December 27th 2004 | Monday | 12:37am

"A GAME OF GAMBLE"

 

    We went to Tagaytay a while ago. Namasyal, nagpa-piktyur at kumain kami. The trip was so great. Ang dami kong na-realize muli.

 

    Nakapasok akong muli sa casino. Hehe. Kahit hindi pa ako 18, my height fooled my real age. Akala ko nga di ako papapasukin eh pero sinugal ko na rin yung risk, nagbaka-sakali. Luckily, I was able to enter. I was with my mom, cousin, sister and her friends. Ang saya. Na-realize kong ang hirap pala talagang tumaya sa casino. Di mo alam kung uuwi kang nag-uumapaw ang bulsa o di kaya'y uuwing butas na ang bulsa. You have to take risks, get a pinch of luck and sometimes, be wise in your decisions. Kainis nga eh, dapat panalo na ako pero dahil nag-asam pa ako ng mas malaki, natalo na ako. Sayang. Pero as said by my mom, "at least nag-enjoy ka."

 

    Later that night, nagka-yayaan naman papuntang perya. Haha. Sugarol talaga eh noh. Nasa Batangas pa rin kasi ako kaya tinuloy-tuloy ko na ang happy moments ng bakasyon! Alam kong sa pasukan, it will again be a dooms day. Parang casino din ang perya. Ang kaibahan nga lang, mas simple ang kagamitan. Tuloy ang kalog ng dice sa beto-beto. Tuloy ang gulong ng blocks sa color game. At tuloy din ang panalo ko! Haha. Nahirapan akong manalo pero dahil sa laki ng singual ko, luckily paid-off lahat ng iyon.

 

    In real life, there are heaps of instances that we gamble. We take risks, we take chances. Sometimes we win, not just because of mere luck. Rather, we win because we have thought about it carefully. Di ka naman kasi makakatamasa ng TUNAY na tagumpay kung di mo pinag-isipan at pinagpaguran. May mga panahong nagagapi tayo. Ito ang mga pagkakataong nawalan tayo ng pag-asa, natakot at nagpadala.

 

Remember that the key to survive in this game of gamble called life is to be strong, be filled with lots of hope. and simply live in love.

leave a comment

 

 

December 25th 2004 | Saturday | 08:05pm

"ONE MESSAGE RECEIVED"

 

    Once again, sumapit ang pasko. For the past few days, I was thinking about plans on how to celebrate Christmas in a different way. Napaka-tipikal na kasi ng mga nakaraang pasko ko kaya paminsan, di ko na madama ang tunay presensya nito.

 

    Bakit nga ba habang tumatagal pa-boring na nang pa-boring ang bawat pasko? Dahil ba sa tag-hirap na? Dahil ba sa paniniwalang corny na ang mga binalot na regalo't aginaldo? O dahil ba sa unti-unti na nating nalilimutan ang tunay na diwa at kahalagahan ng pasko?

 

    Christmas Eve. Wagi ang gabing yun. Nagsimbang gabi muna ako with Ate Inday [our kasambahay] and Gabby [my cousin]. Naglakad lang kami papuntang simbahan. Ang lamig ng gabi. Puno ng liwanag. Maraming tao. Pilit kong dinama ang dami ng tao para man lang maisip kong pasko na talaga ngunit di pa rin yun sapat para mapa-oo ang sarili ko. Palagi naman kasing ganun, ang tipikal talaga. Umuwi ako. Nag-noche buena with my family. Ang handa - pang-tipikal na pasko din. Naghahanap pa rin ako ng kakaibang diwa ng pasko. Baka kasi nandiyan lang sa tabi-tabi, hinihintay na madiskubre.

 

    I just went up to my room. Hinihintay ko ang alas-dose. Sa pag-aabang, kinuha ko na lang ang cellphone ko. Nagulat na lang ako sa dami ng sunud-sunod na text messages - bumabati ng maligayang pasko. I felt glad that people bothered to greet me a merry Christmas. Dun ako napa-isip, napa-nganga at napa-buntong hiniga. "One message received, that we remember Jesus' birthday. It's a moment of celebration because we're still alive and Jesus redeemed us." Yun ang nagpa-iba sa pasko ko. Nakita kong muli ang  tunay na diwa ng pasko. Sa mga text messages lang pala matatagpuan ang sagot sa mga tanong ko, buti naimbento yun.

