|
Home Page
Guguho ba ang
tore?
City Engineer's Report
Media Releases Links National Historical Institute National Commission for Culture and Arts
On the Preservation and Restoration Heritage Consevation Society Bureau of Mines & Geosciences
|
![]() San Diego de Alcala Church and Bell Tower 1911 Ang kampanaryo ay piping-saksi sa buhay natin na hanggang ngayon ay walang sawang tumitindig upang tupdin ang atas na ginagampanan niya sa loob ng kung ilang daang taon, at sa kung ilang daan taon pang darating para sa mga susunod na henerasyon ng mamamayan ng ating pinakamamahal na parokya ng Polo.
|
GUGUHO BA ANG KAMPANARYO?
Hindi. Ang mga nahulog na bahagi ay mga kornisa at palamuti lamang ng kampanaryo. Tumubo at nag-ugat, dahil na rin sa kapabayaan ang ilang punong balite kaya natapyas ang bahagi ng kampanaryo. Wala itong kinalaman sa pang-estruturang integridad. Stable pa rin ang center of gravity ng ating kampanaryo, at walang dahilan upang ito ay tumumba. Ayon sa National Historical Institute, kung matatanggal ang mga punong ito, matatanggal na ang mga batong hindi na matibay ang pagkakapit sa gilid ng kampanaryo upang maiwasan ang sakuna. Ang panlabas na bitak ay maaaring iniksiyunan ng cement epoxy upang magdikit muli ang mga bato. Nagpahayag na rin ang ang mga structural engineer ng DPWH at ang lokal na tanggapan ng engineering, at ayon sa kanila, maaaring kumpunihin ang kampanaryo taliwas sa sinasabing wala nang magagawang paraan upang ito ay sagipin. |
||