pilyong ibon
pilyong ibon
Isang babae ang naglalakad sa may bangketa ng makita nya sa harapan ng Pet Store ang isang loro.
"Miss ang pangit, pangit mo!", sabi ng loro sa babae.
Nagalit ang babae, ngunit pinabayaan nya na lang ang loro at sya ay pumasok na.
Sa kanyang pag-uwi, nakita na naman nya ang loro
at muli sinabi sa kanya ... "Miss ang pangit, pangit mo talaga," talagang naiirita na sya, pero deadma lang sya.
Nang sumunod na araw, ang loro na naman. "Miss,talagang super pangit ka"
Sobrang inis na ng babae kaya pumasok sya sa loob ng pet shop at sinabihan ang may-ari na kung hindi titigil ang ibon ng kasasabi sa kanya ng pangit
ay idedemanda nya ang store at papatayin ang ibon. Nangako naman ang may-ari na sisiguraduhin nyang hindi na magsasalita ulit ang loro ng pangit.
Ng muling dumaan ang babae pauwi sa kanyang trabaho tinawag sya ng loro "Psst, Miss"
Sumagot sya "Bakit?"
"Alam mo na ", sabi ng ibon
Home page
next