 

Salamat sa mga nag-text sa akin:

chuchi, djhay, luis, odessa, tine, queennie, nia, monika, imee, aiza, jhang, ayna, ms tsaby, pau, julz, lira, hiyas, heart, judy, kc, ms faith, czar, cha, kath, madie, alyssa, mau, franz, estoy, ms helen, k.lo, cent.. MUAHUGZ! =)

 

The difference of things depends on how you would see and perceive it.

leave a comment

 

 

December 21st 2004 | Tuesday | 09:27pm

"ASA KA PA?!"

 

    It’s been a while ever since I ride an LRT vehicle. Isang ordinaryong behikulong nagpamulat sa akin ng maraming bagay kanina. It was a distinctive experience and realized that many had changed, figuratively and literally.

 

De-token pa ang sistema nang huli akong sumakay ng LRT. Di tulad ngayon, high-tech na. Nagmukha tuloy akong mangmang kasi mali pa ang pagsuksok ko sa card. At saka, hindi pa noon hiwalay ang babae’t lalaki. Mas okay yun, bawas sa worries na manakawan ka. Na-enjoy ko talaga yung ride. Maluwag kasi. Nakakaikot-ikot pa ang leeg at imahinasyon ko sa pag-uusisa. Madalas jeep lang ang sinasakyan ko kapag nag-co-commute. Di naman kasi ganung kalayo ang pinatutunguhan ko. I was with KC and some other high school friends a while ago to hang-out. Napasakay lang ako ng LRT dahil yun ang alam nilang ruta. Ang dami kong napagtanto. Kaso nung pauwi na, super sikip naman. Asa ka pa?! Eh rush hour! Ang hirap talaga makipagsiksikan.

 

Kasabay ng biyaheng patungong SM Manila lulan ng LRT, ay ang pagbiyahe kong muli pabalik sa nakalipas lulan ng mga alaala.

 

Before going to SM, I went back to STC. Again. Kelan lang sabi ko, “hay naku, hinding-hindi na talaga ko babalik sa paaralang ito.” Bakit ko nasabi yun? Minsan kasi na-fe-feel kong nakakahiya ng bumalik doon. Graduate ka na nga naman, eh bakit makiki-epal ka pa. Nilunok ko nanaman ang mga winika ko kanina. Ewan ko ba kung bakit dun nanaman ako dinala ng mga paa ko. Naalimpungatan na lang akong nakatapak sa paaralang minsang nagdala ng magagandang alaala. Iba ang naramdaman ko habang nandun. Minsan ang sakit din palang bumalik, nakikisiksik sa mundong hindi na umiinog sa iyo. Gusto mong ibalik ang lahat – ang mga tao, ang mga pangyayari, ang dating samahan at dating biruan. Natuldukan na ang lahat. I was trying to keep in touch, but hopelessly all things had gone. Ganun pa rin ang hitsura ng lugar na iyon ngunit, wala na ang panahon ko. Hinangin na siguro patungo sa alapaap o naitulak ng palabas dahil sa masikip na mundong pumalit doon. Nakakalungkot. Gusto ko nanamang ibigkas ang linyang minsang sinabi ko.

 

Akala ko ang masikip na LRT lang ang nakaka-badtrip. When it comes to real life pala, it’s more painful to push yourself towards something you can’t fit in anymore. Kapag lalo mong isinisiksik ang sarili mo sa nakalipas, baka ma-stuck ka lalo at makalimutang may maluwag pang hinaharap. Simple lang ang natutunan ko kanina – let go. Tuloy ang biyahe at darating din ang panahong hindi na magsisikip ang mundong nais kong pasukin.

 

…Nasanay na tuloy akong palagi kang nandyan. Nalunod ako sa pag-asa. Pag-asang di ko naman dapat sinimulan pero nagtuluy-tuloy sa damdamin ko..

