sulat
sagot sa sulat
Mahal kong Ama,
Natanggap ko po ang inyong sulat at natutuwa po ako at nakalipat na kayo sa bagong tirahan sa purbinsya. Nakakalungkot po rin pala dito sa Merika. Na mi-miss ko na po ang aking mga kamaganak at mga kaibigan. Pati po yung mga pagkain dyan ay nami-miss ko na rin..lalo na po ang taho, banana cue, tsaka po yung peborit ko na sisig. Minsan po ay nagpunta ako sa botika dito dahil sumasakit po yung aking kasu-kasuan..pero wala raw po silang tindang Salonpas. Natanggap po ba nyo yung mga padala ko (courtesy of Mang Kepweng na nagbalikbayan)? Yun pong mga tsokolate't mga candy ay pakilagay nyo sa garapon..pero markahan nyo po yung garapon ng "ASIN" para wag langgamin. Tsaka pwede nyo na pong buksan at lutuin yung Corned Beef na isang taon nang nakadisplay dyan sa cabinet dyan kusina sa dati nyong bahay. Marami po akong pinadala kasi nag sale ng Libby's. Salamat nga po pala duon sa isang espasol na inipit nyo sa sulat..ngayon lang po ako nakakain ng ispasol na manipis . Wag na lang po kayo uling magiipit ng kakanin sa sulat kasi mahigpit po ang post office dito. Until next time na lang po at papasok na po ako sa trabaho.
Your Loving Son,
Tukmol
Ang sulat
My Dearest Son,
Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam ko na mabagal kang magbasa.Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay pero hindi ko maibibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw naman nung pangalawa.Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad na nabili kong shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi sa labas ay FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay YALE, aba eh namalat na ako sa kakasigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako dun sa nagbenta ng bahay, akala nila ay hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata ito! Mayroon nga pala akong nabili dito na magandang Jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa DHL, medyo mahal daw dahilmabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko sa mga bulsa. Ikabit mo na lang pagdating diyan.Nagpadala na din ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto kong maging anonymous donor.Ang kapatid mo nga palang si Jude ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa Memorial Park,okey naman ang kita above minimum ang sahod.Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.
Love,
Papa
P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope.Next time na lang ha?
Home page
first
back
next