|
BEST VIEWED WITH INTERNET EXPLORER AT 600 X 800 RESOLUTION
Ladies Night
Date
Venue
| | | |
August 22, 2002 (Thursday)
Marikina Rotary Youth Center, Marikina City
|
 | | | | | | | | | | | |
|  |
|
| | | | | | | | | | | |
|
Fun Game
|
|
|
|
|
 | | | | | | | | | | | |
|  |
| Entertainment
| | | | | | | | | | | |
|
Birthday Celebrants
|
|
|
|
|
 | | | | | | | | | | | |
|  |
| Participants
| | | | | | | | | | | |
|
Judges
|
Valley Wheel Vol. 38 No. 05
President's Message
by Pres. Dante Verano
Si PDG Teodorico "Teddy" Zamora kasama ng kanyang maybahay si Mely ang ating panauhin nuong nakaraang pulong. Maraming kaalaman ang ibinahagi si PDG Teddy bilang ating panauhing tagapagsalita sa CREP tungkol sa paksang: Membership Development & Retention. Ayun sa kanya, bilang natatanging samahan ng Rotary, kinakailangan na pag-ibayuhin natin na madagdagan ang ating hanay at panatilihin ang mga kasama sa ating samahan. Nakasalalay sa bawat balikat ng kasapi ang katungkulan na palakasin ang kapisanan sa pag-aanyaya ng mga karapat-dapat at may kakahayang mga bagong kasapi.
Masaya ang sumunod na talakayan pagkatapos ng panayam ni PDG Teddy. Tinalakay din ang pagsapi ng mga kababaihan sa ating samahan na ikinibit balikat ng karamihan. Marahil ay hindi pa tayo handa sa bagay na ito. Marami pamamaraan ang inimungkahi si PDG Teddy upang mapataas ang dami ng palagian dumadalo sa mga pulong at ito ay sinasang-ayunan ng karamihan.
Ang ikalawang yugto ng paligsahan sa Duckpin Bowling na ginanap nitong nakaraang linggo ay pinangunahan ni Chairman Rolly kasama sina PP Roland, PP Onie, PS Floren, PD George, PP Jimmy at nag-cheering sina PP Flor at PE Dindo. Mahusay ang laro natin ngunit kinakailangan mapabilang tayo sa Top 16 para mapabilang sa kampeonato. Samahan natin ang ating kuponan para magbigay sigla sa kanilang laban.
Kakaiba ang pamamaraan sa pagpili ng "Most Outstanding Public Elementary School Teacher" na ipinatutupad ngayon ng lupon na pinamumunuan ni Ingat Yaman Fabi Cadiz. Napahirap ito kaysa dating nakagawian na, ngunit sa paningin ng mga Tagahatol, ay mas mabisa ito upang makapili nang talagang karapat-dapat na magwawagi. Kinakailangan isa-isahing pakinggan at hatulan ang mga kasapi sa mismo kanilang silid aralan habang nagtuturo. Mapalad naman at sinamahan ang lupon nina Ingat Yaman Fabi nina Pang. Pangulo Kiko Pe Benito at Rtn. Claro Capco na isa sa mga Hurado.
Ang buwan ng Agosto ay tinaguriang "Buwan ng Wika". Ito rin ang buwan ng paggunita sa ika -124 na kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wika at bilang pagdaraos nang nasabing buwan, ang Rotary Club of Marikina ay ipinagpapatuloy ang Timpalak sa Pagsulat at Pagbigkas na nasa ika- 18 taong na. Labingtatlong mag-aaral sa mataas na paaralan ang magtatagis ng talino sa pagsulat at pagbigkas. Ang layunin ng programang ito ay upang sanayin ang mga kabataan na ito sa larangan ng pagsulat at pagbigkas. Binibigyan natin sila ng pagkakataon na itampok ang kanila talino sa pamamagitan ng ganitong pagligsahan.
Mga minamahal na kasama, maraming salamat sa patuloy ninyong pagtataguyod ng ating samahan. Ipagpatuloy natin na maging masaya, malakas at magaling ang ating samahan�sa inyong lahat�Salamat at Mahal ko kayong lahat!
Secretary's Corner
by Sec. Vincent Santos
"CREP: MEMBERSHIP DEVELOPMENT AND RETENTION"
Naging masaya at maituturing na espesyal ang lingguhang pagpupulong natin noong nakaraang Huwebes, Agosto 15, 2002. Marami ang dumalo na kasama pa ang ilang maybahay. Ang lahat ay naaliw sa mga nakababaliw na pagpapatawa ni 'brother' Dir. Celso. Pinatunayan naman ni Rtn. Doy Smith na siya ay laging handa at maaasahan ng bigla namin siyang hilingan na pumalit kay PP. Joe Lee sa ating 'Recognition.' Ngunit ang pinakabuod ng ating pagpupulong ay ang pagtalakay ng paksa tungkol sa 'Membership Development and Retention.' Ang nagpakilala sa ating panauhing tagapagsalita ay walang iba kundi si 'Action President' PP Eric. Siguradong natuwa at tumaba ang puso ng ating panauhin sa ginawang kahanga-hangang pagpapakilala sa kanya. Ang ating panauhing tagapagsalita ay walang iba kundi ang magiting na si PDG Teodorico 'Teddy' Zamora. Muli ay pinatunayan niya sa atin ang kanyang malawak na kaalaman sa larangan ng Rotary sa kanyang mahusay na pagbahagi at pagtalakay ng kanyang paksa.