...Ano nga namang karapatan kong magtampo kung minsang nawawala ka na sa tabi ko. Sinusubukan ko minsang magparamdam para lang mapansin mo ko ulit. Para na nga kong tanga minsan eh. Nalulungkot na lang ako palagi sa tuwing nararamdaman kong pinagsasawalang-bahala mo na ko. Nangarap kasi ako ng gising eh. Gusto sana kitang sisihin sa lahat ng pagluha ko pero… ano naman ang ibubunton ko sa iyo, eh ako lang naman ang umasa simula pa noon!...

[Check out the full content of this short story]

leave a comment

 

 

December 20th 2004 | Monday | 11:29pm

"SWEET TOUCH OF DREAMLAND"

 

    Kung may instant P500 pesos ka sa mga kamay mo, saan mo agad dadalhin o gagastusin ang ito?

 

    Marahil yung iba, ipangkakain sa labas o ipambibili ng new outfit. Sa bagay, festive mood na nga naman ngayon - kung hindi mo pupunuin ng tuwa ang sikmura mo, gagawin mo namang magara ang hitsura mo. Ang daming murang bagay ngayon dahil mag-papasko na. Ang daming discounts, free offers, and extra bonuses na talaga namang magdadala sa iyo sa "dreamland". Kahit "a touch of dreamland lang", it's a thing that surely counts.

 

    Ako, simple lang ang touch of dreamland ko. May natira pa kasi akong pera. Nakabili na ko ng gifts for other people kaya sarili ko naman ang niregaluhan ko. I went straight to the salon. Ano ang ginawa ko dun at saan napunta ang P500?

 

1. Foot Spa

Worth: P100.00 lang [dahil may promo.]

Effect: Tanggal ang kalyo, ang kinis pa ng paa mo! Inggit lahat ng tao dito sa bahay. HAHA.

 

2. Hot Oil with Aroma

Worth: P150.00

Effect: Sumusunod sa galaw ang hair ng lola mo! The fragrant smell of aroma feels so great, from my scalp up to every strand. =)

 

3. Head and Back Massage

Worth: P150.00

Effect: Tagtag ang stressed feeling. Refreshing at nakakagaan ng inner aura ba.

 

4. Food Trip

Worth: P60.00

Effect: E di busog! Aba, siyempre nakakainip din sa salon noh kaya nag-purchase ako ng food. [yum3x!] I ate raisin bread and drank soda.

[Yung P40.00 pinang-tip ko na. I had a superb afternoon naman eh!]

    

     Paminsan, kailangang bigyan ng premyo ang katawan. Biruin mo, halos araw-araw bugbog sa trabaho at gawain. Parang makina yan eh, kailangang langisan para gumana nang mas maigi at mas mabilis. Tandaan nating lahat ng bagay humuhuna din habang tumatagal. Kapag hindi mo ipinagpahinga, baka bumigay. Marunong din naman tayong mapagod. We have our limitations and we simply need a break.

 

Tao lang tayo, di tayo super hero.

leave a comment

 

 

December 19th 2004 | Sunday | 09:45pm

"ANG HALAGA NG EDUKASYON"

 

    Bakit may mga estudyanteng ayaw ng mag-aral? Yung tipong sa kalagitnaan, bigla na lang bibitaw - nakapag-down payment na ng libu-libong hhalaga, kumpleto na ang libro't school supplies, na-plantsa na ang uniporme, may pambaon pa sa araw-araw at ilang taon na lang bago magtapos ay saka pa susuko. Hindi ba nila naisip na sayang? MALAKING SAYANG. Talaga bang nakakasuka ng mag-aral kahit marami kang benepisyong maaaring makuha dito? Nakakasawa na bang maglabas-masok sa paaralang pinupuspos ka naman ng karunungan? Nakakapagod na ba talagang magpuyat at magsikap sa pag-reresearch kahit alam mong balang-araw makakatulong ito? Ang dami kong tanong sa mga taong nagtaas na ng puting bandila sa pag-aaral. Hindi ko sila maintindihan.

