A.D.H.D. Produciones (Putak v.03)

Bating berdey muna.
Edi! 'Wag nang malungkot.
Berto! Antagal! Kelangan na ng turntablist ng No Parking.

Kung 'di niyo napapansin yung Art Quote of the Day
diyan sa pinakababa ng aking pahina, araw-araw nagbabago 'yan:

"Music washes away from the soul the dust of everyday life" - Berthold Auerbach

Sang-ayon?

Parang masahe ng barbero kanina 'yung Love of my Life ng Queen, bandang kasalukuyan kong nginunguya.

At kung 'di niyo rin napapansin, muling nagbabalik ang Ano Itetch?

May mga bago ng clues kaya balik-balikan niyo lang masasagot niyo rin 'yan.

Tinawagan ako ng nanay ko mula Qatar para lang sabihin na hindi siya sa restaurant nagtatrabaho kundi sa ospital... ng mga sheik! Sosyal pa rin.

Nagkita na kami ni Belot matapos ang labinlimang taon.
Ang kapal ng mukha manghiram ng barong matapos manakaw yung cellphone niya kahapon lang. Pero ayun, naihayag ko lang sa kanya ang mga matatayog na saranggola ni Pepe. Labag man sa loob niya, sinisimulan na namin ang pre-prod ng MTV ng MRT.

Ha! Sa wakas! Wala kasi akong maayos na prod na ginawa nu'ng college.

At may opisyal ng katawagan ang aming tambalan ni Belot:
A.D.H.D. Produciones.

Pro-duk-th-yo-nes! Entiende?
Wag lang babasahin yung ADHD nang parang abakada, kasi medyo masagwa.

___________

15. Re-learned water-on-a-duck's-back!
14. Laging magbasa ng DLOB.
13. Mag-drive. At may i-drive? Asa.
12. Makapunta ng Baguio at sa lungga ni Kidlat Tahimik.
11. Bilhan ng magandang video card ang aking PC.
10. NBA Live '08!

October 5, 2007 | 1:50pm | Log 207 |

Pre-school Crush!

Buong araw ko kasama ang banda ko ngayon. May sinalihan kaming battle of the bands sa isang maliit na simbahan sa may Commonwealth. Nanalo si Norman ng Best Guitarist Award habang nauwi kami sa 2nd runner-up. Dahil puro gig, mag-da-dalawang taon na kami't ito palang nasasalihan naming contest bukod sa Globe. Buti nanalo kahit papa'no.

Noong una, ako 'yung nadidismaya kasi hindi sagad-sagad ang panalo. Tapos sabi ni Norman: okey lang yan, hindi naman natin gusto maging exhibitionist. Nang nahimasmasan na 'ko, siya naman ang nadismaya.

Natalo kasi sa championship 'yung UE niya kanina. Haha.

Nanalo naman si Pacquiao.
Dito buong Pilipinas makikinabang.
Kung nanalo UE...
mababawasan ba mga snatcher sa lansangan?

May sa-hawig talaga itong si Pacman kay Rizal minsan.

.

.

.

Dati sa Maskom pinagawa kami ng Musical Interpretation.
Pipili ng kanta tapos lalapatan ng mga larawan.

She Will Be Loved 'yung akin.

Ang diskarte ko noon: gumamit ng mga sanggol para ikuwento ang kanta.

Ngayon, patatandain ko lang nang kaunti para sa music vid ng MRT.

Tipong Daycare.

Kaya patulong naman...

Ikuwento mo naman sa 'king yung pre-school crush mo. :D

___________

9. Mas paghusayan ang pag-budget sa bahay.
8. Alamin pa ang mga sikreto ng entablado.
7. Natutunan kong mahirap ang nagkikimkim.

October 8, 2007 | 3:26am | Log 208 |

<< Logs 204-206

Latest Logs >>

 

Ungkatin ang Baul ni Bambam
(archives)

Free Domain & Hosting

 





 
 
Hosted by www.Geocities.ws

1