DIAMOND

www.anchs.cjb.net

 

HOME

 PAG-IBIG

 R.M.Z.

GOLD

GALLERY

E-MAIL ME

OTHER FEATURES

 

 

 


            
JS prom tayo!!!
    3rd year na tayo! Ano nga ba mga nangyari nun? Ah oo sino bang makakalimot sa Peyborit teacher ko at adviser si mam Infante, kahit na madalas nya akong pinapagalitan at kinakausap pag uwian..naaalala ko pa nun nung pinagsabihan nya ako kasi naasar daw sa'kin ung isa sa kalaban namin ni Arwin sa poster making contest at nagsumbong sa adviser nila..eh nakakatawa naman talaga un drawing nya eh. Ang peyborit sabjek ko nun ay Values Education boring kasi ung Chemistry natin diba parang naglalamay tayo samantalang sa Values nagkakaroon tayo ng nakakatawang balitaktakan..Nag volunteer ako nun, marami tayo nun nagbolontir pero nabawasan tayo..kaya ilan lang ang nagtagal at naging officer. Si Boobie nagquit sina Ace, Bernard at ung iba..Art Editor na nga pala ako sa Valley Herald napromote ako pero ganon parin ang trabaho ko salamat kay Joshua. Kaya nung recognition day may medal ulet ako..Si Arwin may g.f. na yata nun, ung 2nd year na cute. Tapos si Ace nung sayawan nakakatawa parang sinapian at biglang na-inlab kay Ivy 2nd year, sayawan nun di ko matandaan kong anong okasyon, nagumpisang manligaw si Ace tapos naging sila anlupet! Samantala patuloy ang aming paghihirap sa pagiging volunteer, tuwing may okasyon kami'ng tagalinis at tagaligpit, pagkatapos may formation pa every fri. naaalala ko pa nun ung mga tongue twisters gaya ng "kumakalabukab" at "nagpapakabagabag". Tapos ung mga Square March ung "who are you?" sagot: "C.A.T.!" tanong: "from wer are you?" sagot: "A.N.C.H.S.!" kaliwa pabalek na!  Tapos nung bakasyon nagtetraining pa kami nun sa skul. Jogging sa umaga "gising na! tanghali na! magsaing na!" sigaw namin, tapos kakain ng pan de sal sa iba't ibang paraan, tapos sisigaw "TALUPAAAAD! BALANGAAAAAAY! PULUTONG! DAAAH!" ang saya parang si Shan Cai sa roof top, tapos uwi, tapos balik sa building may dalang tanghalian, tapos marching, training ng baril, sa initan, tapos kain sa MISHOL "sir I'm Cadet Ryan Almeyda asking permission to enter the Mishol sir!" "carry on!" tapos magdadasal, tapos kakain na, unang isusubo kanin o kaya ulam may bilang, tapos bibilisan ang pagkain, tapos uubusin ang tubig, tapos ipapatong sa ulo ung baso, tapos liligpitin na ung pinagkainan, tapos kakain ulet kami lahat sa baba..tapos training as usual. Ung last training ay sa Caridad nag beach kami tapos pronto officer na kami! Ako naging Battalion Staff 1 ang isa sa mga pahiyas sa likuran ni Joshua. Ako si Captain Ryan V. Almeyda! Lumansag! Sirrrr!:)

                                                            

4 + 4 = 8

 

powered by ryanŽ

Hosted by www.Geocities.ws

1