   

    Karaniwan, 17 taon ang inaabot ng isang ordinaryong estudyante sa pag-aaral. Mula nursery, kinder, prep, 6 na taon sa grade school, 4 na taon sa high school, at 4 na taon sa kolehiyo. Sa bawat antas, unti-unting nahuhulma ang kanyang kaalaman tungkol sa iba't ibang aspeto ng buhay. Ito ay isang mahabang proseso. Gamit ang libro, notebook at iba pang kagamitan, nagsisilbi ang mga ito bilang gabay tungo sa pag-aaral. Isama mo pa ang pagsasakripisyo ng mga gurong bayani na nga kung ituring. Mapalad ang mga batang kayang bayaran ang nakapanlulumong matrikula sa private schools. Kung medyo kapos ka, pwede rin sa pampublikong paaralang sinasalo ng gobyerno. May scholarships pa nga minsan eh. Sa mga isinaad kong ito, obvious namang malaki ang pagpapahalaga sa edukasyon.

 

    Baka maitanong niyong muli, bakit nag-aaral ang isang tao? Daan-daan ang sagot. Iba ang "literate" ika nga. Mas madaling magtrabaho kung nagtapos ka. Mas madali kang kikita ng pera kung nag-aral ka. Kahit simpleng pagbabasa ng road signs o food ingredients, malalaman mo kung nagsumikap kang mag-aral. At higit sa lahat, ang edukasyon ay ang kayamanang kailanma'y di makukuha sa iyo ninuman. Walang katumbas na halaga ang dunong sapagkat yan ang magluluklok sa iyo tungo sa mga pangarap mo.

 

    I just find things ironic. I know someone kasi who's so dead beat already on school education. Oo, alam kong mahirap para sa ibang mag-aral pero di ba, it's a part of the game. No pain, no gain. Isipin mo na lang, ang daming di nakakapag-aral. Hay. Kulang lang siguro siya sa tiyaga at direksyon sa buhay.

 

Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate. Iba't ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.

-from Bob Ong's Abnkknsnplako?!

leave a comment

 

 

December 17th 2004 | Thursday | 12:11am

"PASKO PAKSIW, PASKO PASKIW???"

 

    Ewan ko ba, sa tuwing lalapit ang pasko, madalas kong marinig sa mga magkakaibigang walang magawa sa buhay ang "pasko paksiw, pasko paksiw.. and so on.." Bakit nga ba sa dinami-dami ng salitang maaaring itambal sa "pasko", ay "paksiw" pa ang ginamit. HAHA. But who cares for the reason, basta ang alam ko, masaya siyang bigkasin nang paulit-ulit at gawing tawanan sa mga magkakaibigang puro windang. Aminado akong kakabigkas ko lng niyan few hours ago.

 

yeah! glow sticks! rock on \m/    It was my first Paskuhan in USTe. Very festive. Bumili ako ng glow sticks. Kumaen. Nanood ng bands and dances. Ayy ang Rivermaya pala nag-perform! [Astig yung guitarist]. Kanina nga napaisip ako. Sabi ko sa sarili ko, sana lagi na lang pasko; laging masaya, laging buhay, puno ng hiyawan at sayawang tila wala ng probelamang babalikan. Iba talaga ang mood kapag pasko. Nadama ko nang husto ang diwa nito -- binudburan ba naman ng sangdamakmak na Christmas lights ang UST campus, di ka pa ba makadama ng pasko nun?! Hehe. But seriously, I appreciated those simple signs, making itself felt into my naive mind that Christmas is just ahead. Umpisa na rin ng Simbang Gabi. Marami ng nagtitinda ng puto-bumbong at bibingka. At higit sa lahat, dumadating na ang mga regalo!

   

    Thank heavens for my one of kind 1jrn1 friendchips na pinatawa ako to the nth power all throughout. Gifts talaga sila sa buhay ko. Byu the way, I also received gifts from them a while ago [Thanks guyz!]. Kung anu-ano ngang natanggap kong regalo eh. Pero tulad ng larong "pasko paksiw", kahit ano pa mang ibig sabihin ng mga regalong yun, napasaya ako nang sobra-sobra.

