instructional article ni

buhay potchipotch website

home page tungkol kay potchipotch acad mode ito! mga kinaaadikan ni potchipotch mapa ito, baka kasi naliligaw ka na... links!!! kontakin si potchipotch


cutee potchi

potchi...

potchi uli...

potchi pa rin...


Kring!!! Kring!!! Kring!!!
hang-over sa THE RING

Hephephep!!!
Naaalala mo ba itong linyang ito?
'Di ka ba makatulog tuwing gabi dahil naaalala mo si Sadako na
lumalabas sa balon sa patok na pelikulang "The Ring"?
Puwes! May ikukuwento ko sayong ibang istorya ni Sadako.

Sadako Sasaki, 1955

Si Sadako Sasaki 'yang bata sa itaas.
Ipinanganak siya sa bansang Hapon noong 1943.
Sa kasamaang palad, magugunita na nagkaroon ng atomic bombing sa Hiroshima
noong ika-6 ng Agusto taong 1945 nang siya ay dalawang taong gulang pa lamang.
Lumaki naman siyang malakas, matapang, at athletic.
Kaya lang, napag-alaman na mayroon siyang Leukemia, ang "atomic bomb" disease,
nang mawalang siya nang malay habang nag-eensayo para sa isang palaro.

Isang matalik na kaibigan ang nagkwento sa kanya
ng isang alamat na kapag nakagawa ng isang libong papel na crane
(isang ibong mahaba ang leeg at pakpak) ang isang tao,
magkakaroon ng katuparan ang isa niyang kahilingan.

At ganoon nga ang ginawa ni Sadako.
Natapos siyang gumawa ng mga papel na crane bago siya bawian ng buhay
noong ika-25 ng Oktubre, 1955, noong siya ay 12 taong gulang.
Dahil sa pagsusumikap at hindi pagsuko ni Sadako, naging simbulo na ng kapayapaan ang crane.

statue ni Sadako sa Hiroshima

Nagtayo rin ng monumento para sa kanya noong 1958 sa Hiroshima Peace Park
at sa kasalukuyan, maraming tao na mula sa iba't-ibang panig ng mundo
ang nagpapadala ng papel na crane sa kanyang monumento.

Astig 'di ba? Gusto mo rin bang magpadala ng papel na crane para sa kanya?
Heto ang instruksyon para makagawa ng papel na crane.
Ang kailangan mo lang naman ay isang papel na parisukat. *,*

Copyright © 2004 JPRosello
University of the Philippines
Diliman
para po sa inyong komento atbp.
e-mail: [email protected]

Hosted by www.Geocities.ws

1