Wala nang paalam-paalam. Wala nang pipigil. Wala na.

'Yan ang nakikinita-kinita ko pagka-alis ng nanay ko papuntang ibang bansa.
Pero nu'ng nasa akin na,
mas iniisip ko kung pa'no gastusin sa bahay,
kung ano kakainin ngayon at bukas,
kung may kakainin pa ba (bukod sa malunggay) ...

Hindi kalayaan ang walang obligasyon.
Kaguluhan ang tawag du'n.
Sariwain ang mga aral ng Martial Law, 35 taon na ang nakakalipas...
September 21, 2007 | 1:42pm | Log 204 |
Ito na. Malapit na 'ko mag-bente-uno.
Kaya simula ngayon, dalawampung-araw bago ako mag-berdey,
araw-araw akong maglalagak dito ng mga bagay na natutunan,
mga gustong gawin,
mga dapat gawin,
mga gustong matutunan,
at mga dapat malaman.
21. Magtimpi. Pati pag-alam kung sapat at abuso na.

September 25, 2007 | 3:02pm | Log 205 |
Dahil utak-berdey na ako, babatiin ko muna ang Mama ko. Ayun, masayang-masaya siya nitong nakaraang Biyernes (September 28) sa piling ng tatay ko.
At ang regalo sa kanya ni Lord ngayong taon: bagong trabaho! Food consultant sa isang restaurant ata.
Sosyal.
Bibe na ang tawag sa 'kin ni Keina. Tama ba 'yun? Nagsimula lang 'yan sa ganito. Nakasakay kami sa MRT. Siyempre minsan nakakasawa na rin tumingin-tingin na lang sa labas. Kaya nagtanong ako:
"Kung meron kang bibe na nangingitlog ng ginto, ano gagawin mo?
E yu'ng sinagot ako ng Ice Ice Bibe... dingdingdingding. (alam niyo 'to kantahin).
Parang wala masyadong nangyayari sa buhay ko. Pero habang sinusulat ko 'to, 'di pala.
Matapos ang Butterfly Carnival, Imagine, Let It Be, tiyaka The Scientist, mas ambisyoso yu'ng sunod kong pinag-aralan sa piano... Somebody to Love ni Ka Freddie Mercury.
At tapos ko na! Yey! Ma-i-YouTube nga.
Isusunod ko ang 214. Lalapatan ko na rin ng piano yung ibang kanta ng No Parking

Ayun, dumako tayo sa balitang NP. Malinaw naman mag-record ang Sony Handycam kong si Delphi, kaya antabay lang, i-re-record na namin ang MRT at D.o.t.A.
At matayog ang saranggola ni Pepe. Balak kong gumawa ng MTV ng MRT bago matapos ang taon. Sana magkapakpak ang A.D.H.D. prod outfit namin ni Belot.
___________
20. Matuto magluto.
19. Marunong na ako mag-piano!
18. Magpakabihasa sa aking malapit nang ipanganak na DSLR.
17. Magpakitang-gilas pa sa trabaho. Totoo.
16. Magsulat na ng libro. Kayanin kaya natin?
September 29, 2007 | 5:32pm | Log 206 |
|