mga bagay-bagay tungkol kay

buhay potchipotch website

home page tungkol kay potchipotch acad mode ito! mga kinaaadikan ni potchipotch mapa ito, baka kasi naliligaw ka na... links!!! kontakin si potchipotch


cutee potchi potchi...

potchi uli...

potchi pa rin...


Eloweee!


Sa totoong buhay, ako po si Jenny Pari�as Rosello.
Ipinanganak po ako noong ika-5 ng Marso taong 1984 sa Meycauayan, Bulacan.

ang tunay pong potchipotch, 5 years ago... click to see more pika-pikachures
Sa ngayon po, isa po akong estudyante ng Peyups sa Diliman.
Communication Research po ang course ko...
kaya madalas niyo po akong makikitang parang laging inaantok, hehehe *,*

Sa mass comm, ang aking kolehiyong mahal (chekka! hehe), kilala po ako bilang "jen"...
actually mas marami yatang tumatawag sa akin ng "ate jen", kahit nga M.A. students... hmmmm... bakit kaya?

Haaaay... ako po kasi ang martir (buwahaha!) na student assistant
ng Broadcast Communication Department ng Kolehiyo.
Kaya naman halos lahat ng BroadComm majors kilala ako at tinatawag na "ate". grrr...
Sa akin kasi sila nagpapasa ng mga projects, nagtatanong, nangungulit at iba pa!
pabili naman ng tulog... ehehe
Waaah! Nakakapagod din *,* pero oks lang naman...
Masaya rin namang maging student assistant kahit papaano
kasi marami kang makikilalang estudyante at mga guro.
May mga mabait, makulit, wirdo, presko, mahiyain, kenkoy, pa-chummy, pa-cute...
basta! iba-iba naman sila e.

Miyembro rin nga pala ko ng iba't iba pang mga organisasyon...

Opo... Inaamin ko na po... isa po akong bosero *,*
Hep, hep hep! baka iba pong iniisip ninyo...
Miyembro po kasi ako ng UP SILIP (UP Sining at Lipunan) kaya ako naging bosero.
Ang SILIP po ay isang organisasyong nagsusulong ng paggamit sa popular na sining
upang magbigay edukasyon, pagmumulat at kasiyahan (na rin) sa mga karaniwang Pilipino.
Ehem, ehem, ehem... ang bago po palang punong patnugot ng Philippine Collegian o kule
para sa AY 04-05 ay ang kasalukuyang VP for Externals ng SILIP, si Jayson Fajarda.

you'll be dead
"You'll be dead!" --- yan po ang ACLE (alternative classroom learning experience)
ng isa ko pang org, UP Circle of Research Enthusiasts (UP CORE).
Blockbuster po ang ACLE naming ito dahil nakasama namin ang mga dubbers sa hit-na-hit na Meteor Garden.

weeeeh!!! ayan po ang ilan sa mga impormasyon tungkol sa akin...
mas makikilala niyo pa po ako sa ibang pahina... kaya go lang po tayey! ^,^

Copyright © 2004 JPRosello
University of the Philippines
Diliman
para po sa inyong komento atbp.
e-mail: [email protected]

Hosted by www.Geocities.ws

1 1