Putak v.01

Kanina ko pa pinipiga utak ko. Wala akong masulat.

Wala na lang plano-plano. Nakakabaog 'yun minsan...

Dapat maglalaro ako ng NBA Live '08 sa Xbox 360 dito sa opisina kaso may nagbura. Bakit may magbubura? Tatlong minuto lang kasi yung demo. Pero bakit kahit alam na natin na nakakainis ang isang bagay, sinusubukan pa rin natin? Hmm... nagpapaka-profound. Ayun, nag-download ako ulit...

'Pag magustuhan ng kampo ni Roro ang kanta na tinatapos ko ngayon kasama ang No Parking... theme song na siya ng PBA...

Mag-i-isang buwan na ring nasa Qatar ang nanay ko at ang bunso namin. Bilang taga-budget sa bahay, para akong naglalaro ng The Sims. Kung 'di pa ako pinagalitan sa Y!M ng nanay at tatay ko sa pagiging kuripot, baka malunggay na lang ng kapitbahay (yung pinipitas) ang lagi naming pagkain ng kapatid ko at kasambahay namin...

Kilala mo ba si Turandot? Makinig sa kuwento ni Luciano Pavarotti,
ang boses-langit na kinuha na ng langit noong nakaraang linggo...

Minsan talaga dumarating at dumarating din ang bawal na pag-ibig ...


September 14, 2007 | 9:54am | Log 201 |

Minsan, hiling ka lang...

Dati gusto ko makasali sa UP Fighting Maroons
para naman magka-girlfriend ako ng taga-UP Pep Squad.

Ayun, hindi ako nakasali...

Pero, hehe...

Minsan, hiling ka lang.

2005. Sayang lang pagiging stage-uhm... stage-blockmate-with-a-chever ko nu'n... kasi dinaya lang UP! Gumawa pa naman ako ng neon green na K-E-I-N-A banner.

2006. Hindi na nga dapat sasali para magprotesta. Pinilit lang ng admin. Tatlong linggo lang nagsanay, naka-2nd place pa.

2007. 'Di na talaga madadaan sa daya. Wala nang dahi-dahilan. Wala nang hiling-hiling. Pinaghirapan. Pinag-isipan. Punong-puno ng puso. Okey lang na wala ako du'n sa Araneta Coliseum noong Linggo para maging stage-BF ng isang Pep Alumni / Tandercat... nasa Diliman na ulit ang UAAP Cheerdance Championship!

September 19, 2007 | 6:30am | Log 202 |

Commonwealth.

Pinapalawak ngayon ang Commonwealth.

Medyo malungkot ako
kasi tinatapyasan ng lupa
yu'ng bakanteng lote sa UP,
sa may tabi ng CHK.

Dito ako nakakita ng mga egrets dati...


They paved paradise
to put up a parking lot...

September 20, 2007 | 7:24pm | Log 203 |

<< Logs 198-200

Latest Logs >>

 

Ungkatin ang Baul ni Bambam
(archives)

 





 
 
Hosted by www.Geocities.ws

1