 

Ang Pasko ay parang paksiw. Putaheng pinananabikan, pinaka-aasam. Minsan lang ihain pero sadyang malinamnam. At kapag iyo ng nalunok, di ba hahanap-hanapin mo pa ulit ang lasa nito?

leave a comment

 

 

December 14th 2004 | Tuesday | 09:20pm

"ABYSS OF FRUSTRATIONS"

    Ang daming nagulat sa balitang wala na si FPJ. Sino ba naman kasing mag-aakalang ang panday ay bigla na lang namatay. Kelan lang eh laman pa siya ng bawat pahayagan, nanliligaw sa buong sambayanan para sa alok niyang serbisyo sa bayan. Malakas pa siya nun. Ngayo'y laman ulit siya di lamang ng mga pahayagan. Saksi ang lahat sa unti-unting paglikwad ng mga huling sandali niya. Halos lahat ng tao nakikisimpatya sa namayapang hari ng pelikula. Nasabi na lang ng karamihan, "Sayang"...

   

    Malapit na ulit ang bakasyon. Dalawang araw na lang, to be precise. Oks na sana kaso nababagabag pa rin ako. Naiinis kasi ako sa mga nagaganap sa buhay-eskwela ko recently. Masyado lang siguro akong perfectionist pero di ko ma-deny sa sarili kong frustrated ako on my recent quizzes. Feeling ko kasi I didn't do my best. Alam kong tipikal na sa bawat estudyante ang linyang, "Sayang, sana ganito.. sana ganyan.." Hay naku. Kanina nga lang sa Geography ang baba ng nakuha kong score.

 

    Ang dami kong gustong sisihin. Gusto kong sisihin si Ma'am, na sana pinagpaliban na muna niya ang quiz. In the first place, hindi klaro nung nakaraan na may quiz pala. Sana nag-rason din nang husto ang klase para i-move yung quiz. Maraming hindi handa. O di kaya,  nag-aral na lang ako nang mabuti kahit instant reviewing. Pero sabi nga, di mo makukuha ang isang bagay nang madalian. Dapat pinag-aaralan at pinaglalaanan ng oras. In the end, nasabi ko na lang sa sarili kong walang dapat sisihin because I things go that way. Sabi nga ni Ma'am Peppin kanina, "Maturity comes when you blame nobody"

   

    In life, everything has reasons. Minsan, mahirap mahanap ang mga rason ngunit tandaan nating di lahat ay nadadaan sa madaliang proseso. You must not blame anyone or anything for an event happening in your own life. Instead, learn how to stand after every fall. You may stumble and fleetingly get stuck in an "abyss of frustration" however, be sure when and you know how to get up. Katulad ng mga nagmamahal kay FPJ, siguro di naman "sayang" ang maagang pagkamatay niya sapagkat may rason ang lahat. At katulad din sa nangyari sa akin, alam kong makakabawi pa kong muli.

 

You should always learn, with life comes wisdom and with wisdom comes the courage to live your life selflessly. The more you learn about yourself and the experiences surrounding your life the more opportunities you have to make your life better and more fulfilling.

-Amy Candy

leave a comment

 

 

December 9th 2004 | Thursday | 09:34pm

"GINTO"

    Pinaka-ayoko talaga sa lahat ay ang napag-iiwanan. Ayoko ng natatambakan ng mga gawain at napapanganga sa mga bagay na wala na akong kaalam-alam tungkol dun. Ayokong maghabol. Nakakapagod kumaripas ng takbo, na tipong lalawit ang dila mo. That's the reason why I believe that we must always view life as a day ahead, so that you won't be left behind.

 

    Recognition day kanina kaya di ako nakapasok ng tatlong subjects. Yes, dean's lister ako. [wuhoo!] After all the hard works nung first sem,  the sleepless nights, exhausting hours and a myriad of sweat, finally I hit the gold.