Naging makabuluhan ang ating pagpupulong noong gabing iyon at umuwi ang lahat ng may ngiti sa kanilang labi at taglay ang karagdagang kaalaman sa kanilang mga isipan.
Magkita-kita tayong muli sa ating susunod na pagpupulong at hikayatin nating dumalo ang iba pa nating mga kasapi.
"2ND BOARD MEETING"
Sa ika-26 ng Agosto, 2002 ay gaganapin ang ikalawang pagpupulong ng sanggunian ng RC Marikina. Sa ganap na ika pito ay maari ng dumating upang pagsaluhan ang hapunang inihanda ng ating "host" na si PE Dindo. Inaanyayahang dumalo ang mga sumusunod: PE Dindo - Club Service A; VP Kiko - Club Service B; Dir. Del - Club Service C; Dir. Celso Cruz - Vocational Service; Dir. Val - Community Service A; Treas. Fabi - Community Service B; Dir. Jessie - Community Service C; IPP Tony - International Service B; PP Eric Ignacio - Health Care Project; PS XC - Book Donation; Rtn. Eduard - Livelihood; PT Rolly - Duckpin Bowling; PP Ver - WCS; PP Joe L. - RCC; PD George - Rotaract / Interact; Rtn. Claro - Voice of the Youth Impromptu Speech Contest; Rtn. Doy - Child Protection Program; at Rtn. Ronie - Timpalak sa Pagsulat at Pagbigkas.
"TEACHER'S AWARD - MOPS"
Gaya ng sa mga nakaraang taon, ang Samahang Rotaryo ng Marikina ay muling naglusad ng Namumukod Tanging Guro sa Mababang Paaralan. Ito ay bilang tugon sa proyekto ng Distrito 3800 na Namumukod Tanging Kawani ng Pamahalaan. Ang naging kakaiba sa taong ito, muling ibinalik ang aktuwal na pagtuturo ng mga kalahok na guro kapalit ng panayam at pagbibigay ng talumpati.
Ang mga kalahok ay ang mga sumusunod: Gng. Violeta Santos (FES), G. Eddie Demalgen (MalES), G. Regino Pagtama (NES), Bb. Generosa Victorino (CES), Gng. Lina Casta�eda (SMES), Bb. Emerita Josef (PES), G. Abelardo Ylagan (MarES), G. Julita Marasigan (BES), Bb. Cristeta Turqueza (HBES), Gng. Nelda Aquino (SSSVES), Bb. Imelda Rebangco (KES) at Bb. Benjamita Gueco (SNES).
Ang proyektong ito ay sa pakikipagtulungan ng DepEd Marikina na pinamumunuan ni Dr. Jerome Mendoza. Ang Lupon ng Inampalan ay pinamumunuan ni Dra. Angelita Sta. Ana kasama sila Dra. Ofelia Sison, Dra. Zenaida Celzo, Dra. Zenaida Callope, Gng. Gliceria dela Paz at Rotaryo Claro Capco, na pawang mga taga DepEd Marikina. Ang paggagawad ng parangal ay gaganapin sa ika 31 ng Agosto, 2002 sa Riverbend Hotel kasabay ng pangkalahatang pagpupulong ng walong Samahang Rotaryo sa buong lungsod ng Marikina.
Rotary Information
by IPP Tony Fidelino
"PRIMARY GOAL OF A CLUB ON MEMBERSHIP"
Rotary International is one of the world's largest service organizations. The goal for a club's membership is an up-to-date and progressive representation of the community's business, vocational, and professional interests.
An important distinction between Rotary and other organizations is that membership in Rotary is by invitation. Rotary clubs invite individuals to join and become members.
Membership is vital to a Rotary club's operations and community service activities. A primary goal of the club is to continually expand the club with committed members who have the interest and ability to get involved in service and humanitarian projects. Prospective members must:
- hold - or be retired from - a professional, proprietary, executive, or managerial position;
- have the capacity to meet the club's weekly attendance or community project participation requirements;
- live or work within the locality of the club or the surrounding area.
[Home]
[Members]
[Activities]
[Links]
[Guestbook]
[Rotary International]
[District 3800]
[Current Year]
This page is hosted by Get your own Free Home Page
|