magmulat

BAHAY NA PULA>>PULANG SILID



Ang Pulitika at Ekonomiya ng Mass Media


PROF. JAMES PETRAS



Sinalungguihitan ni James Petras ang bentahe ng Marxistang perspective ng media sa liberal at konserbatibong pagtingin sa media. Ayon kay Petras, pinupunan ng Marxistang pananaw ang pagkukulang ng konserbatibong pananaw at ang kalabisan ng liberal na pananaw.

Malaya umano tayong magpahayag. Nakasaad pa sa Saligang Batas na walang anumang batas ang maaaring i[patupad na sasagka sa kalayaang ito.Pero iilan lang ang ganap na nakatatamasa ng karapatang ito. Konsentrado sa mga pamilyang may politikal at komersyal na interes ang pagmamay-ari ng malaking bahagi ng media. At dahil sa pinangangalagaang nilang interes, nasasakripisyo ang karapatan ng mga taong malaman ang totoo at ang pribilehiyong makapagbuo ng matalinong pananaw mula sa karapatang ito.

Ngunit nasisipat ng tao kung ano ang totoo at hindi, ayon na rin sa kanyang konkretong kondisyon. Patunay ng dayalektiko ng mga uri ang pag-alma ng masa kapag hindi nasasalamin ng balita ang materyal na kondisyon, laluna kung tinatago ito; at mas taliwas ang ibinabalita, mas matindi ang pag-alma. Noong ibalita na gumanda ang lagay ng ekonomiya noong 2007, sinagot ito ng ilang demonstrasyon kung saan ipinahayag ng ilang grupo ang pagkadismaya sa kaunlarang natapos lamang sa mga numero. Noong walang media entity ang nag-pakita ng madugong dispersal sa mga magsasakang nagpipiket sa Hacienda Luisita, isang grupo ng mga dokumentarista mula sa Tudla Productions ang buong tapang na nagpakita nito. Habang panay naman ang pagpapalabas ng mga anunsyo na ilang libong coffee farmer ang natutulungan ng Nestle, may ilang reporter na naglakas -loob na isiwalat ang pagpatay sa isang lider ng labor union sa kompanya, si Ding Fortuna, at ang pagpatay sa humalili sa kanya.

TV Patrol

TV Patrol, one of the longest-running newscasts in the country, is both widely-followed and criticized for its graphic, tabloid-style reporting. TOP: Former anchors Noli de Castro (left) and the late Frankie Evangelista (right); BOTTOM: Current anchors Karen Davila and Ted Failon

Hindi lang ito alternatibong pagbabalita. Isa itong pagsuway. Isa itong pagpapahayag ng pagkadismaya sa kasalukuyang sistema.

Malalim pa ang gabi. Matagal-tagal pa ang pakikibaka para sa isang media na tunay na naglilingkod sa interes ng sambayanan. Sa ngayon, mananatili ang tunggalian, iigting at aalingawngaw hanggang saklawin ang malaking hanay ng mamamayan upang magrehistro ng nagkakaisang tindig:palayain ang media mula sa komersyal nitong oryentasyon at isulong ang isang makabayan, maka-masa at makatotohanang pamamahayag.

---

Prof. James Petras: Mass Media & Mass Politics - Conservative, Liberal & Marxist Perspectives

Introduction
The role of the mass media (MM) in influencing mass and class behavior has been a central concern among critical writers, especially since the turn of the Twentieth century. Debates and studies on the MM have focused on its political bias, ownership and links to big business, relationships and ties to the state, relative openness and diversity, promotion of wars and corporate interests among other major issues affecting the relations of power, wealth and empire. Of particular interest to writers opposing and supporting the role of the MM is the impact of the MM in influencing mass outlook, opinions and behaviors. Essays, monographs and empirical studies have been published as to the extent of MM influence, the time frame in which it retains control, the ‘depth’ of loyalty to MM inculcated opinions, and the ‘place’ in which MM messages have the greatest influence in inducing mass opinion in conformity with ruling class interests.

An understanding of the role and power of the MM in contemporary capitalist society requires us to organize the debate according to three major schools - conservative, liberal and Marxist - before proceeding to a critical analysis and finally presenting notes towards setting alternatives to elite-controlled communications networks.

Ipagpatuloy


MAARI RING SILIPIN:
Balik-Tanaw sa Subersibong(?) Si Nora Aunor

©2009, RUPERT FRANCIS MANGILIT. All Rights Reserved
Hosted by www.Geocities.ws

1