kami ng lyre band tulad nina Kenneth, Apid, Didith, Boobie at ung iba pa..o kaya humawak na lang ako ng baton tulad nina Cherie Lou, Nerissa, Charibel at ung iba pa. Pero ayos na rin to..Si Major Princess Leidi Eunice Moratilla kung hindi ako nagkakamali ng spelling ay ang battalion commander ng mga gurlaluh! habang ung iba nating klasmeyt na nde opiser ay naging mga kadete at keydet..Ah eto masaya to! nung JS prom ang tagal nating ni-rehearse ung sayaw natin na Square dance at ung isa pa di ko matandaan ung tawag, ung may kagat-kagat tayong rose na ibibigay natin sa partner ang galing nga e, nakilala ko rin dun si Cristine, sinayaw ko sya nung prom pagkatapos kung isayaw ung naging g.f. ni Hardee, nainlab ako sa kanya,pero nde ko alam spelling ng pangalan nya, tapos ung ibang Reality guyz ay kina Arwin nagpalipas ng gabi at uminom kmi ng anchor milk..nung sumunod na araw niligawan ko sya, pumupunta pa ko nun sa bundok para sunduin sya 3rd year kasi sya diba, kahit tanghaling tapat sinusundo ko sya nun sabi nga ni Rowan na nde makaporma sa crush nya e para daw akong intsik..nagbolontir nga si tin e tapos nagQuit..minsan kasabay ko pa si Hardee sa pagsundo kasi klasmeyt ni tintin ung nililigawan ni Hardee..mas madalas kasabay ko si Ace kasi barkada ni tintin si Ivy na g.f. na ni Ace nun. Basta sa kanya umikot ung mundo ko nung 4th year..teka lab stori ko na to'ng nakikwento ko! maiba tayo..Naranasan na rin namin ung feeling ng maging opiser, ung sinasaluduhan, ginagalang at naguutos pero iba ako mabait ako sa mga bolontir..Nung nagpapapirma nga sila ng S.O.P. ang dali ko papirmahin di gaya nung iba na parang celebrity ang tagal magotograph. Nung seniors night ba un, sumali kami nina Kenneth, Princess at ung iba pa sa battle of the bands, tinugtog namin ung walang kamatayang "Breathless" ng the Corrs, "Torn" ni Natalie, at "Still the One" ni Shania..2nd placer kami may panghalo-halo na kami sa Kae-Anne's..ung iba sumali sa papogian..at pagandahan....Peyborit sabjek ko nun ung Physiks! kasi may mga experimentation ulet mahilig nga ako magexperiment eh..NagExperiment pa tayo nun kung pano natin maililigtas ang itlog sa pagkabasag kapag binitiwan mula sa 2nd flr..maiaaplly natin dito ang principle ng air resistance sa paggamit ng parachute pero kmi tatanga-tanga binalot lang namin sa papel tapos tinalitalian tapos un na-chugi ever si HumptyDumpty na nahulog sa wall! natawa nga ako dun sa itlog nina Arwin may parachute nga ung itlog pero prang duyan lang ung pinagpapatungan nung itlog, kaya ayon ng maglanding ang itlog tumalon ito sa duyan at naging scramble egg din..May sinalihan pa si Arwin nun ako yung nagdesign nung costume nya na gawa sa dyaryo maganda naman eh para syang backstreet boy na recycled ung damit, ang nanalo ay ung design ni Che na gawa sa Negative o films ng pictures..tsaka ung prang costume sa matrix na sinuot nung 3rd year..ANo pa ba? ung graduation ng C.A.T. may medal lahat ng opiser tsaka un Best Kadet at Keydet yata..Tapos ang pinakamalungkot na parte ung Graduation natin, maghihiwa-hiwalay na tayo..pero infurness "This I promise you"! ang theme song natin balak pang gawing Like A Rose! basta anlungkot naghiwahiwalay na tayo..after nun..ung iba ngayon nasa Mindanao na! ung iba di na makita, ung iba nasa U.P., ung iba nasa La Salle, ung iba nasa C.E.U., ung iba nsa P.U.P. tulad ko tunay palaban makabayan! isang iskolar ng bayan, ung iba nsa L.G.M.C.,Q.E.C.,S.L.P.C. at ung iba may mga anak at nagtatrabaho na..pero kahit anong mangyari..wala lang! hehe ang drama ng lola mo! Mabuhay! ang mga taga-ANCHS!!Mabuhay ang mga Atimonanin!! Mabuhay!! Echos!!:)

                                                            

8 x 2 = ocho2

 

powered by ryanŽ

Hosted by www.Geocities.ws

1