 

     This day has been a very tiring day. I know I have to catch up on so many things about school matters. Ilang oras lang ako nawala, ang dami ng naganap. Ang dami na nilang nagawa, napag-usapan at naisulat sa bawat pahina. Nung bumalik kami sa klasrum, di na ko maka-relate sa mga pinag-uusapan nila. Nakabukas ang lahat ng kwaderno nila, samantalang nanatiling nakasara ang ulirat ko sa mga ginagawa nila. Totoo palang time is gold. Oo, ginto ang bawat sandali. Kapag hinayaan mong maubos, ang laki nga ng mawawala sa iyo.

 

    Nag-P.E. [Fitness] din pala ko from 9-11am. That's the reason why my muscles are damn aching right now. Super S  T   R    E  T   C  H  I   N   G ang ginawa namin kanina. Curl-ups, reaching, and the rest of the aerobic activities. Nag-present na rin kami ng group exercise na napakatagal ng na-delay dahil sa maraming beses na na-suspendido ang klase. Aminado kami, minadali yung presentasyon na yun pero nasagawa namin nang maayos. Naka 1.25 pa kami. Mala-gintong grade di ba. Astig. Kahit pala time is gold, puwede mong magamit ang nalalabing piraso ng ginto para gawing ginto ulit.

 

Gintong oras ma'y mahirap habulin, napagsisikapan din ng maagap na taong pangarap ay ang bituin

leave a comment

 

 

December 6th 2004 | Monday | 11:21pm

"WALA KA NA BANG KWENTONG DI PESSIMISTIC?"

 

    PARAISO. Meron pa ba niyan? Wala na. Gumuho na sa loob ng isipan kong nag-eexist pa yan ngayon. Ilusyon na lang siguro yan. Di ka na makakatakas sa bangis ng realidad. Isang pananaw ng isang sabog na estudyanteng pilit umaaklas sa tanikalang kung tawagi'y "mga problema". [*Pasensya na kung sabog tong blog ko ngayon.]

 

    Ughh, I really feel so exhausted today. Para bang lahat ng bato binagsak sa akin ngayon. Bukol sa damdamin ang inabot ko. Bato na rin ang luha ko. Sino palang may biogesic? Ang sakit ng ulo ko.

 

    Umaga, ang ingay ng ibon sa kapitbahay. Nakakarindi. Ang aga-aga pa pero napilitan na rin akong magising. Idagdag mo pa ang kalembang ng rehas mula sa aso naming nauulol na rin. Nagugutom na ko pero wala pa palang pang-ulam. Gusto ko ng maligo pero walang tubig. Tinatamad ka na nga pumasok sa iskul, lalo ka pang tatamarin dahil sa mga kamalasang ke-aga-aga'y naranasan mo.

 

    Tanghali, ang ingay sa loob ng klasrum. Siyempre, journ eh. Dumating si prof Eco, pilit kong inintindi ang lesson niya.. pero bakit ba ganun! Ang bulok-bulok ko, di ko talaga siya ma-gets. Dumating ang Journ class, ang dami kong gustong itanong, di ko naman maitanong lahat kasi nagmamadali si Ma'am. Pauwi na ko, naramdaman ko na lang umaambon na. Naiwan ko ang payong ko. At mag-isa lang akong umuwi kanina. Saya di ba?

 

    Hapon, nasa biyahe na ko pauwi ng bahay. Mausok. Trapik. Basa ang kalsada. At higit sa lahat, nagsama-sama lahat ng ingay sa kalsada! Bumusina pa sa harap ko ang isang 10-wheeler truck. Alam niyo ba kung gaano kalakas yun?! Epal na mamang yun.

 

    Gabi, may nagtext sa akin. May di kami pagkakasundo ng taong yun, kaya pumayag na rin akong pag-usapan ang mga bagay-bagay. Sige, text, text. Isip, isip. Pagod na kong mag-isip pero di pa rin kami nagkaintindihan. Tumawag ako sa mga kaibigan ko para humingi ng advice. Sige, dakdak, talak. Masakit na ang lalamunan ko pero di pa rin malinaw ang lahat. Nag-usap na kami sa telepono ng taong yun, pero bakit parang ang dami ko pa ring tanong na di nasagot ng usapang yun? Actually, nasabi ko sa kanya yun, na hindi ko pa rin siya maintindihan. Sumuko na ko, sinabi ko na lang na oks na.. kahit hindi pa talaga. Naisip ko kasing baka nasa sa akin na ang problema. SIGURO NGA. Nakalutang pa rin sa ere ang mga winika niya sa akin, di ko pa naiisip kung anu-ano ang mga yun. Masyado na kong pessimistic. Inanod na ng mga malas na kaganapan ang lahat ng kulay sa mundo ko ngayon. Di ko na kaya pang mag-isip ng realisasyon.

 

    Ang pangit talaga ng araw na ito. Stupid day for so many reasons. Magka-text pa rin kami nung gabi, dun na nga lang ako napatawa nang kaunti eh. [Thanks pala kung nababasa mo to]. Normal ang takbo ng buhay para sa iba ngayon. Umikot ang mundo sa araw, umikot ang buwan sa mundo, ngunit masyado akong naging pessimistic - hindi umikot ang mundo ko. Na-stuck ako sa mga negatibong bagay ngayong araw na ito.

 

"..They say that time is a great healer. That's a lie. You just get used to bearing the pain until your heart goes NUMB. You don't live, you just get by.. one stupid day at a time.."

leave a comment

 

 

December 3rd 2004 | Friday | 11:59pm

"BUHAY-KAMERA AT ANG TUNAY NA BUHAY"

 

    Napagtripan ko yung bagong video camera namin kanina. Dahil halos isang linggo nanamang walang pasok, aba..nakalikha nanaman ako ng obra. Sa kakabutingting ko sa video cam, natutunan ko na rin kung paano paganahin ito, palakarin ang lente at  paiiralin ang wirdong imahinasyong kong matagal na palang nakaimbak sa noo ko. Kapag nauuntog pala ko, minsan naiisip kong maging direktor din. Taas ng pangarap noh? Dati writer lang, computer whiz o di kaya'y journalist.

 

my video cam..    Ang hirap din pala. Nakakatagaktak ng pawis at nakakaubos ng laway. Paano pa kaya yung mga gigantic movies?  Tipong Titanic, Lord of The Rings o kahit nga Scary Movie eh. Makalaglag-dila siguro yun. Mahirap palang mag-isip ng konsepto at gumawa ng mga eksenang dapat patok. Paulit-ulit mong tuturuan ang casts mo. Actually mga bata pa nga lang yung tauhan ko eh, [Si Schenly at Xianne] pagod na pagod na agad ako. Wala pa diyan yung pag-eedit at animations sa computer. Napakalawak ng sakop ng filming. Sa 5 oras kong pagsabak, na-enjoy ko rin kahit papaano.

 

    Taliwas sa konsepto ng totoong buhay, malayung-malayo ang pananaw ko ukol sa buhay-kamera. Sa tunay na buhay, minsan walang take 2 o take 3. Kapag naka-on na ang "lights" ng buhay mo, tuluy-tuloy ang daloy ng kwento. Kapag tumigil ka, ikaw rin ang mapag-iiwanan ng eksena. Ikaw ang direktor, na siyang magdadala ng eksena. Ikaw rin ang aktor, na siyang gaganap sa bawat galaw mo. Ikaw ang major crew, na siyang unang tutulong sa sarili mo sa tuwing magkakamali ka. Tandaan nating bagama't maraming taong handang tumulong para sa atin, tayo rin ang higit na makakatulong sa ating mga sarili. At ikaw rin ang masugid na manonood, na siyang tutunghay at huhusga sa kuwento ng buhay mo. Walang karapatang humusga ang iba sa eksenang di naman nila kinatampukan o di nila alam ang buong istorya. Di pala dapat tayo magpadala kung pintasan o husgahan man tayo. IKAW ang mas nakakakilala sa nilalaman ng pagkatao mo.

 

    Salamat sa advice mo Miss Helen. High school counselor ko siya. Naisipan ko siyang i-text at buti na nga lang, nakausap ko siya. Di na talaga ko magpapadala sa kritisismo ng iba, kahit kaibigan ko pa siya.

 

It's part of the game. You should handle criticisms positively. After all, it will help you become a keen writer and it will aid you to improve your works. Remember you can't please all. Believe in God, to your talent, and to yourself!

[Thank you Miss Helen for your heart-warming advice^.^]

leave a comment

 

December 1st 2004 | Wednesday | 10:55pm

"ANG DISADVANTAGE NG SCHOOL LOCKER"

 

    Mabuti ngayong college mas magaan na ang gamit na dinadala papunta at pauwi ng iskul. Wala na yung mala-maletang bag na tipong makukuba ka na sa kakabitbit. Naalala ko nung grade school pa ko, usong-uso ang stroller bags at kahit minsan konti lang naman ang dalang gamit, mas mabigat pa ang bag! Iisa na lang ngayon ang notebook ko. DI tulad dati, required pang uniform yung cover ng 8 o 9 na notebook. Puwede na kasing magkakasama sa iisang binder ang notes mo para sa lahat ng subjects. Mas konti na rin ang libro. Choice mo kung hahanap ka ng reference books [pero bihira na lang ang masipag maghanap ng reference book ngayon. Hehe.] Pinapaubaya na ng professors kung saan mo sinusulat ang mga ni-lelecture nila o kung sinusulat mo ba. Ganun din sa libro - kung ginagamit mo ba o hinde. Kahit na super gaan na ng gamit ko, nakakagulat pero nag-lolocker pa rin ako. Trip ko lang mag-avail nun, naisip ko kasing baka magkataong magdala ng advantage yun sa akin.

 

    Apat na araw ang bakasyon namin kailan lang. Ayos. Parang nasa cloud nine. Kaso, parang na-drain ang utak ko at parang nagka-amnesia ako sa mga former lessons. Sa pagmamadali kong magbakasyon noon, naihagis ko na lang lahat ng gamit ko sa locker. Ang gulo-gulo na nga eh. Di ko na naisip kung gagamitin ko ba ang mga libro at notebook ko para mag-aral.

 

    Dumating ako kanina sa iskul. Pabagal-bagal pa ko ng paglalakad papunta sa upuan ko habang minamasid ang mga kaklase kong nakasubsob lahat sa mga notebooks nila. May quiz pala sa Eco!!! At nasa locker ko pa ang notebook at libro ko. Napakagaling na bata. Hinayaang matulog sa loob ng locker ang mga bagay na dapat ginamit habang nagbabakasyon. Nawala sa isipan kong may pagsusulit pala. Masyado akong dumepende sa kapasidad ng locker kong magpagaan ng bitbit na gamit pero dumepende din pala ko sa locker kong umiwas mag-review ng lessons. Tinuruan akong maging tamad ng locker ko. May disadvantage din pala minsan ang mga bagay na minsan akala mo puro convenience lang ang binibigay. Kaya hayun, na-frustrate tuloy ako pagkatapos ng Eco exam. Alam kong kaya kong sagutan yun kung nag-aral lang ako. Di naman ako nagkulang sa notes eh. May libro naman ako. May reference book pa nga actually. Yun nga lang, ang locker ko ang pinag-aral ko. Kung sa Eco term ba, I didn't use the resources and allowed a scarce situation. Mamaya dean's lister na rin ang locker ko sa sobrang talino niya. Ako naman nabobo dahil ginawa ko yun. Nakakatawa. Nakakainis. Nakakalungkot. Sayang din yung Eco exam na yun. Sabi ni Sir, yun na ang pinakamadaling exam niya. Hay.

 

Nasa huli ang pagsisisi - na sa sana ganito, ganyan; na sana ginawa mo yan at iniwasan mo yun. Di mo na maibabalik ang mga pagkakataong may pagkakamali pero minsan, puwede mo pa yun ituwid para sa susunod na hakbang, di ka na mamamaluktot muli.

leave a comment

Hosted by www.Geocities.ws

1